Chapter 31 - The Medicine

132 12 0
                                    

DESTINY UNLEASHED: MY STOLEN HEART


Chapter 31


Nasapo niya ang ulo nang maramdamang mabigat, makirot at masakit iyon.

"Arayyy.." nakangiwing daing niya at tumagilid ng higa. Ang sakit talaga ng ulo niya. Ano ba kasing nangyari? Pilit niyang inalala ang mga nangyari at noon niya napagtantong ang sakit na nararamdaman niya ay dala ng hangover dahil sa matinding kalasingan kagabi. Ngali-ngali na niyang kutusan ang sarili. Ano ba kasing nagtulak sa kanyang maglasing? Napabuga na lang siya at dahan-dahang iminulat ang mga mata.

Halos ay manlaki ang mga mata niya nang bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Vince. Mahimbing itong natutulog sa tabi niya.


Natatarantang tumalikod siya sa pagkakahiga. "Oh my gosh! What am I doing here? Bakit ako nandito sa suite niya? Bakit kami magkasama at higit sa lahat bakit... bakit kami magkatabi?" halos ay himatayin na siya sa matinding takot at nerbiyos. "God! Don't tell me, may nangyari samin? This can't be! I'm dead! Papatayin ako ng parents ko! Whaahh huhuhu.." naiiyak na nginatngat niya ang mga daliri. Nang mahimasmasan ay pinagtatampal niya ang pisngi. Ilang beses siyang huminga ng malalim upang irelax ang sarili. Lumunok muna siya bago dahan-dahang sinilip ang katawan sa ilalim ng kumot at halos ay nakahinga siya ng maluwag nang makitang kompleto naman ang mga damit niya. Pinakiramdaman din niya ang sarili at tuluyan siyang nakahinga ng maluwag nang maramdamang wala namang masakit sa katawan niya. Mabilis niyang pinunasan ang pawis na namuo sa noo niya. Mabuti na lang talaga... Kung hindi ay siguradong mapapatay siya ng parents niya at sesermunan pa siya. For sure her parents will never accept that their only daughter and heiress slept with a man in one bed. Kahit sinong magulang ay hindi matutuwa sa ganoon.


Inalala niya ang mga nangyari kagabi. Pilit na iniisip ang dahilan kung bakit naroon siya. Oo lasing siya, pero bakit dito siya nito dinala? At bakit magkatabi sila sa iisang kama?

Ilang sandali pa'y natigilan siya nang maalala ang mga sinabi at inamin nito kagabi. That he cared for her.. And that he want her to stay in his life. Hindi niya napigilan ang sariling mapangiti dahil doon. Lalo na at sa wakas ay isinuko nito ang ego nito dahil ilang beses ding lumabas sa bibig nito ang katagang 'sorry' na kahit kailan ay ayaw nitong banggitin. She's really happy... Dahil sa nakikita niya'y nagsisimula na itong magbago. He's totally changing for good. The furious lion now turned into a tamed sheep. And that changed is all because of her. She's really proud of herself now.. She never thought that she could change someone.. It's feels so overwhelming.. Ang saya sa pakiramdam... sobra... And she's hoping na sana ay tuluyan na nga itong magbago. At sana magtuluy-tuloy na ang magandang simula nila..

Dahan-dahan siyang bumiling sa higaan upang harapin ito. Lalong lumapad ang ngiti niya sa labi nang makitang tulog na tulog pa rin ito. Nakangiting pinagmasdan niya ito. Ilang sandali pa'y kusang umangat ang kamay niya at inabot ang mukha nito. Inihawi niya ang ilang hibla ng buhok nitong tumabing sa noo nito.

Natigilan siya sa ginagawa at mabilis na binawi ang kamay nang makitang gumalaw ito. Kinabahan siya at napalunok nang makitang dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata. Natatakot siyang baka bulyawan at sigawan siya nito tulad ng madalas nitong ginagawa sa kanya. Natatakot at nangangamba siyang bumalik na naman ang dating ito. Ngunit taliwas sa inaasahan niya ay nakita pa niya itong ngumiti sa kanya.

"Good morning.."

Her heart skipped a beat when she saw him smiled at her innocently. Halos ay hindi niya namalayang nakatulala na pala siya dito. Darn! Hindi ba nito alam kung gaano ito kagwapo sa ngiti nitong iyon? Lalong lumapad ang ngiti nito nang makita ang naging reaction niya.

Destiny Unleashed 1: My Stolen Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon