MBD 005

21.1K 304 10
                                        

Naalimpungatan ako nang marinig ko na may kumakatok sa pinto. Akala ko pa naman kasali sa panaginip ko yung katok na yun eh!



Kinukusot kusot ko pa ang mata ko habang hinahanap pa din ang tsinelas ko. Agad akong humarap sa salamin at inayos ang buhok ko. Kumatok ulit ito "Teka nga! Natutulog yung tao eh tsk!" I murmured.



Agad kong tinahak ang pinto at binuksan ito "Ilang years ka naglakad mula higaan patungo pinto?" napairap nalang ako sa sinabi nito at nagpunta muli sa higaan ko. Sus! Kung di lang talaga buntis ng babaeng 'to!



"Ano ba kailangan mo?" antok na antok ko pang tanong sa kania. Umismid ito atsaka umupo sa may dulo ng higaan ko.




"I heard from Lucho you went to Masked Highway to help Charm nung nakaraang araw? How was it?! How was it?!" napangiwi ako sa tanong nito na parang kinikilig pa sa tanong.




"Kadiri ka! Hindi na tayo teenager Han, maghuros dili ka!" natatawa kong sabi sa kania. I'm trying to drop the topic, naiinis lang ako pag-naalala ulit iyon. Tss.




"Alam mo, feel ko mahal mo pa talaga yan si JM eh. Sa tatlong taon nio ba naman magkasintahan noon. Hindi pa kami kasal ni Chaos nun ah! Tapos nene na nene pa si Chanty nun!" I pouted. 



"I miss that Chantangkulit" I said out of the blue habang niyayakap-yakap ang oblong size na unan ko.



She bit her lip and sadness was visibly written in her face "Me, too. Namimiss ko na nga yun pagpumupunta ako ng mansion tapos biglang tatakbo patungo sa aki—Teka! Napupunta tayo kay Chantangkulit eh! So, kumusta nga yung sainyo ni Charm?!" I heave a sigh and rolled my eyes in annoyance.



Okay na eh! Senting senti na ang atmosphere tapos balik Charm! Speaking of the devil, nabwebwesit ako sa kania! Tsk.




Muli pa itong nagtanong hanggang sa bumigay na ako. Sinabi ko na lahat lahat na nangyari. I thought she's my best of friends and put herself on my side and we'll together get bwesit of JM but what happened?! She burst out laughing and hyperventilating! Matawagan nga si Chaos at papauwiin a tong lakwatserang buntis niang asawa tss.




"Umuwi ka na nga! Nakakabwesit ka din ng umaga ano?! " irita kong sabi dito.



"Hahaha, ouch Case ah! Magagalit yang kuya mo pagpinalabas moko dito" nagpout pa ito na hindi nia naman kinacute. Tss. 



"Alam mo.. Magtatanghali na, baka nagugutom na ang mga tao sa bahay nio, umuwi ka na kaya tapos magluto ka na ng pananghalian nio!" I shooed her kindly. Oh, kind na yan! Wag na kayong ano! 




"Sira! Gawin mo ba akong muchacha at tagaluto don?! Hahaha, siraulo ka din minsan, asawa ko ang may CEO ng pinakakilala at pinakamakapangyarihan na imperyo kaya wag ka! Mas madami kaming yaya sa inyo."



My Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon