Chapter 33 - Confusion

107 11 0
                                    

DESTINY UNLEASHED: MY STOLEN HEART


Chapter 33


"Bilisan mo! Ano ba! Ang laki mo ngang tao ang bagal mo naman maglakad! Tsk!" panenermon niya kay Vince. "Huwag ka ngang babagal-bagal!"


"Hindi porke nagtapat na ako sayong mahal kita, ginaganyan-ganyan mo na ako." nakangusong maktol nito. "Tsaka isa pa, kung gusto mong bumilis ang paglalakad ko, di tanggalin natin itong piring na inilagay mo sa mata ko."


"Subukan mo!" nanlalaki ang mga matang banta niya.

"Fine!" nakangusong sabi nito. Napangiti na lang siya at itinuloy nila ang paglakad habang inaalalayan niya ito. "Malapit na ba?" nakangusong usisa nito.


"Oo... Mga 1000 steps pa." awtomatikong napatigil ito sa paghakbang nang marinig ang sinabi niya.


"1000 steps?! Seriously?!?" hindi makapaniwalang bulalas nito. "Euann naman eh! Tatanggalin ko na talaga ito! Kung bakit kasi kelangan pang magpiring!" maktol nito at walang sabi-sabi ay tinanggal ang panyong ipinantakip niya sa mga mata nito.


"Surprise! Belated happy birthday President!!" sabay-sabay na bati ng members ng sports organization. Napamaang ito at natigilan. Natatawang napatingin siya dito.

"Happy 7th birthday Vince!!" nakangiting bati niya. Kumunot ang noo nito.

"7th? 19 na ako." pagtatama nito.

Tinawanan niya ito. "I know. Kung bakit 7th ang sinabi ko, you'll see." hinatak na niya ito patungo sa maliit na stage. Pinaupo niya ito sa nag-iisang upuan doon.

Sa tulong ng pagkakaisa nilang mga members ng sports organization ay nagawa nila ng mabilisan at walang kahirap-hirap ang mga dapat nilang iprepare. Nagtulung-tulong sila sa pagdidesign ng hall at pagluluto ng pagkain. Ang mga mangyayari naman sa program ay sarili niyang idea. And she's wishing na sana ay matuwa at mag-enjoy si Vince sa sorpresa nila.

Nang makaupo ito ay kinuha niya ang microphone. "Good evening guys! Tonight, we're going to celebrate our Sports Organization President's special day. So, are you ready everyone?"

"Yeah!!" they cheered in chorus.

"Then let the party begin!" buong siglang anunsiyo niya. Napahiyaw sa matinding tuwa ang lahat. "Let's start the party with his 7th birthday!"

Natawa siya nang makita ang panlalaki ng mga mata ni Vince nang lumabas ang dalawang clown mula sa private room ng hall.

"Clowns? Seriously?" hindi makapaniwalang bulalas niya.

"We'll start it on your 7th birthday Vince. We'll show you what you've missed in your birthdays." nakangiting sagot niya.

Kinuha ng isang clown ang cake na may candle na number 7 sa table. Lumapit ito kay Vince dala-dala ang cake. Natawa naman si Vince nang makita ang cake. Maya-maya'y napatitig ito sa clown. Kumunot ang noo nito.

"Drake???" nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwalang bulalas nito nang mamukhaan ang isa sa ka-team nito sa basketball. Napatingin naman ito sa isa pang clown. "Seb?? Pumayag kayong maging clown? Seriously??" tumatawang tanong nito. Nagkibit-balikat naman ang dalawa.


"Para sayo kap. Magsasakripisyo kami."

"Sino naman ang nagplano nito?" natatawa at naiiling na usisa ni Vince.

"Si Euann." sagot ng dalawa sabay turo sa kanya. Nakangiwing nag-peace sign siya na ikinangiti naman ng binata.

"Ok, so let's sing the happy birthday song!" pang-iiba niya upang mawala sa kanya ang atensiyon nito.

Destiny Unleashed 1: My Stolen Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon