DESTINY UNLEASHED: MY STOLEN HEART
Chapter 47
Nang mga oras na iyon ay naglalakad siya sa loob ng university nang bigla na lang siyang harangin ng apat na babae. Kunot-noo at nagtatanong ang mga matang napasulyap siya sa mga ito. Wala siya sa mood makipag-usap sa kahit na sinong babae sa ngayon. Akmang tatalikuran niya ang mga ito ngunit muli na naman siyang hinarangan ng mga ito.
"What do you need?" napipikon at nawawalan ng pasensiyang tanong niya.
"I'm Hazel."
"I'm Zian."
"I'm Sydney and this is Lian." sabay turo sa babaeng nakasalamin.
"So?" Tumaas ang kilay niya nang wala sa oras.
"Ang sungit mo talaga.. hihihi..." tila kinikilig at tuwang-tuwang sabi ng tatlo.
Hindi niya alam kung dapat ba siyang matawa o mainis sa inakto ng mga ito. Napabuntong hininga at umikot ang mga mata ng babaeng may pangalang Lian. Ito lang yata ang mukhang matino sa mga ito. Naweirduhan siya sa mga ito kaya tinalikuran na niya ang mga ito. Kung walang importanteng sasabihin ang mga ito ay nagsasayang lang siya ng panahon. At sa tingin niya'y mukhang may saltik ang tatlo. Wala siya sa mood makipag-usap sa mga ganoong uri ng tao lalo na at broken hearted siya.
"Kaibigan kami ni Euann."
Napatigil siya sa paghakbang sa narinig. Napaisip siya, hindi kaya ang mga ito ang apat na kausap ni Euann sa swimming gym nang aksidenteng marinig niya ang tungkol sa pustahan ng mga ito noong papasok siya doon. Nilingon niya ang mga ito.
"Can we talk?" pakiusap ni Lian.
Tumango siya bilang pagpayag sa sinabi nito. Naglakad sila papuntang canteen ng school. Nang makarating sila doon ay pumwesto sila sa pinakasulok na mesa.
"Hindi namin alam kung papaano mo nalaman ang tungkol sa pustahan." simula ni Zian.
"I heard you accidentally." sagot niya. "Papasok ako sa gym noon nang marinig kong icongratulate niyo siya dahil nanalo siya sa plano niyang pahulugin ako sa kanya." nang maalala iyon, pakiramdam niya'y parang piniga ang puso niya. Napakagat labi at napangiwi ang mga ito sa kwento niya.
"Did you heard all our conversations?" Lian asked.
Umiling siya. "Nang umalis kayo at nagtungo sa locker room, umalis na rin ako dahil sa matinding galit ko. Sobrang nasaktan ako noon. Ikaw ba naman ang pagpustahan at paglaruan na babaeng mahal mo. At sa dinamidami ng tao bakit si Rodney pa ang dahilan. Tsaka isa pa, natatakot ako sa mga salitang maririnig ko sa kanya." malungkot na napabuntong hininga siya upang pakawalan at paginhawain ang sarili. Dahil sa totoo lang ay naninikip ang dibdib niya kapag naaalala niya ang lahat.
"I see... Kaya pala..." tumatangong sabi ng mga ito.
"Kung narinig mo lang sana lahat ng conversation namin, eh di sana narinig mo ang mga sinabi niya. Euann loves you. At that time, she told us how much she loves you.. And that she never want to loose you.."
"Aaminin namin.. We planned for it." ani Lian. "Pumayag kami dahil sa kagustuhan naming makalimutan niya si Rodney. She doesn't deserve him. You're an amazing guy Vince at alam namin na sa tulong mo, mangyayari at magtatagumpay ang mga plano naming apat. And we succeed."
"Kumpara naman si Rodney sayo, mas deserve ka 'no." nakangusong singit ni Hazel.
Napangiti siya sa narinig. Kung hindi lang kaibigan ni Euann ang babae ay iisipin niyang may gusto ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Destiny Unleashed 1: My Stolen Heart (COMPLETED)
Teen FictionDESTINY UNLEASHED SERIES 1: MY STOLEN HEART Teaser: Euann spend her time loving Rodney. Matagal din niyang inalagaan ang nararamdaman niya dito. Wala siyang ibang pinangarap kundi ang makasama ito sa pagtanda niya. Kaya naman lahat ay gagawin niya p...