DESTINY UNLEASHED: MY STOLEN HEART
Chapter 6
Nang tuluyang matapat siya sa pinto ng classroom ng lalaking kinaiinisan ay huminga muna siya ng pagkalalim-lalim. Inayos din niya ang suot niyang blue sleeveless tank top na pinatungan niya ng fur chalecko na kulay puti. Inayos din niya ang white balloon skirt niyang hanggang kalahati ng hita niya na tinernuhan niya ng kulay puti niyang boots. Isinuot na niya ang kulay puting headset niya sa ulo.
Nang masigurong ayos na ang get up niya ay ipinaskil niya ang isang matamis na ngiti sa labi. Humakbang na siya at naglakad na papasok sa loob.
Napatigil ang lahat sa pag-iingay at laglag ang pangang napatingin sa kanya. Halos lahat ng mga mata ay nakatuon na sa kanya. Nagpatuloy siya sa paglakad na parang modelong rumarampa sa isang fashion show. She headed towards her enemy's direction.
Nakita niyang siniko ito ng nagngangalang Lance. Mula sa pagkakayuko ay tumingin ito sa lalaki. Inginuso siya ng kaibigan nito kaya nagtatakang napatingin ito sa direksiyon niya. Bago pa man ito tuluyang mapatingin sa kanya ay napatingin siya sa mga nakaharang sa daan niyang lalaki. Natutulalang binigyan siya ng daan ng mga ito na sinuklian niya ng pamatay niyang ngiti.
Nagpatuloy siya sa paglakad. Nang dumako ang tingin niya sa lalaki ay kitang-kita niya ang pagsimangot at pagkunot ng noo nito. Naiiling na yumuko ito at itinuloy ang ginagawa. Lihim siyang nainis sa ginawi nito. Ni hindi man lang ba ito nagandahan sa kanya? Nakaramdam siya ng pagkadismaya sa sarili dahil sa palpak niyang plano. Nang ngitian siya ng dalawang kasama nito ay ngumiti na lang din siya kahit sa kaibuturan ng puso niya ay ngali-ngali na niyang paguuntugin at pagbuhul-buhulun ang mga ito dahil sa matinding inis.
Nang nakatalikod na siya at wala nang nakakakita sa kanya ay gigil na napasimangot siya at itinirik ang mga mata. Hanggang kelan siya magpapanggap na masaya at ngingiti sa harap ng mga ito? Ayaw na niyang magpanggap kaya kelangan na niyang madaliin ang mga plano niya. Nang humarap na siya at umupo ay ibinalik na niya ang nakangiting mukha.
Ilang sandali pa'y dumating na ang professor nila. Nagtungo siya sa table sa harap upang ibigay dito ang classcard niya.
"Oh you have a new classmate." nakangiting sabi ng ginang. Isang ngiti lang ang isinagot niya sa sinabi nito. "Introduce yourself Miss?"
"Balmaceda Ma'am" sagot niya. Iginiya siya nito sa gitna at harapan ng classroom. Nakangiting humarap siya sa mga kamag-aral niya. Ilang beses na niyang ipinakilala ang sarili sa iba pang subject niya. And she have to admit, nakakapagod at nakakaumay na. "Hi good afternoon everyone, I'm Euanne Andrhea Balmaceda, 18 years old, from Parañaque. I'm a transferee from Saint Paul University." habang nagsasalita siya ay tulalang nakatitig lang sa kanya ang mga kaklase. Ni hindi na nga niya alam kung nakikinig pa ang mga ito sa sinasabi niya. Nakaramdam siya ng inis nang dahil doon. Bago pa man siya mapasimangot sa harap ng mga ito ay minabuti na lang niyang tapusin ang sinasabi. "That's all, thank you." Nang matapos ay tahimik niyang tinungo ang upuan. Habang naglalakad siya ay napatingin siya suot na pin i.d ng kinaiinisang lalaki. She tried to read his name there.
Kailangan niyang malaman iyon upang makasagap siya ng balita at impormasyon tungkol sa lalaki. Nang sa ganoon ay mas mapapabilis ang binabalak niya. She need to know everything about him. And that's her first plan...
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"What?!???" nanlalaki ang mga matang bulalas ng mga kaibigan niya matapos niyang sabihin sa mga ito ang pangalan ng lalaki.
"Is this some kind of a joke Euann??" hindi makapaniwalang tanong ni Hazel.
"No I'm not!" pakli niya. "Nakita ko ang pin i.d niya and I'm sure his name is Joehanz Vincent Kreig Monteverde. And the name of his 2 friends are Xian Renz Luivan Torres and Lance Zenriel Voughn Bilarde. I heard him called them Renz and Lance." mahabang paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
Destiny Unleashed 1: My Stolen Heart (COMPLETED)
Teen FictionDESTINY UNLEASHED SERIES 1: MY STOLEN HEART Teaser: Euann spend her time loving Rodney. Matagal din niyang inalagaan ang nararamdaman niya dito. Wala siyang ibang pinangarap kundi ang makasama ito sa pagtanda niya. Kaya naman lahat ay gagawin niya p...