Ikahuling Kabanata

4.5K 164 75
                                    

"How do you feel about uhmmm. Him?" ang out of the blue na tanong ni Andrew.

"Ewan ko. Awkward lang siguro." Si Sam. "Bakit? Nathrea-threaten ka pa rin?"

"Nah. I just felt guilt" si Andrew.

"Oh.. you are" ang sarcastic na komento ni Sam. "Eh di ibalik mo na lang ako sa kanya."

"Over my hot dead body" si Andrew.

"Kung ano mang nangyari sa nakalipas. Iwan na natin yun dun" si Sam. "May mga bagay na kailangan nating gawin"

Tumango naman si Andrew. Tahimik naman silang naglakad pababa ng trail. Nang makarating sila sa isang food stop ay bumili sila ng maiinom pagkatapos ay nagpatuloy maglakad hanggang sa maabutan nila kung saan nakaparada ang sasakyan.

"Towel?" si Sam.

"Nah. I'm dried up" si Andrew. Sumakay naman silang dalawa at nagsimulang bumyahe patungo sa Sabang beach.

"So baby pull me closer in the back seat of your rover that i know you can't afford.." ang malakas na pagkanta ng dalawa habang bumabyahe sila. Dalawang pakete ng chips, at ilang dosena ng kanta ang lumipas bago sila nakarating sa beach. Nakahanap naman agad si Andrew ng parking space. Bumaba naman sila. Natatanaw na agad nila ang beach. Napasipol si Andrew. "Ang ganda"

"Alin? Yung beach o yung mga babae?" si Sam.

"Ha? Hindi ko alam yan ah!" si Andrew.

"Ewan ko sayo" ang reaksyon naman ni Sam sabay hampas sa dibdib ni Andrew tapos nagsimulang maglakad patungo sa beach. Kaagad namang sumunod si Andrew.

"You know what's more beautiful here?" ang tanong ni Andrew.

"What?"

"Ikaw" si Andrew. "Ninakaw na nga kita sa iba. Takot ako sa karma. Baka nakawin ka ng iba. So i have to keep my guard up"

Umakbay si Andrew sa kanya.

"Let's go."

Hinila ni Andrew si Sam papunta ng tubig. Parang bata silang nagtatampisaw sa dagat. Ginawa nila ang lahat ng pwedeng gawin dun. Lumangoy... tinuruan ni Andrew si Sam magsurf na hindi naman nagtagal ay sinukuan din ni Sam. Naupo si Sam sa buhanginan habang pinapanood si Andrew. Nakadapa siya sa surfboard at patungo sa alon. Tumayo si Andrew at sinubukang magbalanse. Hindi naman siya natumba at matagumpay na nakarating sa dalampasigan. Kinuha kaagad ni Andrew ang surfboard at lumapit kay Sam.

"I'm tired" si  Andrew.

"Ang galing mo pala" si Sam. Napangiti naman si Andrew.

"I know right" si Andrew sabay tawa bago sinauli ang surfboard. Naglakad-lakad muna sa tabi ng beach. Hindi naman nagtagal ay dumeretso sila sa shower area. Nang makapag-ayos na ay dumererso sila sa isang restaurant at naghapunan. Tumuloy naman sila bahay pagkatapos nun.

Sinalubong sila ni Harold.

"Hey!" ang bati niya.

"Hey" si Andrew.

"We're having a bbq night" si Harold. "Join us"

"Uhmm-"

"Yeah. It would be a shame to turn us down." si Jun. "Kumuha kami ng isang case ng beer. Hoping that you'll join us."

Napatingin si Andrew kay Sam. Napatango naman si Sam.

"Okay then" ang pagpayag ni Andrew. May nakaset-up na ihawan sa malapit sa bahay na tinutuluyan nila Harold at Jun. Sa tapat ay may bonfire at apat na upuan. Naupo si sila roon maliban na lamang kay Jun na siyang nakatoka sa pag-iihaw ng seafood at karne. Nagsimula naman si Harold na magtanong sa dalawa.

Wa Klas (Completed BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon