Nilapitan ko si Thea na naghuhugas ng plato. Kailangan ko na siyang kausapin. Kailangan na namin umuwi ni Eugene kasi sobrang miss na miss na namin si Casey at wala akong balita kung ano na ang nangyari sa kanya.
"Thea.." pagkuha ko sa atensyon nito.
Nilingon niya ako, agad naman siyang nagpunas ng kamay and turned the water off. "Yes, baby? May kailangan ka ba? Is there something wrong?" nilapitan pa ako nito at hinaplos ang mukha ko
Umiling ako at inilayo ang mukha ko sa kamay niya. Huminga akong malalim "Thea, sobrang mali na kasi nitong ginagawa mo." I said. Nag iba ang emosyon ng mga mata nito— mula sa masaya ay napalitan ng inis
"You know you can be charged for kidnapping for this, diba?" I added.
Imbes na makaramdam siya ng takot ay ngumisi ito "Oh Charm, mayaman nga kayo pero baka nakakalimutan mo din na Chief Justice ang tatay ko, I can always get away with it." she seductively bit her lower lip bago magsalita at lumapit sa akin "..but Casey? she won't get away with what I'll do to her"
Mahigpit kong hinawakan ang braso niya sa galit, napangiwi pa ito "Don't you fucking dare do it!"
"Ow C-Charm nasasaktan ako," mangiyak ngiyak nitong sabi.
Mas diniinan ko pa ang paghawak ko sa braso niya, parang unti unting nagdidilim ang paningin ko sa sinabi niya "H-Hindi na. Hindi ko gagawin, aray Ch-Charm, nasasaktan na ako." marahas ko siyang tinabig
I was about to walk away when she hugged me from the back to stop me. "Bakit ba ang hirap para sayo na mahalin ako, Charm?" umiiyak na ito ngayon, ramdam ko pang nababasa na ng luha niya ang likod ko. "Ginawa ko naman lahat ah, I've been a good mom to Eugene, too." dagdag pa nito. Tinanggal ko ang kamay niyang nakayakap sa akin at hinarap siya
"Hindi ikaw ang mahal ko, Thea. Hindi mo ba talaga maiintindihan yon? This set up will never work!" I hissed.
Kahit sinong babae pa yata ang nandyan, kahit gaano pa sila kabait sa anak ko si Casey lang talaga ang gusto ko. The moment I met her years ago I know siya na ang babaeng gusto kong maging nanay ng mga anak ko and she's the girl I want to spend the rest of my life with.

BINABASA MO ANG
My Beautiful Disaster
ChickLit#BaezSeries3 My relationship with Jose Maria Baez was a little bit messy. A little bit ruined. A beautiful disaster. (March 16, 2014)