Claire POV
Yes, bakasyon na! Hindi nako gigising ng umaga. Wala ng boring classes, wala ng suprise quiz at wala ng nakamamatay na exam. Matatahimik na rin ang bu-
"Morning!" ay panira ng moment. Hindi pala matatahimik ang buhay ko. Bakit ang aga-aga nito.
"Morning! Bakit ang aga-aga mo ata, Stan? Atat manggulo? haha jowk." Tumayo nako ng kama saka umupo sa sofa, sumunod naman siya at umupo din at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.
"Bakit masama ba makita ang taong minamahal ko? Namiss kita eh." tapos niyakap niya ako. Kahit kelan talaga to palambing. Pero hindi ko maiwasang ngumiti.
"Parang nung isang araw lang magkasama tayo, miss agad?" Patuloy pa rin niya akong niyayakap. Ang ganda naman ng umaga ko, isang yakap agad mula sa taong mahal ko.
"Bakit hindi mo ba ako namiss?" tapos nagpout siya. Ayan na naman siya. Niyakap ko na lang ulit siya baka maulit na naman ang nagyari noon.
" Syempre namiss kita. Tara baba na tayo, nagugutom nako eh." Kumalas kami sa pagkakayakap. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko saka kami sabay bumaba.
Para kaming mga bata, nagsway sway pa yung mga kamay namin habang bumababa ng hagdan. Pero ang sarap sa feeling na ngayong bakasyon kami lang ang magkasama.
"Morning Omma. Morning Tita." bati namin ni Stanley kay mama na nakaupo na sa mesa at nagkakape.
"Oh siya, upo na kayo at kumain na."
-------------------------------------
Nakaupo kami ngayon ni Stanley sa may sala habang nanonood ng tv. May nilabas siyang notebook at nagsimulang magsulat. Lumapit naman ako sa kanya saka tiningnan kung anong sinusulat niya.
"Ano yan?" Nilapit ko pa ng maigi yung mukha ko, hindi ko mabasa eh.
"Listahan ng mga gagawin nating ngayong summer. May gusto ka bang puntahan?" Aba prepared, pero its a good thing dahil marami akong gusto puntahan ngayong summer lalo na't kasama ko siya.
"Ako pa! Gusto ko magshopping at kumain sa Itaewon at Hongdae. Tapos gusto ko nagskate tapos gusto ko din pumunta sa namsan tower tapos paggabi na gusto ko magbike sa may han river." sunod-sunod at walang tigil kong sabi. Excited ako eh, gusto ko gawin lahat ng yan. May isusunod pa sana ako ng pigilan ako ni Stanley.
"Isa-isa lang, mahina ang kalaban. Hindi naman tayo mauubusan ng oras, mahaba ang bakasyon. Okay, pupuntahan natin lahat ng yan." ngumiti ako at niyakap ng pagkahigpit higpit. Minsan lang ako maging ganto kasaya kaya sana hindi na matapos to.
"Tara?" pagyaya niya tapos hinila ako papuntang hagdan.
"Ngayon na? Teka san tayo pupunta?" Tawa lang siya ng tawa, halatang excited din ang isang to eh. Pero nakakatuwa, para kasi siyang bata.
"Bakit ayaw mo? Tara na sa kwarto mo at magbihis. It will be a very busy day for us. Haha" at yun na nga. Wala na akong nagawa, nagpunta nako ng banyo para maligo at magbihis. Atat din kasi tong kasama ko.
-------------------
Nandito kami ngayon sa Itaewon. Dito ako unang dinala ni Stanley. Grabe manghang mangha ako sa mga nakikita ko dito. Ang daming mabibili at makakain dito.
YOU ARE READING
Another Shed Of Tears
Teen FictionCan LOVE really protect friendship? Can LOVE conquers all?