I woke up in the middle of the night dahil nauuhaw ako. Dahan dahan kong tinanggal ang ulo ni Eugene na nakaunan sa braso ko. Kahit nahihirapan akong humiga sa maliit niyang kama ay tinabihan ko pa din ito kasi baka atakihin na naman siya ng hika niya.
Lumabas ako ng kwarto ni Eugene at bumaba para kumuha ng tubig sa kusina. Napakunot ang noo kong napatingin sa pintuan kasi bukas iyon kaya lumapit ako doon at ilolock ko sana kasi baka nakalimutan ni Thea na isara ito. Laking gulat ko nalang ng makita si Thea na nakaupo sa buhangin, nakayakap pa sa mga tuhod niya at umiiyak kaya nilapitan ko siya
"Thea, are you okay?" tanong ko nang maupo ako sa tabi niya kahit halata naman talagang hindi siya okay.
Napalingon ito sa akin at laking gulat ko nang halikan ako nito, agad ko naman siyang naitulak
"Ano ba!" I hissed. Napatayo agad ako mula sa pagkakaupo. She cried again. Ano bang nangyayari sa kanya?
Nakakunot ang noo kong tinitignan siya habang umiiyak na parang bata. "Ganyan ba talaga ako kahirap mahalin? Bakit ba ang hirap sa inyong lahat Charm na mahalin ako? Ginawa ko din naman lahat para magustuhan ni Eugene. Si daddy hindi ako matignan sa mata kung kausapin ako, it's not my fault that mum died sa panganganak sa akin." humagulgol ito.
Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Umupo ako muli sa buhangin at hinaplos ang likod niya. "Thea, hindi pinipilit ang pag ibig. You got to wait for it, it will come if it's for you na."
Umiyak pa ito ng umiyak at umiling sa sinabi ko. "N-No, it's you that I want, Charm."
"Kung pipilitin nating dalawa magkakasakitan lang tayo, ayoko ding makita ang anak ko na nalulungkot na lang palagi dahil hinahanap niya ang nanay nya, masakit sa akin yon."
She looked at me and pouted, basang basa sa luha ang mga mata nito. "Pwede nating ibigay kay Casey si Eugene." nagulat ako sa sinabi nito. What? No! Umiling ako sa sinabi niya
"Masakit pa din para kay Eugene pag ako naman nawala sa kanya." I told her, maayos ko siyang kinausap kahit nakaramdam ako ng pikon dahil sa nasabi nya.
"Paano naman ako?" she cried
BINABASA MO ANG
My Beautiful Disaster
ChickLit#BaezSeries3 My relationship with Jose Maria Baez was a little bit messy. A little bit ruined. A beautiful disaster. (March 16, 2014)
