8 - I Love You

195 17 1
                                    

DESTINY UNLEASHED: MY STOLEN HEART

Chapter 8

"Good afternoon class, before we start our lesson, I want to group all of you by pair." anunsiyo ng professor nila pagkadating na pagkadating nito. "You may choose your pair now."

Halos ay nag-ingay ang lahat ng kamag-aral niya habang nag-uunahan sa pagpili ng kapareha. Tahimik na pinanuod lang niya ang mga ito sa kaguluhan ng mga ito. Makalipas ang ilang minuto ay halos may kapareha na ang lahat at siya na lang ang wala.

"Sino na ang magiging partner mo Miss Balmaceda?" tanong sa kanya ng professor. Ikinibit niya ang balikat bilang sagot.

"Pwede naman po akong magsolo." sagot niya.

"No." giit nito. Napabuga na lang siya nang wala sa oras.

"Sorry Ma'am we're late!"

Sabay-sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses at ganon na lang ang tuwa niya nang makita ang tatlong magkakaibigang lalaki na papasok ng classroom nila.

"You three, choose your partner now."

Sa sinabi ng professor ay agad na nag-akbayan sina Renz at Lance.
"We're in!" duweto ng dalawa.

"Hey, what about me?!?" salubong ang kilay na tanong ni Vince sa dalawa.

"No problem Mr. Monteverde, kayo na lang ni Miss Balmaceda ang magkapareha."

'Hehehe.. Kung sinuswerte nga naman..' nagbubunying sabi ng isip niya. Talagang tinutulungan na siya ng tadhanang maisakatuparan ang mga plano niya.

"What?!?" hindi makapaniwalang bulalas ng lalaki at manghang napalingon sa instructor nila.

"Siya na lang at ikaw ang walang partner. So it's better if kayo na ang magkasama. Ok, go back to your proper seat now and let's start!" untag ng instructor sa mga magugulong kaklase nila.

Naiinis at hindi maipinta ang mukhang napatingin sa kanya ang lalaki. Nginitian niya ito ng ubod tamis, lalo namang umasim ang mukha nito sa ginawi niya. Natatawang tinapik ito sa balikat ng dalawang kaibigan nito.

"Goodluck pre!"

"Shut up!" gigil na sikmat nito at tinabig ang kamay ng dalawa.

'Ang cute talaga inisin ng lalaking ito!' natatawang sabi ng isip niya.
Nang muli itong tumingin sa direksiyon niya ay itinaas niya ang kanang kamay at pinagalaw ang hintuturo na tila ba sinesenyasan itong lumapit. "Come here." bulong niya. Napatiim bagang ito sa ginawi niya.

"Pre ano pang itinutunganga mo diyan? Lumapit ka na daw!" natatawang pang-aalaska ng dalawa at bahagya pa itong itinulak.

Hindi maipinta ang mukhang lumapit ito sa kanya at pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay niyang nakataas. Pilit nitong ibinaba iyon sa mesa niya.

"Sa oras na gawin mo pa ito, humanda ka sakin!" banta nito at padabog na umupo sa katabi niyang upuan.

"Chill babe. Ang cute mo talaga kapag naiinis!" nakangising pang-iinis niya at pinisil pa ito sa pisngi. Mabilis nitong hinuli ang kamay niya at mahigpit na hinawakan iyon. Pakiramdam niya ay nanulay ang milyon-milyong boltahe sa katawan niya nang dumikit ang balat nito sa balat niya. Gusto niyang bawiin at ilayo dito ang kamay ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito doon.

"What did you called me?" salubong ang kilay na tanong nito at tinitigan siya ng matiim. "Babe?" taas ang kilay na tanong nito. He smirked. "You're not my girlfriend." padabog nitong binitiwan ang kamay niya.

'And if you think na gustung-gusto kitang tawagin ng ganon, manginig ka naman! I don't want to be your girlfriend either!' naiinis na sagot ng isip niya.

Destiny Unleashed 1: My Stolen Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon