DESTINY UNLEASHED: MY STOLEN HEART
Chapter 5
"CAN you imagine that!? He stole my first kiss! Ni-reserve ko iyon para lang kay Rodney tapos nanakawin lang ng hambog at bwisit na lalaking iyon!" halos ay mangingiyak na sabi niya matapos ikwento sa mga kaibigan ang nangyari kahapon. "Ang kapal ng mukha niya!" gigil na dagdag niya. Tinawanan lang siya ng apat na lalong ikinainis niya. "I'm serious! Is it the right time to laugh?" napipikang tanong niya sa mga ito at awtomatikong tumikwas na ang kilay niya. Mukhang may balak pa yatang gatungan ng mga ito ang nararamdamang inis niya.
"Chill Euann! Ang cute kaya ng story mo." tumatawang sabi ni Zian. She rolled her eyes.
"Anong cute doon? E ang manyak manyak ng lalaking iyon!"
"Iyon na nga eh! Minanyak at tsinansingan ka tapos hinayaan mo lang!" sabi ni Hazel.
"Eh kasi.." napasimangot siya at napanguso. "Natulala nga ako."
"Hayan! Iyan ang napapala mo sa damdamin mong patay na patay at humaling na humaling kay Rodney!" panenermon ni Zian.
"Isang araw di na ako magtataka kung may mangyaring masama sayo kasi natulala ka na dahil sa Rodney na iyon!" dagdag ni Hazel.
"Oh ano, balak mo pa ding ituloy iyang nararamdaman mo para sa kanya?" tanong sa kanya ni Lian.
"Mahirap namang tanggalin iyon e." nakangusong pagdadahilan niya. "Hindi naman ganon kadaling kalimutan na lang ang nararamdaman ko. I'll stand for it." napabuga ang mga ito sa sinabi niya.
"Ang tigas talaga ng ulo mo." naiiling-iling na sabi ng mga kaibigan.
"Bahala ka diyan. Buhay mo iyan at alam mo namang hindi kami tumigil at nagkulang sa pagbibigay ng payo sayo." sabi ni Hazel. "Sana lang Euann, sana lang ay hindi ka magsisi sa huli. At sana lang talaga, tuluyan ka nang magising diyan sa katangahan mo."
"Katangahan bang magmahal?" tanong niya sa mga ito.
"Pagmamahal ba ang tawag mo diyan sa nararamdaman mo?!?" panenermon ng mga ito.
"Oo." walang kagatul-gatol na sagot niya.
"Lord! Sana magising na sa katotohanan ang kaibigan naming ito at nang matigil na siya sa kabaliwan niya." panalangin ni Zian habang nakapikit pa ang mga mata. Sa sobrang inis niya ay dumampot siya ng chips na nasa mesa at binato ito.
"How many times do I need to tell you, hindi pa ako nababaliw noh!" naiinis na sabi niya.
"Hindi nga ba?" tanong sa kanya ng tatlo.
"Hindi nga ba matatawag na kabaliwan iyang mga ginagawa mo para mapalapit lang kay Rodney?" tanong sa kanya ni Hazel.
"Well, whatever you call it, basta I'm inlove with him! Period!" halos ipinagdiinan na niya ang mga sinabi niya upang maintindihan ng mga ito kung bakit niya ginagawa lahat ng iyon. "Palibhasa kasi, hindi niyo pa naramdamang magmahal kaya ang dali niyong sabihin iyan. Hintayin niyong mainlove din kayo. If that time comes, you'll understand me."
"Kung ganyan lang naman ang definition mo sa love, aba ayoko nang mainlove. Yuck!" tila nandidiring niyakap ng mga ito ang sarili. Ngali-ngali tuloy niyang pag-untugin ang mga ito.
Napasimangot siya nang wala sa oras. Ano bang mali sa nararamdaman niya at tutol ang mga ito? Sa pagkakaalala niya ay never pa siyang sinuportahan ng mga ito kung si Rodney lang ang pinag-uusapan.
"Whatever guys! Anyways, masaya ako sa ginagawa ko kaya kahit ano pang gawin at sabihin niyo, I just don't care anymore." balewalang sabi niya. They rolled their eyes.
BINABASA MO ANG
Destiny Unleashed 1: My Stolen Heart (COMPLETED)
Teen FictionDESTINY UNLEASHED SERIES 1: MY STOLEN HEART Teaser: Euann spend her time loving Rodney. Matagal din niyang inalagaan ang nararamdaman niya dito. Wala siyang ibang pinangarap kundi ang makasama ito sa pagtanda niya. Kaya naman lahat ay gagawin niya p...