Marahan akong dumilat at kasabay nito ang pagdama ko sa hangin na mula sa labas na pumasok sa kwarto namin, kinapa ko ang likod ko ngunit wala na si Charm. I eyed on the clock on the bedside table -- 10:26A.M na pala. I yawned.
I did my daily morning routines at lumabas na ng kwarto ngunit katahimikan sa loob ng bahay ang nadatnan ko. Nasaan na naman kaya ang mag-ama ko?
Napakunot ang noo ko nang makita sa last part ng stairs ang isang petal ng paborito kong puting rosas. At may kasunod pa ito at meron pa ulit at meron pa ulit, suspicious and curious, kaya sinundan ko ito, it was leading me outside the house, the last petal ay nasa front door pavement at may card sa tabi nito. "Go to the shore." was written on it.
Napakunot ang noo ko kasi sulat-kamay ni Eugene, medyo di ko nga maintindihan but then I walked through the shore, akala ko nandoon na sila but all I saw was a wooden toy na bangka na nasa buhangin at isang puting rosas na plastic, and there was a card, too. Ano na naman ba talaga tong trip ni JM at dinadamay na naman si Eugene at bakit plastic lang ang rosas? Hindi naba afford ni JM? Grabe naman! binasa ko ito,
"Turn around."
Unconsciously, I turn around. Sa gulat ay nalaglag ko ang laruan na bangka. From where I'm standing I saw my parents, kuya, my bestfriend and my inaanak, ang parents ni Charm, si Lucho at Chaos at ang anak kong naka terno pa ng suot sa tatay niya, of course si Charm na may dala pang bouquet of white roses.
Dahan dahan silang naglakad upang makalapit sa akin. "Ano na naman tong joke mo JM?" I asked, clueless about what's happening.Natawa ito. "Buti nalang at magandang lingerie pinasuot ko sayo kagabi no?"
"You're so beautiful right now and palagi naman eh." pambobola nito.
Napatingin ako sa suot ko at naramdaman ko nalang ang pag init ng pisngi ko. He forced me to wear this the night before we sleep, kasi daw pumasok pa sila ni Eugene sa Victoria's Secret store na pawis na pawis mabili lang 'to.
Narinig ko ang tawanan nila sa likod. "Hoy seryoso nga babe, ano 'to?" tanong ko sa kaniya. Bakit nandito silang lahat?
Tumikhim si Charm. "I know I wasn't the perfect man or the ideal man that your parents and kuya wanted for you. Niligawan lang kita noon dahil nagandahan ako sayo pero hindi ko alam na mababaliw na pala ako sayo." natawa kaming lahat kahit na bumibilis ang tibok ng puso ko sa mga pinagagagawa ni Charm.
"Sorry kung dahil sa kalandian ko, you were 'force' to left me" he said habang ini-air qoute ang force na salita. "When you told me kung bakit hindi pa tayo nagpapakasal and kung bakit ayaw kitang patrabahuin, hindi ko talaga alam ang sagot, I asked myself maybe hindi ko pa kayang magsettle down at maybe dahil sa pride at ego ko na ikaw nagtratrabaho at ako nakadepend lang sa imperyo but when you left that day, I feel so incomplete, hindi nga ako halos makatulog sa kakaisip sa inyo ni Eugene eh and then I realized, I don't wanna spend another day na hindi ko kayo kasama, na hindi ka akin," he said, and sincerity was visible all over his face. Nagsimula nang bumadya ang mga luha ko.
"I want you mine. Mine forever and until the other dimension of the world. Babe, I am really really sorry for all the things I've done wrong, but babe truth be told, I've met a lot of girls but none of them was you." Nagsituluan na ang mga luha mula sa mata ko. Pati din ang mga tao sa likod ay nagpupunas na ng luha. Oh good Lord, I love this man!
Inabot nito sa akin ang bouquet of white roses at kinuha mula sa akin ang plastic na rosas. He placed it on the middle of it. "Hinding hindi na kita mamahalin pa pag ang rosas na nasa gitna ay malalanta."
I wiped my tears away and giggle. "Mga kacornyhan mo talaga JM eh!" natawa naman ito at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Tumalikod ito at hinarap ang mga magulang ko. "Sorry po tito, tita, kung nauna po ang apo." and then everyone burst out laughing.
He faced me again with a big grin on his face. Nanlaki bigla ang mga mata ko nang lumuhod ito. "Babeeee!" I shrieked, nanginit bigla ang mga pisngi ko.
"Oh ano? Kukunin ko lang yung bangka, hinulog mo kasi." Pinulot nga nito ang bangka at tumayo.
"Huh?" I managed to say. Pilyo itong ngumiti "pwede nadin tong laruan ni Eugene noh---ouch, babe naman!" hinampas ko tuloy sa braso, kainis! Akala ko naman magpropropose na eh! Bakit nga ba ganito 'to? Anong meron?
Tumawa ito and then he heave a sigh. Nagulat ako nang parang binali niya into half ang bangkang laruan at may kinuha siya doon. My mouth partly opened, he kneel down raising his hand while holding a small box.
"I hope you'll still love me at my worst and at my best because it's only you babe who can make me feel like I'm the best kahit ako na ang pinakawalanghiyang tao sa mundo. Please be my Mrs. Baez, marry me babe." I lick my lips and pressed it. My tears streaming, feeling so overwhelming. Ito na yung hinihintay ko eh, ito na din yung pinaka gustong mangyari ni Eugene. Hihindi pa ba ako?
"Kahit ikaw man ang pinakawalanghiyang tao sa mundo, kahit ilang beses mo pa akong paiyakin, it's still you that my heart wants to go back to. You are my beautiful disaster babe and yes, I wanna be your Mrs. Baez!" I gladly answered, napatayo ito at mahigpit akong niyakap "and Charm.." I let go of his grip "I wanna tell you and everyone something, too." everyone lend their ears on me, "months ago nung naghiwalay tayo, week after may nadiskubre ako. I am two months pregnant Charm." parang slow-motion na nanlaki ang mata ng lahat at nagform ng malapad ng ngiti ang mga labi nito, "buntis ka? Buntis ka? Oh my God!" Mahigpit agad akong niyakap nito, our lips met and savored the overwhelming happiness that we feel right now.
"Hoy hindi pa 'kiss the bride'!" narinig kong sigaw ni Hannah mula sa likod ni Charm. Tumatawang kumalas kami sa bisig ng isa't isa, tumakbo naman si Eugene patungo sa tatay niya at kinarga ito. "Tatay you really did great!" masayang sambit ni Eugene
"Pakiss nga si nanay!" I reached for my baby's cheeks and kissed it. I faced everyone around me, happiness was visible in everyone's faces, tears of joy din ang mga magulang namin ni Charm
I raised my right hand, masayang sumigaw nang
"I'm getting married!""And magiging tatay na ulit ako for the second time!" Charm added.

BINABASA MO ANG
My Beautiful Disaster
Romanzi rosa / ChickLit#BaezSeries3 My relationship with Jose Maria Baez was a little bit messy. A little bit ruined. A beautiful disaster. (March 16, 2014)