DESTINY UNLEASHED: MY STOLEN HEART
Chapter 30
HAPON na nang mapag-pasyahan niyang umuwi sa resort. Agad siyang nagtungo at dumiretso sa restaurant ng hotel dala ng matinding gutom.
"Di ka rin halatang gutom ano?"
Awtomatikong napaangat siya ng tingin sa narinig. Napatigil siya sa pagnguya nang tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ni Rodney. Bahagya siyang napasulyap sa mga platong nasa harapan niya. At napangiwi siya nang marealize na limang plates ng pagkain ang nasa harapan niya.
"Yeah, I'm starving to death. Hindi kasi ako nakapag-breakfast at lunch kanina" sagot niya at nginitian ito ng kimi.
"Poor you. Bakit mo kasi ginugutom ang sarili mo?" naiiling na sabi ni Rodney. "Mind if I join you then?" nakangiting tanong nito.
"No. Upo ka na."
Nakangiting umupo ito sa harap niya at nag-order sa waiter ng pagkain nito.
Tahimik na nagpatuloy siya sa pagkain. Habang ginagawa niya iyon, ito naman ay nakangiting nakamasid lang sa kanya.
"You're acting so weird these past few days. Any problem?" usisa nito. Napatigil siya sa ginagawa at pagkuwa'y nilunok ang pagkaing nasa bibig.
"Wala naman." kaswal na sagot niya. Tinitigan siya nito ng matiim na tila ba binabasa nito ang laman ng isip niya. Mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin.
"I don't believe you. Come on, tell me."
"Wala talaga.."
"Is it because..."
"No! I don't have a problem!" mabilis niyang putol sa mga sinasabi nito. "Please... Ayoko na munang mag-isip. I just want silence.."
Natigilan ito sa sinabi niya. Halata ang pagkagulat sa mukha nito. Nang makahuma sa matinding gulat ay tila nakakaunawang tumango ito. Napabuntong-hininga ito.
"Sorry..." apologetic na paumanhin nito.
Tinanguan na lang niya ito at hindi na lang siya umimik. Itinuloy niya ang pagkain at hindi na lang ito pinansin. Napabuga siya.
"I'm sorry too.." At some point ay nagi-guilty siya sa ginawa niya at sa sinabi niya. Pero masisisi ba siya nito? Oo, crush niya ito pero masyado na kasi itong naging makulit. She's not even in the mood to talk with anyone right now...
"It's ok. I understand." he answered and give her an assuring smile. "May gagawin ka ba mamaya?"
Umiling siya bilang sagot.
"Then ok lang ba kung magbonding tayo mamaya? If ok lang sayo?"
Napaisip siya sa sinabi nito. Oo sa totoo lang ay nalulungkot siya. Naiinis, naiiyak at nababadtrip dahil sa mga bagay at pakiramdam na hindi niya matukoy at hindi malaman ang dahilan. And those feelings kill her. She hate it! So much! Ayaw niyang maramdaman ang mga iyon. And she knew, being alone, will only worsen her agony. At iyon ang ayaw niyang mangyari. She's not that weak.. Kaya kailangan niyang magliwaliw upang kalimutan ang mga nararamdan niya. She really need to be with someone to forget and to be normal again. And Rodney is the best choice.
Ngumiti siya dito. "Sure. Let's bond together then.."
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Sabay silang pumasok ni Rodney papuntang gameroom. Mula sa pinto ay kitang-kita niya ang ilang guests ng resort na naglalaro sa loob. Naroon din ang ilang kasamahan nila.
"So, do you want to play something?" usisa sa kanya ni Rodney.
"I want over there." sagot niya sabay turo sa kinaroroonan ng mga billiards. "Halika na dali!" excited na hinatak niya ito papunta doon. Natawa na lang ito sa kanya. "So, you're playing this?"
BINABASA MO ANG
Destiny Unleashed 1: My Stolen Heart (COMPLETED)
Teen FictionDESTINY UNLEASHED SERIES 1: MY STOLEN HEART Teaser: Euann spend her time loving Rodney. Matagal din niyang inalagaan ang nararamdaman niya dito. Wala siyang ibang pinangarap kundi ang makasama ito sa pagtanda niya. Kaya naman lahat ay gagawin niya p...