Claire POV
3 days na ang nakakalipas since naging member ako ng grupo nila Stanley at 3 days na rin kami nagaaway ni annoying Nico. Bakit ba kasi hindi siya makaget over sa nangyari 3 days ago. Simula nung naging kagroup nila ako, lagi na akong nasama sa kanila, we always eat together, syempre kasama ko pa rin si Ava, close naman sila ni Nico kaya kahit papaano hindi siya out of place.
Me, Ava, and Nico are all 2nd year students, Liam and Andrew in 1st year while Stanley, Jacob and Ethan are all 3rd year students. Papasok na kami ni Ava sa classroom nang makita ko si Nico, I glared at him pero ngumiti siya.
"Ako ba yung nginitian niya o ---" Then I looked at Ava who is already smiling and looking at Nico, I just rolled my eyes and tinapik ko siya.
"Hey best! Tatayo ka na lang ba dyan at tititigan si Nico? Come on, let's enter the room." Naiiritang sabi ko sa kanya.
"Hindi ko tinititigan si Nico, best!" Aba nagdeny pa siya.
"Don't deny it, I already saw you!" I smirk at her.
"Ok fine, since you're my bestfriend! Im gonna tell you something, I think im inlove with him!" Nagulat ako sa sinabi niya.
"What? That annoying Nico?"
"He's not annoying, nasasabi mo lang yan because of what happen to the both of you pero pag nakilala mo talaga siya he's a good guy." Pagiinsist niya.
"Talaga lang Ha? But I don't trust him! Ava, bestfriend kita at ayoko mapunta ka sa wrong guy!" Worried kong sabi sa kanya.
"Look, magkakilala na kami since 1st year and I know him better than you know him!" Ouch tagos sa puso ah. To talagang bestfriend ko minsan sarili niya lang ang iniisip.
"Aray ha? Ang sakit nun parang sinasabi mo sakin na mas kilala mo pa siya kesa sakin!"
"I'm sorry! Magkagrupo kayo diba? Try to know him better?" She reminded me. Yeah right. The worst nightmare is we are the same band. Arrgghh ..
"OPO! Basta wag kang magsisisi pagpinaiyak ka ng lokong yon! Humanda siya sakin." Pagpapaalala ko sa kanya.
"I promise you he will never do that! Saka hindi pa naman kami!"
Bago pa ako magsalita dumating na yung teacher. Ang boring naman ng klase ngayon, walang napasok sa utak ko. Maya-maya lunch na, sa wakas, nagaayos na kami ni Ava ng gamit nang biglang lumapit si Nico.
"Ava, tara sabay na tayo pumunta ng canteen?" Anong problema na naman nitong lalaking to? Kapag nakikita ko siya nagiinit palagi yung ulo ko.
"May kasabay naman siya kaya hindi mo naman kailangan isabay pa ang BESTFRIEND ko."
"Tinatanung ba kita? Hindi naman diba, saka hindi porket bestfriend mo siya lagi mo na siyang kasabay. Saka alam mo hindi ka naman nababagay sa grupo." Out of the blue na saad ni Nico. What? So he clearly hates me? What did I do?
"Nico " pinigilan siya ni Ava pero--
"Bakit, totoo naman. Kahit kailangan hinding-hindi kita matatanggap sa grupo.!" Masakit! Hindi ko maintindihan kung bakit?
"Sige na Ava mauna na kayo! I just remembered may gagawin pa pala ako!" Nagpalusot ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Pero-"
"Sige na, kita na lang tayo mamaya!" I smiled before siya hatakin ni Nico palabas.
Tapos hinatak na siya ni Nico papalabas ng classroom while ako tulala kung sabagay may point siya. Pagkaalis nila isa lang nasabi ko.
YOU ARE READING
Another Shed Of Tears
Teen FictionCan LOVE really protect friendship? Can LOVE conquers all?