DESTINY UNLEASHED: MY STOLEN HEART
Chapter 20
(VINCE'S POV)
"May mga kumakalat na balita.."
Tinapunan niya ng matalim na tingin si Francis nang madinig ang inawit nito. Nang-aasar ba talaga ito? Kung hindi lang niya ito kaibigan ay baka kanina pa niya ito nasakal. Sa totoo lang ay last week pa siya badtrip dito. Ito lang naman kasi ang gumawa ng lintik na apology letter at heto may kasalanan na nga sa kanya, nakuha pa siyang asarin! Haayyzztt!..
"Shut up!" he exclaimed and hit the table with his fist.
"Hey relax!" tumatawang saway sa kanya ng ibang kaibigan.
"How could I relax? Damn you! Pag-untugin ko kayong lima eh!"
"Alam mo ba kung ano ang trending news dito sa university ngayon?" natatawang tanong sa kanya ni Kian.
"Nag-apologize ka daw dahil in love ka na kay Euann!" tawang-tawang sagot nina Adrian at Renz.
"May nakakatawa ba doon?" inis na tanong niya. Sa totoo lang, malapit na siyang mapikon. "You know that's not true!"
"Who would believe you?"
Tama.. Sino nga bang maniniwalang hindi siya ang may gawa niyon eh kaparehong-kapareho ng penmanship niya ang sulat. Nakakainis talaga! Kahit pa siguro maglupasay siya ay walang maniniwala sa kanya.
"Damn you Francis! It's all your fault! You shouldn't have meddled up my business."
Tinawanan lang siya nito matapos magkibit ng balikat. Lalo lang siyang nayamot sa ginawi nito.
"Anyway, kumusta na kayo ni Euann?"
Tumaas ang kilay niya.
"Kumusta? May dapat bang kumustahin sa aming dalawa?""Balita ko, palagi daw siyang nakabuntot sayo at binibigyan ng mga drinks after ng game." nakangising panunudyo ni Kian. "Ang sweet niya."
"You just don't know how pissed I am whenever she's around! And I can't even imagine pati number ko nakuha niya. Malaman ko lang kung sino ang nagbigay niyon, humanda siya."
Oo palaging ginagawa iyon ng dalaga ngunit palagi lang niya itong iniignora at sinusungitan. Wala na rin siyang pakialam kahit mapahiya at mainis ito, ngunit parang balewala ang lahat ng iyon dito. Gusto lang niyang iparating dito na naiinis siya dito. Malay ba niya sa sarili niya. Ngayon lang siya nainis nang ganoon sa isang babae. And knowing the possibility that she likes him kaya nito ginagawa ang lahat ng iyon para sa kanya, kung hindi lang siya naiinis dito ay baka matagal na niya itong pinatulan. Knowing the truth that he's a total playboy, lahat ng natitipuhan niyang babae ay nakukuha niya.
"Bakit ba naiinis ka sa kanya? Nakakapagtaka, ngayon ka lang umayaw ng babaeng nagkakagusto sayo." sabi ni Lance. "Don't tell me nai-intimidate ka sa kanya?"
"Bakit ako maiintimidate sa kanya?" balik-tanong niya.
"Well, honestly kapag tinitignan ko siya, there's something in her na hindi ko makita sa iba. Palaban pero sweet.. Basta, I can't explain it pero napakamisteryosa niya. At yung physical qualities niya, can't you see a lot guys swoon and drool whenever she's around?"
Napaismid siya sa sinabi nito. Oo aaminin niya, maganda at sexy ang babaeng iyon. At ang huling sinabi ni Lance ang talagang kinabibwisitan niya sa lahat pagdating sa Euann na iyon! Talo pa nito ang diyosang si Aphrodite kung tingnan ng mga lalaki. Nakakainis!
"At hindi lang iyon, may narinig akong usap-usapan kani-kanina lang." sabi ni Francis.
"Ano naman iyon?" interesadong tanong ni Kian dito. Kunot ang noong napatingin silang lahat dito.
BINABASA MO ANG
Destiny Unleashed 1: My Stolen Heart (COMPLETED)
Teen FictionDESTINY UNLEASHED SERIES 1: MY STOLEN HEART Teaser: Euann spend her time loving Rodney. Matagal din niyang inalagaan ang nararamdaman niya dito. Wala siyang ibang pinangarap kundi ang makasama ito sa pagtanda niya. Kaya naman lahat ay gagawin niya p...