A.S.O.T =5=

87 2 0
                                    

Claire POV


Dumating na ang pinakahinhintay namin na araw, ang foundation day. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. 10 minutes before magstart ang programa nasa practice room na kami, nakabalik na rin pala kami sa dating practice room.

"Ok, guys alam ko na magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman niyo ngayon pero just remember keep calm and enjoy this program, ok?" -pagaassure ni Ethan sa amin.

"Yes, enjoyment, yan ang pinakaimportante sa lahat." -masayang sagot ni Stanley. Himala't medyo okay na kami. Mas gusto ko na nakikita siyang nakangiti.

"Pero hindi ganun kadali to, right? Madaling sabihin pero mahirap gawin." -pero seriously kabado nako ngayon palang. Sabi ko habang nanginginig sa kaba, tapos hinawakan ni Stanley kamay ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Don't worry nandito kaming lahat para sayo. Kaya natin to. Lets pray." -Nagsmile silang lahat sakin syempre nagsmile din ako. Napanatag ang loob ko dahil alam ko na meron akong mga kaibigan na laging nandyan sumosoporta sakin at higit sa lahat alam kong hindi nila ako iiwan. Nag pray kami tapos pumunta sa stage.

Nagstart na ang program at pagkatapos nagstart na rin kami tumugtog.

"Goodmorning students! Are you ready?" -bati ni Stanley sa lahat.

"Yes! "

"Yan, we all know na hindi kami ang official band ng school but we are really grateful and thankful na nabigyan kami ng gantong opportunidad."

"So wag na nating patagalin pa. Let's get started!" Lahat sila nagsigawan at nagpalakpakan. Sobrang tuwa ko kasi marami pa rin na sumosoporta samin.

Natapos na ang performance at naglibot na kami sa school. Ang daming mga booths, ang dami mo pedeng makita at mabili. Ang mga booths ay pinapatakbo ng mga clubs at student government. Ang saya-saya namin, picture dito, picture doon, bili dito, bili doon.

At dahil napagod ako kakaikot, naupo muna ako sa isang bench. Tumabi naman sakin si Stanley at binigyan ako ng bottled water. Syempre nagthank you ako.     

"Masaya ka ba? " -tanong niya pagkatapos niyang lumagok ng tubig.

"Oo naman, sobrang saya ko. ikaw?" sagot ko tapos lumagok na rin ako ng tubig.

"Oo. Ang galing mo kanina." -napalingon naman ako sa kanya na masayang pinagmamasdan ang mga estudyante.

"Huh? Alin yung kumakanta tayo?" -naguguluhan ako sa mga pinagtatanong niya.

"Yup. Halatang nagenjoy ka nga eh." -ngumiti ako sa sinabi niya.

"ahaha.. Ngayon ko lang naexperience to." -sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga estudyanteng nagsasaya.

"Ang alin? Ang tumugtog? Diba tumutugtog ka na dati?" -mula sa peripheral vision ko siya naman ang napalingon sa akin.

"Oo pero hindi ganto. Hindi kasama ang mga kaibigan ko. Hindi ako maswerte sa kaibigan eh. They're just making friends with me because they need something to me but there not actually my friends. Hindi ko naexperience na gumala kasama ang mga kaibigan ko." -sabi ko sabay ngiti.

"Ahh.. ngayon naeexperience mo na. Ang kaibigan hindi mo yan masusukat kung lagi mo silang kasama, malalaman mong kaibigan mo sila talaga kung lagi silang nandyan sa oras na kailangan mo sila." -sabi niya at napangiti ako.

"Salamat Stanley. Salamat sayo sa mga kaibigan mo, na laging nandyan pinapasaya ako. " - ngumiti siya kaya ngumiti rin ako.

Bigla naman dumating sina Ethan, Jacob, Andrew, Liam, Nico at Ava.

Another Shed Of TearsWhere stories live. Discover now