MBD 027

3.4K 81 3
                                        

"It's  Lindsey's  birthday  today  sabi  nya  papuntahin  ko  daw  kayong  dalawa  ni  Eugene. Ipapasundo  ko  nalang  kayo  kay  Charm."
That's the morning text I got from Lucho as I woke up. I turn around and saw my son sleeping soundly, I reached for him at mahigpit itong niyakap. "Goodmorning nanay." He sleepy greeted me.

"Goodmorning baby boy." I kissed his hair. Hindi ko padin makalimutan ang sinabi sa akin ni Thea two days ago. Ewan ko ba nang dahil doon iniiwasan ko na si Rafael sa takot. Minsan nga nag surprise visit sya sa bahay, nagulat nalang ako nang makita ang mukha nya sa peephole kaya pinasalo ko agad sa anak ko. Nakakaguilty nga because I just taught my son to lie. Sabi ko kasi sa kanya na sabihin sa tito Rafael nya na natutulog ako kasi napagod ako sa ginagawa kong design and he really told Rafael that pero nagulat ako nang samahan nya pa ng "You can't come inside." Which is hindi ko tinuro, buti nalang hindi talaga sya pumasok.

I cuddled with Eugene for awhile before going to the kitchen para magluto. Nagluto nalang ako nang champorado for breakfast kasi umuulan tapos maginaw sa labas.

Matapos naming kumain ay umupo agad kami sa couch sa sala at nanood nang all time favorite Zig & Sharko ni Eugene. Nakahiga ito sa dibdib ko habang nakapulupot ang kamay ko sa kanya. "Baby.." I called him then he just hummed as an answer.
"Can nanay ask a question?" Tanong ko dito. Tinignan naman ako nito na tila ready na makinig sa tanong ko.

"Why do you hate tito Rafael? Diba close naman kayo noon? Tapos di mo na nilalaro ang mga laruan na binibigay nya sayo" tanong ko sa kanya habang inaayos ang buhok nya.

"I thought he's a good guy, not until I caught him looking at you in a galit way, tapos he keeps on saying bad things about you pa, he's murmuring but I can hear it nanay." Sagot nito sa akin na tila natatakot pa. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko.

"Nanay please, stay away from him. Nanay, kausapin mo na din si tatay.." he begged kaya napatango na lamang ako.

Nang maghapon na ay nagbihis na kami ni Eugene para pumunta sa birthday ni Lindsey. Desidido na ako, magsosorry ako kay Charm ngayon at magiging okay na okay kami ngayon.

"Yu, anong sasabihin ko sa tatay mo? Paano kung irereject nya ako?" I asked my son na nag-aayos pa sa buhok nya na nakaharap sa salamin habang ako nakaupo lang sa higaan at problemado sa gagawin ko. Lalambingin ko ba? Paano pag ireject ako? Paano pag magdadala sya nang babae? Tangina wag naman sana, mahiya naman sya sa anak nya. Pero kasi.. paano kung..

Napagod na pala sya sa akin? Tapos okay na sa kanya yung set up namin na bisita bisita kay Eugene tapos magmamahal na sya nang iba? May ganun naman diba?

"Nanay, tatay won't reject you. He loves you and I know that." then he gave me his labas-dimple-smile. Napangiti nalang din ako. Bahala na nga si batman sa mangyayari basta magsosorry ako kay Charm ngayon.

Nagtinginan kami ni Eugene nang may mag doorbell at sabay na napangiti, agad kong kinuha ang purse ko at agad namang tumakbo si Eugene para buksan ang pintuan.

"Tataaaaaay!" Masayang sigaw nito nang mabuksan na ang pintuan. Lumabas na ako nang kwarto and I felt my heart leaped for joy nang makita ulit si Charm, matagal tagal na din since the last time I saw him. Kinarga nito si Eugene at hinalikan sa pisngi "Did you miss tatay?" he asked his son, masaya namang tumango si Eugene "very much!" he answered, napatawa naman si Charm at napatingin sa akin. I smiled at him. "Tara na, baba na tayo baka ma late tayo sa party." sabi nito atsaka umuna na sila ni Eugene. Hindi man lang ako nginitian? Hmp!


