DESTINY UNLEASHED: MY STOLEN HEART
Chapter 13
Pagkababang-pagkababa niya sa kotseng naghatid sa kanya sa university ay agad nagsalubong ang kilay niya nang makitang pinagtitinginan siya ng mga ibang estudyante habang nakikipagbulungan sa mga kasama.
Taas ang kilay na ikinalat niya ang tingin at lalong kumunot ang noo niya nang makitang pinagtitinginan siya ng lahat. Nagkibit-balikat na lang siya at hindi pinansin iyon. Sabagay, palagi naman siyang center of attention kaya wala na siyang dapat ipagtaka. Hindi na lang niya pinansin ang mga ito at naglakad patungo sa building ng college of engineering. Habang naglalakad siya ay napansin din niyang lahat ng nakakasalubong at nadadaanan niyang nilalang ay napapatingin sa kanya. Wala siyang balak pansinin ang mga ito kahit sa kaloob-looban niya ay gusto niyang kumuha ng armalite at pagbabarilin ang mga mata ng mga ito dahil sa matinding gigil at inis. Sa totoo lang ay nababanas na siya. Hindi niya maipaliwanag ngunit malakas ang pakiramdam niyang meron silang alam na hindi niya alam. Iba kasi ang paraan ng pagtitig ng mga ito. Ang mga titig ng mga ito sa kanya ay punung-puno ng panlalait, pandidiri at pangliliit.
"What's wrong with these people?! Lunes na lunes, sinisira nila ang mood ko!" naiinis na sabi niya sa sarili. "Sila pa ang may ganang tingnan ako ng ganoon?? Ha! They don't know who they're dealing with!!" gigil na sabi niya. Sa sobrang inis niya ay inirapan niya ang mga ito at taas noong nagpatuloy sa paglakad.
Saktong pagpasok niya sa building nila ay tumunog ang cellphone niya kaya tumabi na lang muna siya sa hallway upang sagutin iyon. Dahil sa ginawa niya ay walang nakapansin sa kanya.
"Hello Lian. You know what, ang weird ng mga tao dito sa university. Nakakapikon sila ha! Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng maladiyosa sa ganda??" napipikon na sumbong niya. Narinig niya ang pagtawa nito sa kabilang linya. "Seriously, what's wrong with me??"
"That is the reason why I call you."
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. May alam ba ito sa mga nangyayari? Hindi niya maipaliwanag ngunit nagsimula na siyang kabahan.
"Ano nga bang nangyayari? Bakit ganoon sila makatingin sakin? Sa totoo lang, napipikon na ako sa kanila!"
She heard Lian sighed. "I warned you before Euann. Di ba ang sabi ko mag-iingat ka."
"Nag-iingat naman ako ah!" sagot niya at napanguso. Ano ba kasing nangyayari? Naguguluhan na talaga siya.
"Nag-iingat bang matatawag mo ang nangyari?" nagsimula na ito sa panenermon. "Gosh Euann! Trending ka ngayon dito sa campus."
"What's new? They called me Trending Queen in my former school." pambabalewala at pagkikibit-balikat niya. Very proud pa siya nang sabihin iyon.
"Proud ka pa?? Gaga ka ba??" bulyaw nito. Kung kaharap lang niya ito ay sigurado siyang kanina pa siya nito binatukan at sinabunutan. Halata kasi sa boses nitong naiinis na ito. "Oo trending ka nga, ang tanong maganda ba ang issue tungkol sayo?! Well, base from this picture, I'm telling you, you're image has been ruined!!"
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "What picture?" nagtatakang tanong niya. Kung ano man ang picture na tinutukoy nito, wala siyang dapat ipag-alala at ikatakot. Sa pagkakaalala niya ay wala naman siyang nude pictures. Hindi siya ganoong tipo ng babae dahil pinalaki siyang maayos at disente ng parents niya. Tsaka isa pa, ayaw niyang masira ang pangalan niya dahil una sa lahat, taglay niya ang apelido at dugong Balmaceda. Ayaw niyang gumawa ng bagay na ikakasakit ng ulo ng parents niya dahil takot siyang ibitin patiwarik ng Dad niya. Iba din kasi ito kung magalit.
"Well, pictur-"
Hindi na niya narinig ang ibang sasabihin nito dahil namatay ang phone niya. Nakalimutan pala niyang icharge iyon.
BINABASA MO ANG
Destiny Unleashed 1: My Stolen Heart (COMPLETED)
Teen FictionDESTINY UNLEASHED SERIES 1: MY STOLEN HEART Teaser: Euann spend her time loving Rodney. Matagal din niyang inalagaan ang nararamdaman niya dito. Wala siyang ibang pinangarap kundi ang makasama ito sa pagtanda niya. Kaya naman lahat ay gagawin niya p...