A.S.O.T =4=

110 3 0
                                    

Stanley POV 



"Bakit Stanley, is it because you like her?"

Dahan dahan ko binitawan si Nico having gulat na gulat sa mga sinabi niya. Hindi ko aakalain na masasabi niya yun sa harap nilang lahat especially sa harap ni Claire.

"Wala akong gusto as kanya, we're just friends. Let's just stop this, this is nonsense. I just need to calm myself. Excuse me." -lumabas nako hindi ko na kaya.

Hindi ko gusto na sabihin yun sa harap niya, yes I like her pero hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. Lumabas ako ng clinic at naglakad, just to smell fresh air. Bahala na kung san ako dalhin ng mga paa ko.

Habang naglalakad ako, bigla akong napahinto, narealize ko na naglalakad pala ako sa may hallway. Biglang pumasok sa isip ko si Claire, dito yung place kung saan una ko siyang nakita dahil nabunggo niya ako at dito rin yung unang beses na makita ko siyang ngumiti. Napakaganda ng mga ngiti niyang yun.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, the next thing that I know, nasa tapat nako ng garden ng school. Bigla ko na naman naisip siya, dito yung kauna-unahang nakita ko siyang tumugtog at marinig ang boses niya.

Nagpatuloy ulit ako as paglalakad hanggang sa marating ko ang likod ng school. Tumigil ako sa harap mismo ng bench kung saan unang umiyak sakin si Claire. Biglang may namuong luha sa gilid ng mga mata ko, Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing maaalala ko yun, nadudurog ang puso ko.

Bakit ba ako umiiyak?

Bakit ba ako nagkakaganto ng dahil sa kanya?

Umupo ako sa may bench, pinunasan ang mga luha ko at huminga ng malalim.

"Stanley?"

Nung narinig ko ang boses na yun biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Nang marinig ko yun gusto ko ulit umiyak. Anu bang nangyayari sa akin?"Oh, Claire! What are you doing here?"tiningnan ko siya sa mga mata niya.

"I just want to ask if you're okay?"bakas ang pagalala sa mukha niya. Bigla tuloy ako naguilty.

"I'm okay, ikaw okay ka lang ba?"umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Um.. yeah I'm okay. Look, I'm sorry! I'm sorry kung nagalala ka man sakin o sa grupo. Don't worry, bati na kami ni Nico. Hindi naman niya sinasadya lahat ng sinabi niya kanina. Well, all people change right? They all change their moods, there personalities, kaya naman naiintindihan ko siya. He realized what he had done. Narealize niya lahat ng pagkakamali niya. So, I'm hoping na pati kayo magkaayos na rin?"

"As long as nagkabati na kayo, okay nako. Ayoko din naman masira ang pinagsamahan namin. Lahat naman ng tao nagkakamali and I really hope na hindi na ito mauulit. Gusto ko lang naman na maging masaya tayong lahat at wala nang away o samaan ng loob."

"Okay, I promised."Pagkatapos nun bumalik na kami sa practice room at nandun din silang lahat. Nakita ko silang lahat, lahat nagaalala sa sasabihin ko. Bago pa ako magsalita inunahan nako ni Nico.

"Stanley, I'm really really sorry for what I did. I know I'm a bit stupid and childish also for doing all of that. I promised hinding-hindi na mauulit yun. Hinding-hindi ko na rin aawayin si Claire. In fact bati na kami, so sana mapatawad mo nako?"

"As long as nagkaayos na kayo, ayos na rin tayo. Ang akin lang gusto ko na marealize mo na mali ang ginawa mo. Ayoko na mauulit ito, arasso?"

"Yes, I promise."

Pagkatapos nun umuwi na kami, hindi na rin kami nagpractice. Masyado ng maraming nangyari sa araw na to, nakakapagod. Kinabukasan, pagpasok ko sa school sinalubong ako ni Claire, may kung anong nangyayari sa akin at hindi ko matingnan siya ng daretso feeling ko ang awkward namin sa isa't isa.

Another Shed Of TearsWhere stories live. Discover now