A.S.O.T =18=

10 2 1
                                    

Claire POV

Lumipas ang mga araw patuloy pa rin sila Hailey at Ava sa ginagawa nila. Sa totoo lang wala nakong pake sa ginagawa nila. Hinahayaan ko na lang sila gawin ang gusto nilang gawin. Nawawalan nako ng gana pumasok sa school pero may naguudyok lang sakin na pumasok. Siguro yun yung will ko na maalala lahat ng nawalang alaala sakin. Hindi pa rin kasi nawawala sakin na nandito lahat ng kasagutan sa mga tanong ko.

Araw-araw pinapatay ako sa sakit sa tuwing nakikita ko si Stanley at ang iba. Hindi pa din naguusap sila Andrew, Ethan at Stanley. Hindi na din nila ako kinakausap kahit pa magkasalubong kami. Sila Liam at Jacob ganon din. At higit sa lahat hindi ko na sila nakita ng sama-sama tulad ng dati. Si Nico na lang ang tanging kumakausap sakin. Siya na lang tanging natitira sakin.

"Ano Claire? Nasan na ang mga kaibigan mo? Nasan na ang mga magtatanggol sayo?" Nandito kami ngayon sa cr. Hinatak ako nila Hailey at Ava sa loob. At ngayon dinuduro duro nila ako habang tinutulak. Walang emosyon ang muka ko.

"Bakit hindi ka na ngayon lumalaban? Nasan na yung tapang tapangan mo?" Dagdag pa ni Ava sabay tinulak niya ako ng malakas. Tumama ako sa pader nasa dulo na pala kami ng cr. Hindi nako umiimik sa kanila kung ano pa man ang gusto nila sabihin.

"Alam mo Ava. Wala nang sense tong ginagawa natin dahil hindi na lumalaban si Claire. Pero nageenjoy ako dahil kaya na natin siyang kontrolin. Thank you for your time sa susunod ulit." At nagdaredaretsong lumabas si Hailey habang si Ava ay naiwan. Lumapit siya sakin. Lumapit siya hanggang sa tenga ko. "Anong feeling, Claire? Having friends that are capable of helping you yet they can't do anything?" And then she left with a smirk. Naiwan ako dun not knowing what to do. Unting-unti nagreregister lahat ng nangyayari. Parang kahapon lang nung makilala ko sila Stanley. Parang kahapon lang masaya pa kaming lahat then all of a sudden biglang nawala lahat. In one snap they've all changed. In one snap you could lose everything you had.

****

Naglalakad ako pauwi nang mapadaan ako sa isang subdivision. Thinking back, lagi kong nadaanan tong subdivision na to. Pero ngayon parang may naguudyok sakin na pumunta dito. Nang mapalapit ako sa gate ng subdivision, hindi na sana ako tutuloy dahil baka hindi ako papasukin nung guard dahil hindi naman ako nakatira dun pero nung mapatingin sakin yung guard. Nagulat ako sa sinabi niya.

"Hi mam. Buti po napadalaw po kayo dito. Kamusta na po?" Nagtaka ako sa sinabi ni Kuyang guard. Kaya tinanong ko siya. "Kilala moko kuya?" Tumawa lang sakin si kuyang guard.

"Opo mam. Dito po kayo nakatira dati. Malapit po kayo samin dahil na rin po marami na ring naitulong ang pamilya niyo po saming pamilya." Ngiting ngiti na sabi ni kuyang guard. Hindi ko alam na malapit pala ang pamilya namin sa mga empleyado dito. Pero hindi nabanggit sakin nila mama na dito pala yung dati naming tinitirhan.

"Ah ganon ba kuya. Pasensya ka na sa katagalan na rin siguro kaya hindi ko maalala. Pwede bang ituro mo sakin yung dati naming tinitirhan?" Ngumiti ako sa kanya na siya namang binalikan din ako ng ngiti.

"Okay lang po mam. Sige po. Daretsuhin niyo lang po yung kantong yon tapos po pangatlong kanto nandun po yung bahay niyo." Pinasalamatan ko si kuya saka ako nagpatuloy sa paglalakad. Habang naglalakad may kung ano akong nararamdaman. Hindi ako mapakali na tipong sumisikip yung dibdib ko. Nararamdaman kong malapit ko nang masagot ang lahat ng katanungan ko.

Habang papalapit ako sa bahay ay siya namang dagundong ng puso ko sa kaba. Hindi ko alam kung handa na ba ako. Natatakot ako pero dahil nandito nako, kailangan kong harapin ang lahat. Nang makita ko ang lumang bahay na hanggang ngayon ay wala pa ring nakatira, unti-unting bumalik lahat ng magagandang alaala sa bahay na yon. Hindi man lahat pero may naalala akong maliliit na bagay. Tulad nung naglalaro ako sa maliit na swing na may buhangin sa ilalim.

Another Shed Of TearsWhere stories live. Discover now