Chapter 12 - The Promise

173 13 0
                                    

DESTINY UNLEASHED: MY STOLEN HEART

Chapter 12

"Good evening people!" masaya at masiglang bati niya habang nakadipa ang mga braso at kamay nang makapasok siya sa loob ng bahay.

Maang na napatitig sa kanya ang dalawang yaya niya na sumalubong sa kanya upang kunin ang mga gamit niya. Marahil ay nagtataka at nagulat ang mga ito sa magandang mood niya.

"Bakit? Is there something wrong yaya Lorna at yaya Digna?" nagtatakang tanong niya sa dalawa.

Ang dalawang ito ang yaya niya simula noong bata siya kaya magaan ang loob niya sa mga ito. Itinuring na rin niyang kapamilya ang mga ito dahil sa pag-aalaga at pagi-intindi ng mga ito sa kanya. Tsaka isa pa, naging kasabwat din niya ang dalawa sa lahat ng mga kalokohan niya noong bata siya kaya palagay ang loob niya sa mga ito.

Ikinalat niya ang tingin sa paligid. Tumingin siya sa kanan at sa kaliwa niya. "May multo ba? It looks like you've seen one."

"Wala naman Euann. Nakakagulat ka lang kasi." sagot ni Manang Lorna at nakangiting napapailing. "Napansin kasi naming badtrip ka nitong mga nagdaang araw. Kaya nakakapagtaka lang na ganyan kasaya ang aura mo ngayon."

"Masyado ba akong obvious?" masayang tanong niya at kinikilig na tinutop ang magkabilang pisngi.

"Inlababo na yata itong batang ire.." panghuhula ni Manang Digna habang napapailing.

"Tumpak ka diyan yaya!" natutuwang itinuro pa niya ito sabay palakpak. "Grabe!! Ang gwapo-gwapo niya!! Iiihh!!..." tumitiling sabi niya at tinutop ang magkabilang pisngi. Halata ang nakalarawang kilig sa mukha at mga mata niya. "Hindi lang iyon!! He is also a gentleman! Akalain niyo iyon? Inihatid niya ako sa parking lot!! Iihhhh!!.. Grabe! Ang bait-bait niya sobra!! Kahit may kasalanan ako sa kanya, hindi siya nagalit! Hindi ako nagsisising siya ang pinangarap kong lalaki!! Nasa kanya na lahat ng gusto ko sa isang lalaki! Gwapo siya, mabait, gentleman, caring, mahilig sa sports, popular.. Aahh basta yaya kung idedescribe ko lang siya, ang salitang PERFECT ang nararapat lumabas sa bibig ko! Yaya! Perfect match kami! Bagay na bagay talaga kami! At 'yung mga titig niya sakin kanina.. My gosh!!... Sobrang nakakatunaw!! At 'yung heart ko, hindi matake 'yung bilis at lakas ng pagtibok niya!.." tumingala siya sa itaas habang nakasalikop ang dalawang kamay sa kanyang kanang pisngi na tila ba nananaginip. "I therefore conclude mga loving yaya dear!! It's not a simple crush anymore.. Because this is nothing but... LOVE... Ihhhh!!! Mahal ko na si Rodney!!..... At alam ko yaya! I know he loves me too..."

"Naku, tinamaan na yata ng kaengklongan iyang alaga mo.." naiiling na bulong ni Yaya Digna kay Yaya Lorna.

"Eh inlababo eh.." sagot na bulong ng isa. Binalingan siya ng dalawa. "Eh hija, paano mo naman nasabing mahal ka din niya? Sinabi ba niya? Nagtapat na ba siya?"

"Hindi. But I can feel it! Malakas ang pakiramdam ko! Hindi man niya sabihin, may gusto din siya sakin!" kinikilig na turan niya.

Nagkatinginan ang mga ito.
"Lakas talaga ng tama..." naiiling na bulong ng dalawa.

"Oh dumating ka na pala."

Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses at lumawak ang ngiti niya sa labi nang makita ang Mommy niyang papasok sa malawak nilang sala. May suot itong apron kaya sigurado siyang galing ito sa kitchen.

"Mom!" sigaw niya habang palapit dito at parang batang yumakap dito. "Good evening." abot tenga ang ngiting bati niya at humalik sa pisngi nito. Salubong ang kilay na tinitigan siya nito. "What? May dumi ba ako sa mukha?" buong pagtatakang tanong niya at kinapa ang sariling mukha.

"Wala naman sweetie..." natatawang sagot nito. "You just look so weird. Parang may mali."

"By the way, what are you cooking mom?" usisa at pag-iiba niya sa usapan. Baka mamaya ay maikwento pa niya dito si Rodney. Mahirap na, ayaw niyang mabatukan nang wala sa oras. Sinenyasan niya ang dalawang umalis na. Mahirap na, baka maisumbong siya ng dalawa sa mommy niya.

Destiny Unleashed 1: My Stolen Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon