Chapter 34 - Start of His Plans

123 10 0
                                    

DESTINY UNLEASHED: MY STOLEN HEART


Chapter 34

"Hayyzzttt!" nagmamarakulyo at nagdadabog na tumagilid siya sa pagkakahiga. Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli siyang napasulyap sa kanyang cellphone na nakalapag sa ibabaw ng sidetable malapit sa kama niya. "Ano bang ginagawa nun. Di man lang ako magawang kumustahin, tawagan at itext man lang!" naiinis na napakamot at napasabunot siya sa buhok. "Aahhh!! Nakakainis!!"


Kaninang umaga pa sila nakauwi galing sa Palawan. Pero ni isang text ay wala man lang siyang natanggap mula dito.

"May mahal mahal ka pang nalalamang lalaki ka tapos ganito lang naman pala gagawin mo? Bigla-bigla mo na akong nakakalimutan! Haayyy! Ang sweet mo nga! Sobra!!" nagngingitngit ang kaloobang sabi niya at naiiyak na isinubsob ang mukha sa malambot na unan. "Hhmppp! Kainis! Kainis!" sa sobrang inis niya nagtatadyak siya at pinaghahampas ang kawawang unan niya. "Wait.." maya-maya'y natigilan siya at umayos siya sa pagkakahiga nang may maalala. Parang may sinabi kasi sa kanya si Vince kanina, hindi lang niya maalala kung ano iyon. Parang nagpaalam ito sa kanyang may importante itong gagawin. Ano na nga ulit iyon? Pilit binalikan ng isip niya ang usapan nila kaninang umaga.

*Flashback..*

"Hey, wake up sleepy head."

Naalimpungatan siya nang maramdamang may yumuyugyog sa ulo niya. Ayaw man niyang imulat ang mga mata ay napilitan siya dahil mukhang hindi siya titigilan ng istorbong gumigising sa kanya hangga't hindi niya iminumulat ang mga mata.


"What?" nababagot na tanong niya at iminulat ang mga mata. Unang tumambad sa kanya ang isang mukha na kahit kailan ay hindi niya pagsasawaang titigan at pagmasdan. Napangiti siya lalo nang mapansing nakasandig pala ang ulo niya sa balikat nito.

"Like the view?" nakangiting pang-iinis at panunudyo nito. Napalis ang ngiti niya nang marinig ang sinabi ni Vince.

'The brute! Hanggang ngayon, mayabang pa din!' She rolled her eyes. Kahit kailan talaga ay hindi na matatanggal at mawawala ang pagiging mahangin nito. "Hindi! Istorbo ka kasi." naiinis na sabi niya at umayos sa pagkakaupo. "Ba't ka ba nanggigising? Kita mong ang ganda ng tulog ko eh!" nagmamaktol na tanong niya.

"Nakalapag na itong jet sa Manila. Kaya halika na, baba na tayo."

Nagtatakang napatingin siya sa bintana at nakita nga niyang nasa airport na sila. Ang mga kasamahan naman nila ay nakalinya na pababa ng jet. Tumango siya at tumayo na. Habang naglalakad sila ay nakaalalay lang ito sa likod niya.

Ilang sandali pa'y nasa may labas na sila ng airport at naghihintay ng masasakyan.

"Wala bang susundo sayo?" tanong nito.

"Parating na siguro iyon." sagot niya habang ikinakalat ang tingin. Nagbabakasakaling makita ang kotseng susundo sa kanya.

"Ihahatid na kita." pagmamagandang loob nito. Lihim siyang napangiti sa sinabi nito. Sino ba naman siya para tanggihan ito? Eh kung tutuusin naman talaga ay gusto pa niya itong makasama kahit konting sandali. Bago pa man niya maibuka ang bibig ay may humintong sasakyan sa harap nila. Mula roon ay bumaba ang dalawang lalaking lulan niyon.

"Good morning Miss Andhrea." sabay na bati ng dalawang bodyguards niya at yumukod pa sa kanya.

'Kung minamalas nga naman! Sana hindi na lang kayo dumating!' nanggigigil na sigaw ng isip niya. Ngali-ngali na niyang pag-untugin ang dalawa sa matinding inis. Kahit kailan talaga ay panira ang dalawang ito. Tsk!

Destiny Unleashed 1: My Stolen Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon