DESTINY UNLEASHED: MY STOLEN HEART
Chapter 18
"Good morning guys!" nakangiting bati niya sa apat na kaibigan nang maabutan niya ang mga ito sa tambayan nila. Nagsalubong ang kilay niya nang irapan at simangutan siya ng tatlo. Nagtatanong ang mga matang napatingin siya kay Lian na napapailing nang mga oras na iyon. "Ano na naman bang kasalanan ko sa tatlong ito?"
"Don't mind them, they're just upset and jealous." nakangiting sagot nito.
"Jealous?" salubong ang kilay na ulit niya. "Dahil pa rin ba sa picture? Naku naman! Mag-move on na nga kayo!" naiiling na sabi niya.
"No! Hindi iyon!" naiiyak na maktol ni Sydney.
"Eh kasi naman! Nakakainggit ka kasi! Whaaaahhh!"
Tumaas ang kilay niya nang mag-iyakan ang tatlo.
"Are you nuts?" naaalibadbarang tanong niya sa mga ito. Ngali-ngali na niyang pag-untugin ang mga ito sa matinding inis.
"Hahaha.. Hindi ko sila masisisi." natatawang sabi ni Lian. "Look at this." iniabot nito sa kanya ang isang papel. Nagtatakang inabot niya iyon at tiningnan.
"Letter of apology? Ni Vince?" taas ang kilay na tanong niya. Paano nangyari iyon eh ayaw ngang mag-apologize ng lalaking iyon. "This is fake. Hindi siya ang nagsulat nito."
"No, sigurado ako, siya ang nagsulat niyan." sagot ni Lian.
"Lian, ang daling kumopya ng penmanship."
"Yeah, pero ang pinakamahirap kopyahin sa lahat ay ang penmanship ni Vince."
Tinitigan niya ang penmanship ni Vince. Sabagay, totoo nga ang sinabi nito. Kakaiba kasi ang mga edge ng bawat letters. Kumunot ang noo niya nang maalalang parang nakita na niya ang penmanship na iyon, hindi lang niya matukoy kung saan. Pilit niyang inisip at inalala kung saan niya iyon nakita.
"O mahirap kopyahin di ba?" ang tanong na iyon ni Lian ang nagpabalik sa kanya sa tamang katinuan kaya nawala iyon sa isip niya. Napatango siya. Marahil nga ay sulat kamay talaga nito iyon.
"Ano naman ang dapat ikainggit ng tatlong iyan sa sulat na ito?" nagtatakang tanong niya.
"Ngayon lang nag-apologize si Vince. Masyado siyang mapride. At dahil sa sulat na ito, marami ang nag-sasabing nagbago na siya nang dahil sayo. Everyone thinks that he's already falling in love with you."
"What?!?" napamaang siya sa narinig.
"Yeah, iniisip ng marami, na nag-apologize siya at nagpakumbaba alang-alang sayo. Para malinis ang pangalan niyo, at higit sa lahat ang imahe mo."
"Ganon ba iyon?" nagtatakang tanong niya. Hindi niya mapigilang mapangiti sa nalaman. Kung ganon pala ay malapit na siyang magtagumpay sa binabalak. And one more thing, she felt relieved because of what he did. Tinulungan kasi siya nitong linisin ang pangalan at imahe niya kahit papaano. Kung ganon pala'y dapat siyang magpasalamat dito dahil may puso din pala ito kahit gaano pa ito ka-monster.
Pero siyempre, tuloy pa din ang plano niyang paiibigan niya ito. Gagawin niya iyon, alang-alang kay Rodney.
_ _ _ _ _ _ _ _ _
Matapos niyang kunin ang number ni Vince kay Renz ay nakangiting tinungo niya ang upuan upang hintayin ang binata. Dumaan muna kasi siya sa classroom ng mga ito bago siya pupunta sa first subject niya. Napagpasyahan na din niyang gawin at sundin ang suhestiyon ni Lian. Kukunin niya ang number nito. Susundan niya ito at bibigyan niya ito ng inumin at food after ng practice nito. Alam niyang magmumukha lang siyang tanga at desperada ngunit wala siyang pakialam. Pero kung iyon lang ang tanging paraan at way para mahulog ito ng tuluyan sa kanya ay gagawin niya. Ang mahalaga at ang tanging iniisip lang niya ay ang magtagumpay siya sa binabalak niya.
BINABASA MO ANG
Destiny Unleashed 1: My Stolen Heart (COMPLETED)
Novela JuvenilDESTINY UNLEASHED SERIES 1: MY STOLEN HEART Teaser: Euann spend her time loving Rodney. Matagal din niyang inalagaan ang nararamdaman niya dito. Wala siyang ibang pinangarap kundi ang makasama ito sa pagtanda niya. Kaya naman lahat ay gagawin niya p...