DESTINY UNLEASHED: MY STOLEN HEART
Chapter 28
"Nasaan na kaya iyon?" tanong niya sa sarili habang naglalakad papasok sa loob ng resort. Kanina pa kasi niya hinahanap si Vince pero hindi niya ito makita. Mukhang pinagtataguan na naman siya nito. Tinungo niya ang suite ng binata, nagbabakasakaling bumalik na ito doon ngunit naka-ilang katok na siya ay wala pa ding sumasagot. "Vince? Are you there? Yohhooo! Knock! Knock!" napabuga siya. Sa totoo lang, mukha na siyang tanga! "Tsss! Nasaan na ba kasi iyon?" hinawakan niya ang seradura ng pinto at pinihit iyon. Kumunot ang noo niya nang mapag-alamang bukas pala iyon. Sumilip siya sa siwang ng pinto. "Vince? Nandiyan ka ba sa loob?" tanong niya habang inililibot ang tingin. Wala pa rin ito. Pumasok siya sa loob upang alamin kung naroon ba ito o wala. "Nasaan na ba ang lalaking iyon? Gabi na ah." naiiling na napakamot siya sa ulo at aalis na sana nang marinig niya ang pagtunog ng isang cellphone sa ibabaw ng sidetable malapit sa kama.
Naglakad siya palapit doon at dinampot ang aparato. She saw there are 20 misscalls and 43 messages. Hindi siya pakialamera pero dahil sa matinding curiousity niya ay binuksan niya ang inbox nito. He has a lot of messages coming from different people. Pero ang binasa lang niya ay ang messages at conversation ni Vince at ng Mama nito.
"How are you son?"
"I'm doing fine mom.. Trying to be fine here.."
"I miss you son. I wish you're here with us in Mindoro.."
"You're there again.."
"I know you're still in pain about what happened to your sister. Anak please move on.."
No reply from Vince..
"Tomorrow's your birthday. Happy birthday Vince. I do hope you enjoy your day. I love you."
Pagkabasa niya niyon ay ibinalik na niya ang cellphone nito sa kinalalagyan niyon kanina. 'Birthday pala nito bukas. Yaaaayyy! Kung isurprise ko kaya siya? Nice idea Euann! That would be great!' napangiti siya ss naisip.
Mabilis na siyang lumabas doon dahil mahirap na kapag maabutan siya bg binata. Knowing him, ayaw nitong pinapakialaman ang mga gamit nito, talo pa man din nito ang leon at tigre kung magalit. Habang naglalakad siya ay nag-iisip siya kung papaano niya isusurprise ang binata. Special day nito bukas kaya dapat ay mapaghandaan niya iyon ng bonggang-bongga sa lalong madaling panahon.
"Hmmm? Paano ko kaya siya isusurprise?" nakangusong bulong niya. "Magha-hire ba ako ng clown? Tapos may mga balloons at cake?" napangiwi siya sa naisip. "Hindi na pala siya bata. Tsk! Ano nga ba? Isip Euann.. Isip..."
"Euann!!! Euann!!!"
Napakislot siya at nagulat nang marinig ang nakabibinging sigawan ng mga kasamahan niya sa volleyball. Napalingon siya at kumunot ang noo niya nang makitang tumatakbo at humahangos na lumapit sa kinaroroonan niya ang mga ito.
"O Viel, Kate, Keisha, bakit?" tanong niya sa mga ito. Hinihingal na napahinto ang tatlo sa harapan niya.
"Si... Si... Si ano..." habol ang hininga at tila nahihirapang sabi ng mga ito. Pati siya ay nahihirapan sa mga ito. "Si..."
"Ano nga? Sinong si?" naiinis na tanong niya. Kung hindi sana kasi tumakbo ang mga ito eh di sana ay maayos ang pagsasalita ng mga ito. Kinakabahan tuloy siya sa mga ito eh! Ano ba kasing sasabihin ng mga ito sa kanya at ganon na lang makatakbo. Halata din niya sa mukha ng tatlo ang takot at pagkataranta na lalong nagpadagdag sa kabang nararamdaman niya.
"Si... Vince..."
"What happened?" Kumunot ang noo niya sa narinig. Anong nangyari kay Vince? May kumidnap ba dito kaya ito nawawala? Kinabahan siya sa naisip.
BINABASA MO ANG
Destiny Unleashed 1: My Stolen Heart (COMPLETED)
Teen FictionDESTINY UNLEASHED SERIES 1: MY STOLEN HEART Teaser: Euann spend her time loving Rodney. Matagal din niyang inalagaan ang nararamdaman niya dito. Wala siyang ibang pinangarap kundi ang makasama ito sa pagtanda niya. Kaya naman lahat ay gagawin niya p...