MBD 037

2.9K 65 7
                                    

"Ano?! Anong wala sa kanila ang anak ko?! Putangina naman!" napasuntok ako sa pader sa narinig kong sinabi ng pulis, agad naman akong inawat ni Lucho pero tinabig ko ito. "Gawin niyo naman ng maayos ang trabaho niyo! Fucking find my son!" sigaw ko sa kanila. Hindi na nga sila ang nakahanap kay Casey, hindi pa nila mahanap ang anak ko.
"Mga inutil" I exclaimed as soon as the polices turn their back on me and left my house.

Napaupo ako at napasabunot sa ulo ko in frustration. "Dude, I know it's not right to say this but I'll say it anyway. Relax. Relax Charm, your anger can't find your son." Lucho said and pat my back sabay abot ng baso ng tubig sa akin. Agad ko naman itong ininom and compose myself. Tama. Hindi dapat ako nagpapadala sa init ng ulo. My wife is still recovering at the hospital right now. My son is still missing. My anger couldn't and wouldn't find my son or make things better.

"There." He said as soon as he saw me breathe normally. "Now you're calm, I just wanna tell you na binurol na agad ng mga Dela Vega ang demonyong anak nila. Binilisan na nilang ihatid sa impyerno baka mas lalo pa silang pagdagsaan ng media."

"That's good to hear. Sana naman matapos na talaga ang lahat ng 'to." I heave a sigh

"Things will fall into place Charm. Tiwala lang." napatango lang ako as a sign that I agree. Magiging maayos din ang lahat, makikita ko rin si Eugene at mabubuo ulit kaming pamilya.
"Di ka ba pupunta ng hospital?" he asked.

Napailing ako sabay naramdaman ko ang pag init ng gilid nang mga mata ko. "Gustong gusto. Gustong gusto ko siyang yakapin, na makita niya akong nandoon kapag nagising na siya." at naramdaman ko na ang pagtulo ng mga luha ko. "Grabe no? iba talaga nagagawa ng pag ibig napapaiyak ka nalang sa sakit." mahina kaming tumawa ni Lucho.

Napalingon ako sa kanya na nakatingin lang sa akin at nakikinig. "Kaso Luke, I feel like I'm a failure. Hindi ko nga mahanap ang anak ko eh, paano pa kaya pag nagising siya? Paano ko sasabihing 'babe, di ko padin makita si Eugene' ang sakit kasi gusto ko na siyang yakapin at halikan pero di ko magawa dahil sa hiya. Eh hindi nga din ako ang nakakita sa kanya.." I said between my sobs then I wipe my tears off my face. Parang bumabalik yung panahon na iniwan niya ako sa gitna ng ulan dahil sa nagawa kong pambababae, sa mga nagawa ko dahil lang sa insecurities ko, sa mga nagawa ko dahil sa lungkot na namatay yung kapatid ko at sa nagawa ko dahil sa kagaguhan ko. Bumabalik yung Charm na failure sa buhay, yung Charm na kuya ni Chaos pero mas magaling si Chaos, at yung Charm na dependent sa resources ng daddy niya at ng emperio.

Inakbayan ako nito. "Charm, mahal na mahal ka ni Casey simula pa lang ng storya niyo at alam niya din na mahal na mahal mo si Eugene. Alam ni Casey na you exerted too much effort in looking for her and for Eugene."

"You are not a failure Charm. Hindi mo kasalanan ang mga nangyari."

As soon as Lucho left me tumambay agad ako sa gazebo para uminom. I sat there staring at the nothingness habang nag iisip tungkol sa mga pangyayari sa buhay ko. Simula palang kasalanan ko na eh, may gusto si Rafael sa akin. That's the root of the problem. Sana ako nalang ang kinuha niya at hindi ang mag ina ko.

Nilagok ko ang beer na hawak ko at tinapon ito sa kawalan and the other bottle, and the other bottle, hanggang sa maubos at mabasag ang isang case ng beer na nasa gilid ko na kanina ko pa iniinom. Napasandal lang ako sa upuan at napaiyak. Shit ang tanga ko. Nagpapaka lasing lang ako dito habang ang mag ina ko hindi okay. Then I continued crying.

Napatigil ako sa pag iyak ng magring ang phone ko and an unregistered number is calling. I answered it without hesitations.

"Charm, come back to me. Nasa akin si Eugene. I know how much you love him, let's build a family together. I'll be a mom to Eugene. 'Wag mo ng balikan pa si Casey, malapit na namang mamatay yon diba? Just come back to me baby, please.."

Nahimasmasan ako sa narinig ko. Akala ko tapos na. Akala ko wala nang baliw sa buhay ko, wala na si Rafael. Hindi pa pala tapos.

tiim bagang akong sumagot sa kanya "Huwag na huwag mong gagalawin si Casey at ang anak ko, Thea."

My Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon