Nico POV
Lumabas ako ng rest house para hanapin si Claire, nawala kasi siya kanina. Pero iba ang nadatnan ko paglabas ko. Nakita kong kayakap ni Claire, si Stanley. Ang sakit, ang sakit na makita silang masaya.
Oo nga masaya na siya kay Stanley pero paano naman kami ni Ava? Paano na ako? We're still stuck in the past. Past that can't leave us alone. Past that still hurting us even its 4 years ago.
Flashback
It was 4 years ago nung iwan kami ni Claire. No communication, no news about her. Apat na taon siyang hindi nagpakita samin, ni hindi nga namin alam kung anong kalagayan niya sa loob ng apat na taon na yun.
Kababata ko si Claire, we're bestfriends more like brothers and sisters. Ang tatay niya at tatay ko ay matalik na magkaibigan kaya siguro pati kami naging close na rin sa isa't isa. Si Ava nakilala lang namin nung grade 3.
"Oy, Nikoy, may naaalala ka ba sa araw nato?" nakangiting tanong niya sa akin.
"Wala. Claire I don't remember anything." tipid kong sagot sa kanya, busy kasi ako sa kakabasa ng libro.
"Nakakatampo ka naman, Nick-nick. Hindi mo man lang naaalala tong espesyal na araw nato." nakasimangot niyang sabi sakin.
"Bakit birthday mo ba? Lalong hindi ko naman birthday." sagot ko sa kanya pero bigla niya lang hinila ang kamay ko papunta sa isang bahagi ng tree house.
Oo nasa tree house kami ngayon. Kami lang napunta dito dahil nasa dulo to ng subdivision, wala rin namang napunta dito kaya ginawa naming tambayan, dito rin kami nagaaral at gumagawa ng homework ng sabay.
January 19, 20++
Day that we found this tree house and our anniversary of our friendship
Yan ang inukit namin sa puno ng tree house. Oo nga pala anniversary nga pala ng friendship namin. Kahit ayokong nagcecelebrate o kung ano man, kahit corni pero dahil special siya sakin, nagcecelebrate pa rin kami.
"Sorry, nakalimutan ko. Alam mo namang tutok ako sa pagaaral kaya nalimutan ko. Bibilan na lang kita ng ice cream." sabi ko sa kanya, buti na lang alam ko ang kahinaan niya.
"Sige papalagpasin ko to. Basta may ice cream ako." nakangiti niyang sabi para siyang bata.
Hanggang isaw araw dumating sa buhay namin si Ava. Transferee siya sa school namin nung grade three kami. Hindi namin alam na sinundan niya kami pagkatapos ng klase.
"Hoy, anong ginagawa niyo dito? Alam niyo bang bawal dito?" bulyaw niya saamin.
"At sino ka naman? Bulag ka ba? Nakitang nagaral kami dito." pagsusungit ko sa kanya, may kakaiba akong feeling sa kanya.
"I'm Ava Montenegro. Transferee ako sa school niyo hindi niyo ba ako natatandaan. Kaya isusumbong ko kayo sa pagpunta niyo dito." baba na sana siya ng pigilan siya ni Claire.
"Wag please. Wag mo kami isusumbong. Ayokong mawala ang tree house nato importante to samin." pagmamakaawa niya sa panget na yun. Bakit niya ba ginagawa yun. Oo nga pala masyado niyang pinapahalagahan ang tree house nato.
"Okay, I won't in one condition."
"Anything. I'll do anything." pambihira, is she serious?
"Just let me be your friend. So that pede na rin ako makapunta rito. Actually, gusto ko rin magkaroon ng tree house and naiingit ako sa friendship niyong dalawa. So, friends? Siguro naman hindi niyo pagkakait yung tree house." pagdadrama niya samin. She's a fake. I can sense something about her.
YOU ARE READING
Another Shed Of Tears
Teen FictionCan LOVE really protect friendship? Can LOVE conquers all?