DESTINY UNLEASHED: MY STOLEN HEART
Chapter 49
THE FINALE"Maligayang pagbabalik Señorita Andrhea.." nakangiting bati sa kanya ni Rio. Ito kasi ang tinawagan niyang susundo sa kanya sa airport. Wala pa siyang pinagsabihan na bumalik na siya maliban dito.
"Salamat Rio." tugon niya at bahagyang nginitian ito. Huminga muna siya ng malalim bago pumasok sa sasakyan. "How's everyone Rio?" she asked habang nagmamaneho ito.
"Ok naman Señorita. Ang mga kaibigan mo pabalik-balik sa bahay niyo para makibalita kung nasaan ka. Sina Master, pati ang Dad at mommy niyo ay naghire na din ng nbi para ipahanap ka. Pero sadyang nahirapan talaga silang hanapin ka Señorita."
Bahagya siyang natawa sa sinabi nito. "Hindi magpapahanap ang taong nagtatago." pakli niya na ikinatango nito. Paano nga ba naman siya mahahanap ng mga ito? Eh nagpalit siya ng pangalan. Ang ginamit niyang pangalan ay ang secret name niya na tanging siya lang ang nakakaalam.
"Si V-Vince? How is he?" kinakabahang usisa niya.
"Hayun, pabalik-balik po sa bahay niyo para na rin makibalita. Lagi nga po siyang umiiyak at nagmamakaawa eh.. Naaawa na nga kami sa kanya kaso wala naman kaming maitulong." napabuntong hininga ito. "Malaki na rin ang ipinagbago ni Señorito Vince. Halos nakakalimutan na niya ang sarili niya dahil sa sobrang lungkot at kaiisip niya sayo."
Tila may kumurot sa puso niya sa sinabi nito. Ngayon siya nakaramdam ng konsensiya sa pag-iwan niya dito nang walang paalam. Labis nga siya nitong minahal. Knowing and realizing that truth tears her into pieces.
"Pumupunta pa ba siya sa bahay?" naluluhang tanong niya.
"Matagal na siyang hindi dumalaw Señorita. Mukhang napagod at tuluyan na siyang sumuko sayo."
Tila dinaganan ang puso niya sa narinig. Kung ganon pala'y mukhang nahuli na siya ng dating. Marahil sa ngayon ay nakamove on na ito sa kanya. Marahil ay nakalimutan na rin siya nito. Nang maramdaman niya ang pagtulo ng mga luha niya ay agad siyang yumuko upang itago iyon kay Rio.
"S-sa tingin mo ba mahal pa niya ako?" malungkot at mahinang tanong niya. Tiningnan siya nito sa rearview mirror. Hndi nito makita ang mukha niya dahil nakayuko siya. Ngunit hindi maikakailang alam nito ang nararamdaman niya dahil sa lungkot sa boses niya.
"Hindi ko alam Señorita. Siguro mas mabuti kung makipagkita ka sa kanya. Magusap kayo.. Subukan niyo lang.. Baka maisalba niyo pa ang dapat niyong isalba.."
Hindi niya kumibo. Iyon naman talaga ang balak niya bago siya umuwi. Pero dahil sa mga nalaman niya, pakiramdam niya'y naduduwag na siya. Natatakot na siya sa maaaring mangyari.. Paano kung hindi na pala siya nito mahal? Damn! Parang ayaw niyang isipin iyon.. Hindi niya kasi kaya... Hindi niya kaya lalo na't mahal pa rin niya ito.
__ __ __ __ __ __ __
Inayos muna niya ang hood niya sa ulo bago siya tuluyang bumaba ng sinakyan niyang taxi. Hindi muna kasi siya tumuloy sa bahay nila at si Rio palang ang nakakaalam na dumating na siya.
Naglakad na siya papasok sa university nila. At dahil natatakpan ng hood ang ilang bahagi ng mukha niya ay walang nakakapansin kung sino siya.
Habang naglalakad siya ay inililibot niya anh tingin. Tinitingnan ang naging pagbabago sa unibersidad. Gusto rin niyang aliwin ang sarili dahil sa totoo lang ay kinakabahan at natatakot siya sa muli niyang pagbabalik.
At dahil abala siya sa pagtitingin tingin sa paligid ay bigla na lang siyang may nakabungguan sa balikat. Mabuti na lang at hindi iyon masyadong malakas kaya hindi siya napasubsob sa sahig.
BINABASA MO ANG
Destiny Unleashed 1: My Stolen Heart (COMPLETED)
Teen FictionDESTINY UNLEASHED SERIES 1: MY STOLEN HEART Teaser: Euann spend her time loving Rodney. Matagal din niyang inalagaan ang nararamdaman niya dito. Wala siyang ibang pinangarap kundi ang makasama ito sa pagtanda niya. Kaya naman lahat ay gagawin niya p...