Tahimik lang ako sa sasakyan, nakakandong si Eugene sa akin sa passenger's seat tapos sila lang ni Charm ang nag-uusap, parang wala lang ako. I sighed. Minutes after dumating na kami sa venue. As we entered the place malapad na nakangiti sa amin ang mommy ni Charm at sinalubong kami. "Eugene, i miss you little guy!" masaya nitong sabi nang yakapin sya nang mahigpit ni Yu.


"hi po tita." I greeted her and kissed her cheeks hello. Bumeso din si Charm sa kanya. "Good to see you again hija." she smiled at me. "Come, madami na ang bisita." 


"dadalhin ko muna si Eugene sa mga kaibigan ko, ipapakilala ko lang." paghihingi ng abiso ni Charm sa akin. Napatingin ako sa kanya, ako ba? hindi nya ipapakilala sa mga kaibigan nya? I fake a smile and nodded. "Nandoon lang ako kina Han--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang umalis na sila. Problema ni JM?! Ugh kainis! Nagtungo nalang ako kina Hannah na katabi si Nadia. "Oh hi there best friend, what's with the face?" tanong ni Hannah sa akin nang maupo ako sa tabi nya at ininom ang ladies drink na nasa mesa. 

"Ewan ko ba jan sa brother-in-law mo! Nang iinis yata, ipakilala ba naman si Yu sa mga kaibigan nya tas ako hindi?! Invisible ba ako? Leche!" irita kong sagot sa kanya.

Napataas ang kilay ko nang tumawa sila ni Nadia, may topak siguro tong mag ina na'to. "Tita, you're so cute when you're irritated pala." Nadia laughed. Napa-really nigga?-face naman ako sa sinabi nya. "Pati ba naman anak mo Case, pagseselosan mo?" tumawa sila ni Nadia.

Napairap nalang ako. "Ewan ko nalang kung bakit naging best friend pa kita Han." I stayed with them when the party started. Nagkakwentuhan at nagkasayahan, may inuman din pero di naman karamihan ang nainom ko. Napatingin ako sa orasan sa phone ko at nagulat na mag a-alas dyis na pala. Napatingin ako sa mga kaibigan ni Charm na kasama nya kanina pero wala na sina Charm at Eugene. Nilibot ko ang tingin ko sa buong lugar pero miski anino nang mag-ama wala, what an actual fuck! Nasaan sila?!


I dialed Charm's number but it's unattended. "Hey Case, you alright?" tanong ni Hannah sa akin habang hawak ang kamay ko. "Have you seen Charm and Yu?" tanong ko sa kanya. Napalibot din ang tingin nya sa lugar at umiling. Tumayo ako at lumapit sa mga kaibigan ni Charm at nagtanong kung nakita ba nila ang mag-ama ko "Umalis yung dalawa kanina eh, akala ko nga babalik lang pero kanina pa yon." someone answered. Naramdaman kong bumilis ang pintig nang puso ko. Damn JM! ano na namang kalokohan 'to!!


"Tita, tito, excuse me but have you seen Charm and Eugene?" tanong ko sa mama't papa ni Charm. Umiling naman ang dalawa. Nasaan na kaya yung dalawa!

Where is my son?

Pag may mangyaring masama sa anak ko, babalatan ko talaga si Charm!

Lumapit si Hannah sa akin kasama si Nadia. "tita, hindi daw po nakita ni Aidan sina tito eh." sabi ni Nadia sa akin na nag-aalala din ang mukha.
"Hindi ko din sila mahanap Case." Hannah added. "Why don't you look outside, baka nasa sasakyan lang sila ni Charm."


At agad akong nagtungo sa labas, laking gulat ko nalang nang makitang bakante na ang pinaradahan ni Charm nang sasakyan nya kanina. "What the fuck?" napasinghap ako nang may marahas na tumakip sa mukha ko. Nakaamoy ako ng sobrang nakakasakit sa ulo na amoy then everything went unconscious.




My Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon