DESTINY UNLEASHED: MY STOLEN HEART
Chapter 24
Nang imulat niya ang mga mata ay napagtanto niyang nasa loob siya ng clinic. Natutop niya ang kanyang ulo dahil masakit iyon. Natutulalang napatitig siya sa puting kisame at pilit na inalala ang mga nangyari.
'Vince!..' tawag ng isip niya. Napabalikwas siya ng bangon nang maalala ang ginawang pagligtas nito sa kanya. Mabilis niyang ikinalat ang tingin upang hanapin ito ngunit wala ito. Bumaba siya ng kama at agad na lumabas ng silid, nagbabakasakaling nasa labas lang ito ngunit ang mga kaibigan niya ang naabutan niya doon.
"Oh mabuti naman at gising ka na mahal na prinsesa." bungad ni Sydney.
"Kumusta na ang pakiramdam mo? Ano ba talagang nangyari at nalunod ka na lang ng basta-basta?"
"Si Vince? Nasaan si Vince?" tanong niya at hindi pinansin ang mga ito. Hindi nakaimik at napamaang ang mga ito sa sinabi niya. Nang wala siyang mahintay na sagot sa mga ito ay mabilis niyang tinalikuran ang mga ito at lumabas ng clinic para lang mapatigil nang makitang madilim na ang paligid.
"Gulat ka? Oo gabi na! Apat na oras ka lang namang natulog! Kaya ang mabuti pa, umuwi na tayo!"
Wala na siyang nagawa nang hatakin siya ng mga kaibigan. Napabuntong-hininga na lang siya.
'Di bale, may bukas naman.. Bukas ko na lang siya kakausapin..'
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng classroom nila ay unang hinanap ng mga mata niya si Vince. Ngunit nadismaya siya nang makitang wala pa ito. Nakasimangot at padabog na umupo siya sa upuan niya.
"Oh umagang-umaga ganyan mukha mo. Bakit nakasimangot ka diyan?" natatawang tanong sa kanya ni Lance.
"None of your business." naiinis na sagot niya at inirapan pa ito. "Pwede ba umagang-umaga wag mo kong binubwisit."
"Sungit talaga nito. Alam ko, namimiss mo si Vince ano? At kaya ka nakasimangot diyan kasi wala pa siya." pang-iinis nito. "Uyyy.. Aminin.."
"Shut up or shut up?" banta niya at binigyan ito ng nakamamatay na tingin.
"Alam mo nakita ko siya kanina eh, kasama niya yung chicks niyang taga-Tourism department. Inihatid niya yata. Ang sweet niya ano?"
Sa sobrang inis niya ay tinadyakan niya ang paa ng upuan ni Renz. Tinawanan lang siya ng dalawa.
"Nagseselos siya dude." tumatawang nag-high five ang mga ito na lalong ikinainis niya. Mukha kasing pinagti-tripan siya ng mga ito. Hindi na lang niya pinansin ang dalawa baka kasi hindi siya makapagpigil ay masakal pa niya ang mga ito.
Napatigil sa pagtawa ang dalawa nang magring ang phone ni Lance.
"O speaking, tumatawag ang knight and shining armor mo." nakangising sabi nito. Inirapan niya lang ito, alam naman niyang trip lang nito iyon. "Dude." sinagot nito iyon. "Bakit?"
She just rolled her eyes at nagsimulang maglaro sa cellphone niya.
"Okay, got it. Bye." pinatay na nito iyon. "May meeting daw kayo sa hall ngayon."
Abala siya sa paglalaro nang mga oras na iyon kaya hindi niya iyon napagtuunan ng pansin. Malay ba niya kung siya ang kausap nito.
"Euannnn!!!"
Halos ay mabitawan na niya ang cellphone niya sa lakas ng boses nito at dahil sa matinding gulat.
"Bakit ka nanggugulat at sumisigaw?" naiinis na singhal niya dito.
BINABASA MO ANG
Destiny Unleashed 1: My Stolen Heart (COMPLETED)
Teen FictionDESTINY UNLEASHED SERIES 1: MY STOLEN HEART Teaser: Euann spend her time loving Rodney. Matagal din niyang inalagaan ang nararamdaman niya dito. Wala siyang ibang pinangarap kundi ang makasama ito sa pagtanda niya. Kaya naman lahat ay gagawin niya p...