MBD 013

17.1K 260 13
                                    

Ilang araw ang nagdaan simula nang unang bumisita si JM dito sa pent house. Mukhang tinotoo nia nga talaga that he will woo our son and me.

I know I still love Charm pero mas gusto ko ang worth it na Charm para sa amin ng anak ko. A Charm that wouldn't depend on his family's power. A Charm who will raise us with his own power.

He visits everyday -- kung hindi siguro vacant ang kwarto ni Eugene -- mapupuno siguro ng laruan ang bahay. He brings toys for Eugene and a bouquet of flowers for me and hindi lang iyon kundi isang karton ng box heart shaped overloaded cheese pizza and ewan ko ba kung matatawa o maasar ako sa palagi niang sasabihin "It's because I don't want my babe to lose weight."

Minsan nga inaaya siya ni Eugene na matulog na lamang dito minsan but I don't want it -- baka naman gaya ng mga ibang bata diyan na papatabihin ang papa nila sa mama nila. Ano ako hilo? No way!

And now, here goes Charm Baez playing NBA2K14 Xbox with his son. Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil mas nananalo pa si Eugene kesa sa tatay nia. We usually play that kind of game before but Charm always wins. I don't know kung sinasadya nia ba pero halata naman na natutuwa lang siya pag inaasar siya ng anak namin na asarin na "Tatay, you always lose!"

I squat on the floor -- beside the coffee table -- and get some slice of pizza. Kumakain lang ako at tinitignan ang screen ng tv habang naglalaro sila.

"Woah! I won again!" napatawa ako nang sumigaw si Eugene at ibinaba ang controller. Natatawa lang si Charm na kandungin si Eugene na umiinom pa ng tubig.

"Manang mana sa tatay eh! Magaling maglaro!" nakatawang sabi ni Charm habang ginugulo ang buhok ni Eugene. Bigla itong tumingin sa akin at nakatinginan kami. "Diba, babe?" He playfully winked at me. I made a face at napairap nalamang ako.

"Disagree." I laughed. Sinubuan ko si Eugene ng pizza pero nanlaki ang mata ko nang unahan ni Charm si Eugene. "Charm!" I hissed. Nagtawanan naman ang dalawa at nag high five pa

"Hindi nakakatawa!" inis na sabi ko sa kanya pero tumawatawa lang silang dalawa. Parang nagkakampihan na yata 'tong mag ama ah.

I just rolled my eyes, but deep inside me -- I'm smiling ear to ear -- they look so cute together.

________

"Yeah, Han bakit napatawag ka?" I spoke as soon as I put my phone on my ear -- tilting my head to the right para mahawakan ito gamit ang balikat ko.

"So, I heard ipapakilala na ni Charm si Eugene sa parents niya." sabi ni Hannah sa kabilang linya. I hummed as an answer. I wore my three inches stilletos. Ipapakilala ni Charm si Eugene sa pamilya at ngayon iyon kasi gustong gusto na daw nila makilala ang apo nila and who am I to stop that? Nanay ako ni Eugene but my son also deserves to know his dad's side.

"Han, okay lang ba kung isuot ko Cutout Back Posy Print na dress?" I asked her as I watched myself on my full length mirror wearing Trina's gift for me -- a Cutout Back Posy Print dress.

I heard her hummed on the other line. "Oh! Naimagine ko din. Yeah, oh my god that is very sexy, best friend." We giggled. "I have to hang up, the boys are waiting for me. Bye." I cut the call. Inayos ko lang ang buhok ko at ang lipstick ko atsaka lumabas na.

Napalunok ako nang makita ang mag-ama ko. I chuckled as I saw them in the bartender. Nakaupo si Eugene sa high chair habang si Charm naman sa tabi. Nagkwekwentuhan yata ang dalawa.

They are both wearing a baby blue polo long sleeves for Charm while polo shirt lang kay Eugene. Nakablack pants sila pareho. I smiled widely, sobrang ganda nilang dalawa tignan.

My Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon