Short Update!
---
Claire POV
Nagpunta kami ng Lotte World kasama ang tropa. Napagkamalan pa nga namin na nagdedate na si Nico at Ava. Bagay naman sila kaya lang mukhang ayaw na ayaw ni Nico sa bestfriend ko. Honestly, medyo naging weird siya nung kinausap ko siya. Parang may tinatago sila ni Ava, minsan kasi nakikita ko silang naguusap ng tago. Minsan naman para naman silang nagaaway na ewan. Ewan ko ba sa kanila, hindi ko alam kung sila na ba o hindi pa.
So yun na nga, lumipas ang maghapon ng puno ng saya at asaran sa Lotte World kaya pagdating ng gabi, napagdesisyonan na namin umuwi.
"Guys, kita kita na lang sa pasukan ah." sabi ni Liam.
"Uy Nico, ingatan mo yang si Ava ah. Baka mamaya-" sabi ni Jacob na may pagkapilyo din minsan na ikinatawa naming lahat.
"Hindi, si Ava ang magingat kay Nico. hahahaha" sabat naman ni Ethan. Kaya tawanan kaming lahat.
"Best, mamiss kita." sabay yakap ko kay Ava.
"Ako din. Ano ka ba magkikita pa naman tayo sa pasukan. And sulitin mo na yang oras mo kay Stanley ah." then naggrinned siya. Loka talaga tong babaeng to.
"Nico, ingatan mo bestfriend ko ah." Ngumiti naman siya sakin.
Sabay na kasi sila uuwi dahil same direction ang bahay nila. Naghiwahiwalay na kami, dahil magkakaiba iba din naman yung direction namin pauwi. Kaya lang mukha may ibang gusto puntahan tong si Stanley. Same direction lang kasi kami nila Nico kaya nga nagtataka ako kung bakit hindi kami sumabay sa kanila.
"Stan, bakit hindi tayo sumabay kela Nico? Hindi pa ba tayo uuwi?" takang tanong ko sa kanya. Sobrang lapad kasi ng ngiti niya habang hawak hawak yung kamay ko.
"Ayoko pang umuwi eh." sabi na eh may binabalak tong puntahan eh. Magaalasais pa lang naman eh kaya maaga pa.
"So, san mo balak pumunta?" nginitian ko siya. Binigyan naman niya ko ng nakakalokong ngiti sabay hinatak niya ko sa may kotse niya.
"Malalaman mo pagdating natin dun"
-------------------------------------
Nakarating kami sa Namsan Tower. It was a dream come true. Gustong-gusto ko pumunta dito eversince nung bata palang ako. Ngayon, hindi lang siya dream come true kundi isang special night lalo na't kasama ko ang taong pinakamamahal ko. Nagningning ang mata ko sa mga nakikita ko. Ang daming tao, mga bata kasama ang mga magulang nila, ang mga couple na matatanda at higit sa lahat ang mga couple na katulad namin.
Talaga nga naman na maraming tourist and local people ang maa-attract dito lalo na paggabi at nagliwanag ang buong tower. N Seoul Tower or commonly called Namsan Tower is divided into three main parts. The N Lobby, N Plaza and N Tower. Una namin pinuntahan ang N Lobby kung saan naroon ang isang cafe.
Pagkatapos namin uminom ng coffee which is we both love, dumaretso naman kami sa gift shop. Kung saan bumili kami ng couple teddy bear and padlocks para sa locks of love. Pagkatapos dumaretso kami sa Teddy Bear Museum.
"Wow ang cute ng mga teddy bear! Alam mo gustong-gusto ko ang mga teddy bear." sabi ko sa kanya nang nagniningning ang mga mata ko. Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganto kadaming mga teddy bears.
"Kaya ka nagmumukang bata eh. Haha" sabi niya sabay gulo ng buhok ko.
"Hindi lang naman pang bata ang mga teddy bear. Minsan pwede din silang replacement bilang kaibigan mo, na handang makinig sa lahat ng problema mo." hinimas ko ang balahibo ng isang teddy bear malapit sakin.
"Eh hindi naman sila sumasagot sayo eh." tumawa ako ng mapakla sa sinabi niya dahil alam ko yun.
"Alam ko, atleast may nalabasan ka ng sama ng loob, atleast kahit papaano may nasasabihan ka, na dahilan para mabawasan kahit kaunti, ang bigat na raramdaman mo, hindi nga sumasagot atleast hindi naman nagrereklamo." kinuha ko ang cute na kulay blue na teddy bear. Biglang tumahimik si Stanley, nasa likod ko kasi siya kaya hindi ko alam kung ano ang naging reaction niya.
"Stanley, ang cute ni-" humarap ako sa kanya kaso sa hindi inaasahang pangyayari bigla niya akong niyakap.
"Stanley, anong ginagawa mo? Ang daming nakatingin." pero imbis na kumawala, mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap.
"Niyayakap ka, hindi ba obvious?" sabi niya, ano ba yan, nakakahiya ang daming nakatingin samin.
"Oo alam ko yun pero nakakahiya ang daming nakatingin."
"I just feel hugging you. I just thought you need a hug so im giving you one. Don't you like it?" sa wakas bumitaw na rin siya. Binalik ko na yung kinuha kong bear tapos nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Hindi naman sa ayaw ko. Well anyway, Thank you. Siguro nga kailangan ko lang ng hug, ang drama ko kasi." ngitian naman niya ko sabay hawak sa kamay ko.
Dumaretso naman kami sa observatory kung saan makikita mo ang night view ng seoul. Wow sobrang ganda ng night view ng seoul. Ang kikinang ng mga building, kitang kita mo pa ang buong seoul.
Habang pinagmamasdan namin ang magandang view, biglang umulan. Wala naman sinabi sa balita na uulan pero bakit umulan. Wala pa naman kaming dalang payong. Mukhang hindi namin mapapadlock yung lock sa terrace ng tower.
"Sorry, Claire. I know you really want this, pero mukhang hindi na sangayon ang panahon satin." sabi niya with a frown in his face. Its really such a pity na hindi namin nagawa to.
"Its okay, Stan. There's always next time. Hindi naman natin kasalanan. So, uwi na tayo? Mukhang mamaya po to titigil." binigyan niya ko ng isang matamis na ngiti saka kami naglakad palabas at sumakay ng taxi.
I feel sad because we end up not doing the most special thing in Namsan Tower. Bigla akong kinabahan parang may nasesense akong hindi tama. Pero hindi ko na lang pinansin. Inalis ko ang mga gumugulo sa isip ko saka hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay ni Stanley.
--------------------------
Jackson (GOT7) as Jacob Park
thanks for reading ;)
XOXO
YOU ARE READING
Another Shed Of Tears
Teen FictionCan LOVE really protect friendship? Can LOVE conquers all?