Claire POV
After that incident, natatakot nako pumasok. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sakin, hindi lang sakin kundi samin lalo na si Stanley. Natatakot akong mawala ang mga kaibigan ko and even Stanley. But I have no choice but to face it. Alam kong kahit anong mangyari sakin nandyan ang mga kaibigan ko.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at bumababa para magpaalam kay mama at harapin si Stanley na nagaantay sa harap ng gate namin.
"I'm sorry. Kanina ka pa dyan?" ngitian niya lang ako. that smile.
"Hindi naman. Tara na?" binalikan ko lang siya ng ngiti saka kami naglakad papuntang bus stop.
Tahimik lang kami habang nasa bus. Walang nagtangkang magsalita saming dalawa. Hindi ko alam kung anong nasaisip ni Stanley. Hindi naman kasi siya ganto katahimik unless may problema siya. Until I broke our silence.
"Stan! Something's bothering you? I know your not that usually silent." nanatili siyang tahimik bago nagsalita.
"Humingi kasi ng tulong sakin si Hailey na iikot siya sa buong school since she's a new student. Okay lang ba?" nagulat ako sa sinabi niya. Gusto kong tumanggi pero may tiwala ako kay Stanley.
Ngumiti ako sa kanya. "Sure no problem. Iikot mo lang naman siya sa school. As if naman na may mangyayari. Don't worry Stanley. I trust you."
"Thank you, Claire." Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero trust na lang talaga ang pinanghahawakan ko kay Stanley.
Nakarating kami sa school. Hindi ko alam pero parang gusto kong bawiin yung pagpayag ko kay Stanley. Pagpasok pa lang namin sa gate, nagaabang na samin si Hailey.
"Goodmorning Stan, Claire. So I guess naman na nasabi na sayo ni Stan na itotour niya ko sa school. Hindi naman masama kung hihiramin ko muna yung boyfriend mo diba?" Stan? Otomatikong tumaas ang isang kilay ko. How dare her to call him that? Ngumiti siya sakin. Isang demonyong ngiti.
Pero hindi ako pwedeng tumanggi, hindi ko siya kilala para kalabanin agad. Hindi ko alam kung ano at hanggang saan ang kaya niyang gawin.
Ngumiti sakin si Stanley na sinundan ko din ng ngiti. "Oo naman. Wala naman dapat akong ipagalala diba?"
"Of course. Nothing to worry about. I'll see you later, Claire." Then niyakap niya ko. Nakita ko naman na nagglare at nagsmirk si Hailey sakin saka siya nagcling kay Stanley pero halatang naiirita rin si Stan sa kanya.
LUNCH BREAK
Its finally lunch break at kanina ko pa hindi nakikita si Stan, nagaalala nako. "Breath deeply, nothing to worry about" sabi ko sa sarili ko. Pagpasok ko sa cafeteria, pagmumukha ni Hailey ang nakita ko. Tumayo siya at dumaretso sakin.
Bumulong siya. "Nagenjoy ako kasama si Stan. He's really a good guy and I'm really enjoying he's company. Ang sarap niya kasama. He's definitely my type." Nangaasar talaga siya.
"You know, I really don't know what i've done to you for you to do this to me. Nagsisimula ka pa lang dito pero pinakita mo na agad ang tunay mong ugali." Hindi ko na talaga kayang manahimik, napipikon nako sa kanya.
" Maybe because ganun lang talaga ako. Direct to the point kumbaga. Ayoko ng paligoy-ligoy pa. And I really like it my dear, lumalaban ka na."
"Hindi mo maagaw sakin si Stanley." Tumawa siya ng bahagya. Ngayon narealize ko na hindi siya ganun kadali kalabanin. Advantage na niya ang pagiging anak ng principal pero mukhang marami na siyang experience sa ganto.
YOU ARE READING
Another Shed Of Tears
Teen FictionCan LOVE really protect friendship? Can LOVE conquers all?