"Happy-happy Monthsary mahal!" ang bati niya sa akin.
"Happy Monthsary din mahal ko!" ang nakangiti kong bati pabalik.
"Halika!" ang yaya niya sa akin sabay hawak sa kamay ko. Hinila niya ako palabad ng maliit na kuwartong inuupahan namin.
"Saan tayo pupunta?" ang nagtataka kong tanong.
"Basta!" ang tugon naman niya.
"Aling Rosa!!! Aling Rosa!!!" ang pagtawag niya sa mabait naming kapitbahay. Kaagad namang lumabas ang matanda mula sa bahay niya at pinagbuksan kami ng gate.
"Magandang gabi po" ang bati ni Jun kay Aling Rosa sumunod naman ako.
"Magandang gabi rin sa inyo" ang bati niya pabalik ngunut may kakaiba sa kanyang ngiti. "Maiwan ko na kayo diyan. Jun, ikaw na bahala, ha?"
"Opo" ang tugon naman ni Jun.
"Ano bang ginagawa natin dito?" ang kaagad kong tanong.
"Ang dami mo namang tanong eh" ang sabi ni Jun. "Sumunod ka na lang"
Kaagad naman akong sumunod sa kanya kahit na naguguluhan ako. Pumasok kami sa bahay nila aling rosa at pumanhik sa pangalawang palapag ng bahay nila.
"Dito" si Jun sabay pwesto sa tapat ng bintana. Pinanood ko naman siyang umakyat.
"Hui! Anong ginagawa mo?" ang tanong ko.
"Sumunod ka na lang mahal ko" ang bilin niya sabay ngiti. Tumungtong ako sa upuan para makalabas ng bintana. Bago pa lang ako makalabas ay natigilan ako.
"A-anong drama to?" ang namamangha kong tanong nang dahil sa aking nakikita. May nakalatag sa bubungan ng kabilang bahay, may dalawang unan at mga kandila.
"Ang corny ba?" ang tanong niya sabay kamot ng ulo.
"Baka magalit si Aling Sonia" ang komento ko. Siya kasi ang may-ari ng bahay na tinutungtungan namin.
"Wag kang mag-alala, napagpaalam ko na" ang paliwanag niya sabay ngiti ngunit kaagad namang nawala yun. "Sam, pasensya na,ha?"
"Para saan?" ang tanong ko naman.
"Kasi ganito lang ako. Ito lang ang kaya kong gawin para sa'yo" ang paghingi niya ng paumanhin. "Hindi kita kayang ipunta sa mga mas magagandang lugar."
"Hindi ko naman hinihiling ang mga yun eh" ang depensa ko. "Sapat na sa akin na andyan ka"
"Kasi- alam ko naman na may mas magagawa pa ako pero hindi ko kaya" ang dagdag niya pa. "Wala akong pinag-aralan kaya mapurol ang utak ko. Pasensya na kung ganito lang ang taong mahal mo pero nagsisikap ako para sa ating dalawa"
"Jun naman" ang naiiyak kong pagtawag sa kanya. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. "Mahal kita kung ano ka. Kung sino ka pa"
"Tama na nga to. Kain na tayo ng pancit bihon" ang sabi niya na ikinatawa ko. "May adidas pa diyan at betamax, mga paborito mo yun, di ba?
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya.
"Ang sabi mo, hindi mo ako iiwan" ang mahinahon niyang pagpapaalala sa akin. "Pero sinaktan mo ako, Sam!"
Hindi na ako umimik pa dahil alam ko namang totoo eh. Pero hindi niya naman alam ang rason, ang katotohan. At kahit kailan pa man ay hindi na niya na dspat malaman pa. Mas pipiliin ko pa na magalit siya at mahalin no siya ng patago.