MBD 040

2.2K 41 3
                                    

"Hon. Hannah..."




Naalimpungatan ako nang marinig ang pangalan ko, hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako sa kinauupuan ko sa tabi ng kama ni Casey. Napapunas ako sa mata ko at napahikab.




"Hi, hon," Chaos greeted me. Ngumiti ito sa akin at hinalikan ako bilang pagbati. 




"Kailan ka lang dumating?" I asked him, galing kasi siyang Miami binisita lang saglit si Aidan, Nadia at Adrian na nag aaral doon, babalik din naman agad kami pag natapos na ang lahat ng 'to, ayoko lang talaga iwanan ang best friend ko na ganito ang sitwasyon.




"Few hours ago." matamlay nitong sagot na tila pagod pa at malungkot. 




I heave a sigh "Hindi pa din nila makita ang mag ama?" I asked him. Umupo ito sa couch at umiling lang bilang sagot.




Nag uusap lang kami ni Chaos tungkol sa mga bata at sa emperio nila nang dumating na ang momsi at popsi ni Casey. Tumayo ako para bumeso sa kanila, nakipagkamayan naman si Chaos sa popsi ni Casey. Sobrang maga na din ng mga mata ni tita sa kakaiyak, nilapitan nito si Casey at niyakap.




Napabuntong hininga na naman ako sa lungkot ng nadarama ko. Hindi pa din siya gumigising. As bad as it sounds there's a part of me na masaya ngayon na hindi pa siya gumigising kasi her heart will be broken if she wakes up at wala ang mag ama niya because I saw how painful it was for her when she woke up last month from a vehicular accident na wala na ang dinadala niya.




Napalingon kami sa pintuan nang bumukas ito at iniluwa si Lucho na may dalang pagkain. Napangiti ako kasi kanina pa talaga ako nagugutom. 




"Lunch, everyone!" he grinned at tinaas pa ang kamay para ipakita ang bags of food na dala niya.




Nilagay nito ang pagkain sa mesa at nilapitan sina tito't tita para makapag mano. Lumapit din ito kay Casey, malalim pa itong huminga at hinaplos ang mukha nito and planted a kiss on Casey's forehead. Bakas sa mukha ni Lucho ang lungkot, sobrang close din kasi nilang dalawa kahit noong nasa France sila, pareho pa silang dalawa na nagmomove on noon at inaaalagaan pa ni Lucho si Casey nung buntis siya kay Eugene kaya ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Lucho sa mga nangyayari ngayon.




"Hindi pa din ba talaga nahahanap sina Charm at Eugene?" tanong ni Lucho nang tumayo na ito at binalingan kami ng tingin ni Chaos.

My Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon