MBD 038

2.2K 51 1
                                        

I heave a sigh nang maramdaman ng mga paa ko ang buhangin. Nandito ako ngayon sa bahay namin ni Casey sa Balesin Island where I took her before para magpropose sa kanya, dito ko pinapunta si Thea na kasama ang anak ko.

"Tataaaaaay!" napaiyak na lamang ako ng marinig ang maliit nyang boses. Tumatakbong papunta sa akin si Eugene mula sa bahay nang makita akong papunta sa bahay. Binitawan ko ang bag ko upang kargahin ito at yakapin.

"Oh how I missed you so much, baby!" I said between my sobs.

"I missed you too tatay" niyakap ako nito ng mahigpit "I missed nanay, too. Tito Rafael is so bad tatay" bulong nito sa akin. "It's okay, you are safe now" ang tanging nasabi ko rito. Napayakap nalang ako rito ng mahigpit, I'm sorry baby. If only I could take your pain away

"Charm." she called. How I wish na paglingon ko ay si Casey ang makikita ko.

When I bought the house I've always dreamed about it yung pagkauwi ko ng bahay ang mag ina ko agad ang bubungad sa akin, but this time iba eh, it's Thea.

"I'm glad you're here na." nakangiti nitong sabi, nginitian ko lamang ito at binesohan.
"Tara, pasok na tayo sa bahay." pagyayaya nito. Kinuha nito ang bag ko at binitbit, she even snaked her hand around my arm at sumandal dito habang naglalakad kami papasok sa bahay. Nakita kong nag iba ang mukha ni Eugene sa nakita sabay nagtagpo pa ang kilay nito but he didn't say a word but confusion is visible in his face. I'm sorry, baby. I'm so sorry.

"Iaakyat ko muna ito sa kwarto natin ha? at umuna na kayo sa kusina, I cooked." mala asawa nitong sabi sa akin. Tumango lang ako at ibinaba si Eugene at naupo sa sofa. "When are we going to see nanay?" tanong nito sa akin na parang walang emosyon. Hahawakan ko sana ang mga kamay nito ngunit iniwas nito ang mga kamay niya. I'd like to think that he's only five years old at okay lang na gawin ko 'tong set up namin ni Thea kasi wala pa siyang kaalam alam sa nangyayari, but no, alam nya ang nangyayari and it's so weird dahil nagmamanhid manhidan siya.

"Soon, baby." is all I managed to say to my son. Ang laking failure mo talaga Charm. Paano nga ba nagawa ni Casey magpaka nanay at tatay at the same time for five years? Kasi parang hindi ko 'to kaya.

"I want my nanay." sasagot na sana ako nang bumaba na si Thea "c'mon baby Eugene, let's eat lunch na!" she enthusiastically said at kinarga nito si Eugene at nagpunta na kami sa kusina. Bumungad ang tinolang manok at liempo sa hapagkainan.

Hinainan naman kami ni Thea, she's really trying to act like a wife and a mother. "Tatabi na ako kay Eugene, susubuan ko nalang siya." sabi ko ng bigyan ni Thea si Eugene ng plato. She was about to open her mouth to say something nang unahan siya ni Eugene magsalita "Nanay trained me to eat by myself, I can do it, thank you."

"Okay, baby." is all I managed to say again. Parang ang cold ng anak ko, five years old lang ba talaga 'to? hindi naman 'to ganito noong kami lang tatlo sa bahay, mabibong bata naman ito.

"Ikaw babe, what do you want? Liempo or Tinolang manok?.. or me?" pilyo itong ngumiti. Napatingin naman sa kanya si Eugene. Sinamaan ko ito ng tingin "nandiyan ang bata, Thea." napailing na lamang ako, hindi nga kami nagtatawagan ng babe minsan ni Casey pag nandiyan si Eugene sa harap namin.

Tumawa ito, "oops I'm sorry" at tinakpan ang tenga ni Eugene na agad namang tinanggal ni Eugene. "Thea." suway ko rito, she just giggled. "I'm sorryyy" malambing nitong sabi sabay haplos pa sa hita ko. Napailing lang ako rito "Kumain ka na." she giggled again at tumango.

"When are we going to come home?" tanong ni Eugene, breaking the silence as we eat our lunch. Nagkatinginan kami ni Thea. "I promised to take you to your daddy, right Eugene? Ginawa ko na" sagot ni Thea at nginitian si Eugene. Binalingan naman ako ng tingin ng anak ko, nang maramdaman nitong wala akong masabi ay binalik nito ang tingin kay Thea "but I want my nanay." parang unti unti akong nilamon ng kahihiyan ko, bakit nga ba hindi ko magawa? I still hope na papakawalan at papabayaan na kami ni Thea when she sees how I love Casey.

Silence filled the kitchen again, naluluhang bumaba si Eugene sa upuan at nagpunta sa taas.

Hinawakan ni Thea ang mga kamay ko "hey, he will be alright. Matatanggap niya rin 'tong bagong family niya, he's still five years old Charm, he can easily adjust." she said, trying to comfort me.

Mata sa mata ko itong tinignan habang naluluha na ang mga mata ko, sana ay makita niya sa mga mata ko na sobrang nasasaktan na ako na nasasaktan ang mga taong mahal ko dahil sa akin. "Please let us go, Thea. Please." pakikiusap ko sakanya hoping she'd feel sorry pero biglang umiba ang aura nito na parang nanliliksik ang mga mata. "No, sobrang mahal kita Charm at subukan nyo akong iwan ni Eugene at isang tawag ko lang sa kakilala ko sa hospital ay mawawala si Casey dito sa mundo." tumayo ito at umalis. She left me there crying in pain, tangina ano ba 'tong mga nangyayari sa amin.

My Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon