MBD 034

2.5K 72 2
                                    

"Kailangan na nating puntahan ang asawa mo Chaos! baka ano na ang ginawa ni Rafael sa kanila." sabi ni Ruel sa akin na halatang natatakot ang boses, agad kaming nagpunta sa parking bay at kanya-kanyang sumakay sa sasakyan namin.

"I'll call the police." he said bago pa namin paandarin ang kotse at nagpasalamat ako rito. 

Halos paliparin ko na ang sasakyan papauwing bahay. Diyos ko, sana walang masamang mangyari sa mag-ina ko.

___________________________________________

"N-Nay.. where's tatay?" Eugene asked me between his sobs.

Mahigpit ko lang din itong niyakap habang tumutulo ang mga luha ko. Nagising kami ni Eugene kanina ng marinig ang pagbasag mula sa baba, siguro ay ang bintana iyon dahil maayos na ni lock ni Charm ang lahat ng pintuan at sinabi niyang tatawag nalang siya para mabuksan ko ito and I'm sure, it's not Charm but an intruder.

Nakasandal lang kami sa headboard ng higaan ni Eugene habang mahigpit na niyayakap ang isa't isa. Mas humigpit pa ang yakapan namin ng marinig ang mga hakbang ng paa sa hagdanan.


"Hannah.." someone called, tila papunta ito sa kwarto namin ni Charm at nakumpirma ko ito ng marinig ang pagbukas at pagsirado ng pinto.

"Eugene.." tawag ulit nito, and the footsteps became louder.

"Baby Yu, it's tito Rafael.."

Niyakap ko agad ang anak ko ng maramdaman ang panginginig nito sa takot. Then the doorknob moved.

"Oh, ayaw mo papasukin si tito Rafael, baby Yu?" pinilit pa ni Rafael na buksan ang pintuan kaya agad kong kinarga si Eugene at nagtago kami sa cabinet niya, at mahigpit na niyakap ang isa't isa.

"N-Nay, call t-ta-tatay.." he cried.

I was about to dial Charm's number nang biglang nagpaputok ng baril si Rafael then we heard the door opened. "Pick up! Pick up!" I screamed in my head. Charm, nasaan ka na ba? 

___________________

Napasabunot ako sa buhok ko at mangiyakngiyak na napaupo sa sahig sa inis ng madatnan ko ang bahay na bukas at walang tao, sira ang doorknob ng pintuan sa kwarto ni Eugene, sobrang gulo ng isipan ko. Saan na niya dinala ang mag ina ko? Dapat hindi na ako lumabas ng bahay eh.

"Tol, mahahanap din natin sila."

Napatingin ako kay Ruel na nakatayo sa harap ko, hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng inis.


The next thing I knew, mariin kong hinawakan ang kwelyo nito. Parang nagdidilim ang paningin ko.

"Siguro kasabwat ka din ng punyeta mong kapatid ano?! Kunwari pinapunta mo ako doon para makuha niya ang mag ina ko dito!" susuntukin ko na sana ito ng awatin kami ng mga pulis.

"Putangina nyong mag kakapatid! Ibalik nyo ang mag ina ko!" sigaw ko sa kanya. Gustong gusto ko syang suntukin sa galit, hindi ko na alam kung anong gagawin ko pag may mawala na naman sa akin na importante sa buhay ko.

"Charm, mali ka ng iniisip. Kahit magkapatid kami ni Rafael, gusto ko din naman na magbayad sya sa mga ginawa niya sa inyo." bakas sa boses nito na tila nasasaktan ang damdamin sa sinabi ko, tinabig nito ang mga pulis at umalis.

Lumipas ang araw na hindi pa din kami tinatawagan ni Rafael. Nag-aalala na ako sa kalagayan ng mag ina ko.  Alam ko din naman na gustong tumulong ni Ruel pero hindi ko padin maipasok sa utak ko na ako ang gusto ni Rafael, all this time kasi akala ko si Casey ang gusto niya.

My Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon