Pang-apat na Kabanata

3.2K 118 4
                                    


 "Ang mamahal naman dito" ang komento ni Sam. Kung aaraw-arawin niya ito ay magkukulang ang pang-isang buwan niyang allowance. "hindi kaya ng budget ko. Wala bang ibang makakainan na mas mura?"

"Meron sa labas ng University. Ano bang gusto mo?" ang tanong ni Ricky.

"Sa karinderya lang. Yung may budget meal" ang tugon naman ni Sam. Pumayag naman si Ricky at nagtungo nga sila sa karinderya sa labas ng University.

"Anong kukunin mo?" ang tanong naman ni Ricky sa kanya.

"Isang ulam lang. Yung gulay" ang tugon naman ni Sam.

"Bakit gulay lang?" ang sunod na tanong ni Ricky.

"Kasi mas mura. Sampung piso yung kanin tapos kinse pesos yung gulay. Bente sinko pesos lang ang babayaran ko" ang paliwanag naman ni Sam.

"Ang kuripot mo pala talaga" ang natatawang komento ni Ricky.

"Eh, ganun talaga" si Sam. "kailangang magtipid at tsaka laking probinsya ako kauya naman sanay ako sa gulay. Eh, ikaw ba?"

"Strict vegetarian ang Mommy ko, nakakakain na ako ng karne since nung nasa US na siya"

"Pasensya ka na pala" si Sam. "Baka kasi hindi ka sanay sa mga ganitong kainan"

"Carry lang" si Ricky. "Libre ko na ang isang order ng adobo"

Natawa naman si Sam at natuwa siya sa adobong libre ni Ricky. Sumapit ang hapon kaya naman kaagad siyang umuwi. Wala si Jun sa kuwarto nila. Nagtungo siya sa kusina at nadatnan niya si Aling Aida habang nagtitimpla ng kape.

"Uy, Samuel. Andito ka na pala" si Aling Aida nang mapansin siya. "Kape tayo. Kuhanan mo pa ako ng isa pang tasa"

"Opo" si Samuel.

"Ayang dilaw na lang" si Aling Aida. "Kay Jun naman yan." kinuha nga ni Jun ang dilaw na tasa at linapag sa tabi ng tasa ni Aling Aida. Sinalinan naman yun ni Aling Aida ng 3-in-1 na kape. Naupo siya sa upuan.

"Si Jun po?" ang tanong ni Sam.

"Sumide-line na naman yun" ang sabi naman ni Aling Aida.

"Saan naman po?" ang tanong ni SAm.

"Hindi ko rin alam" si Aling Aida.

"Ang sipag niya po talaga"

"Oo, may pinag-iipunan yun eh"

"Pwede po bang malaman?" ang tanong ni Sam.

"Gustong-gusto niya na kasing maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral" ang tugon naman ni Aling Aida. Natigilan naman si sam nang marinig yun. "Naging mahirap ang buhay ni Jun, Samuel. Siguro, sa araw-araw na ginawa ng Diyos... Para bang isang libong butas ng karayom ang kanyang linulusutan"

"Asan po ba ang mga magulang ni Jun?" ang tanong ni Sam.

"Nakulong ang tatay niya sa pagbebenta ng iligal na droga. Iniwan naman siya ng nanay niya sa tiya niya. Nagpunta kasi ang kanyang nanay sa Japan bilang entertainer. Lumipas ang ilang taon, hidi na bumalik ang kanyang nanay. Naging malupit naman sa kanya ang kanyang tiya kaya naman naglayas siya. Namasukan sa iba-ibang trabaho. Gina gawa niya ang lahat para mahabol ang kanyang mga pangarap"

Nalungkot naman si Sam sa kanyang nalaman pero sa kabila nun ay humanga naman siya sa katatagan ng lalakeng tumulong sa kanya. Naiintindihan niya na ngayon kung bakit iwas si Jun sa usapang tungkol sa edukasyon. Natigilan naman kami nang biglang pumasok si Jun sa kusina.

"Andito pala kayo" ang bungad ni Jun sa kanilla sabay lapag ng isang brown paper bag sa mesa."Mukhang seryoso ang usapan,ha?"

"Humihingi lang ng payo itong si Sam" ang palusot naman ni Aling Ada sa kanya.

"Asus" si Jun. "Tungkol saan naman? Sa Lovelife? Ako dapat ang pinagtatanungan mo niyan!"

"Ikaw?" ang tanong ko pabalik. "Eh, ilang lingo nga ang nakakalipas eh. Sinugod ka ng shota mo; galit na galit"

"Sira! Hindi ko yun shota" ang bawi naman niya. "Kung ano man yan, ikain mo na lang ng pandesal. Hamak din lang na nagkakape kayo"

"Sungeet!" ang reaksyon naman ni Sam.

"Hindi ao masungit" ang sabi namn ni Jun. "maliligo na muna ako. Ang init"

Lumabas naman si Jun ng kusina.

"Sam, mabalik tayo" si Aling Aida. "May girlfriend ka na ba?"

"Wala pa po" ang tugon naman ni Sam sabay higop ng kape.

"Bakit naman wala?" ang sunod na tanong ni Aling Ada sa kanya.

"Wala pa po sa isipan ko yan" ang sagot namn ni Sam.

"Wala sa isipan mo kasi andito lang siya sa boarding house" ang tukso naman ni Aling Ada sa kanya sabay tawa.

"Hala, Aling Ada!" ang reaksyon naman ni Sam. "Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Maglolokohan pa ba tayo rito, Sam. Alam na alam ko ang ibig sabihin ng mga tingin mo sa kanya"

Hindi naman kumibo si Sam.

"Wag kang magmukmok diyan. Tanggap kita" si Aling Ada. Pinilit namang ngumiti ni Sam.

"Pero imposible naman po na magustuhan niya ako" ang sabi ni Sam...

"Hindi naman kita masisisi na magkagusto ka kay Jun" ang komento ni Aling Ada sabay higop ng kape at nagsimulang magpalaman ng pandesal. "Mabait kasi siyang tao kaya sobrang patay na patay sa kanya si Estella."

"Baka lumipat na po ako ng titirhan" ang paalam naman ni Sam. "Baka hindi ko pa po mapigilan ang sarili ko eh"

"Sigurado ka ba?" ang gulat na tanong ni Aling Ada. "Saan ka naman lilipat?"

"ANO?" ang gulat na singit ng isang boses. "Aalis ka na?"

Napatingin naman si Aling Ada at Sam... Si Jun. Napatango lang naman si Sam at hindi makatingin sa kanya. Lumapit naman si Jun sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay sabay hatak sa kanya palabas ng kusina.

"HUi, Jun! Ang sakit!!" ang reaksyon naman ni Sam sa paghatak sa kanya ni Jun. Pumasok sila sa kuwarto nila ni Jun.

"Anong naisipan mo at gusto mong biglang umalis?" ang tanong naman ni Jun kay Sam pero tahimik lang si Sam. "Sam, ano na? Sumagot ka naman, oh!"

"Ayaw mo na ba rito?" ang muling tanong ni Jun. "Ayaw mo na bang makasama ako?"

"Yun ang problema, Jun" ang nasabi naman ni Sam.


Wa Klas (Completed BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon