Pagkatapos ng pag-uusap nila ay bumalik si Sam sa ospital. Muli silang nag-usap ni Estella.
"Ano?" ang gulat na tanong ni Estella. "Bakit ka pumayag?"
"Tama naman kasi siya" si Sam.
"Kung totoong mahal mo ang isang tao; matututunan mong magparaya lalo na kung sa ikabubuti ng taong mahal mo. Uunahin mo siya kesa sa pansarili mong kaligayahan" ang mga katagang binitiwan ni Andrew na tumatak kay Sam. Kailangan niyang isipin ang kapakanan ni Jun. Masakit pero kailangan. Wala na talagang ibang pagpipilian.
"Paano mo to sasabihin sa kanya?" ang tanong naman ni Estella.
"Hindi niya na ako makikita pa, Estella" ang malungkot na sinabi ni Sam.
"Anong ibig mong sabihin?" si Estella. "Hindi mo man lang ba sasabihin sa kanya? Hindi ka man lang ba magpapaalam?"
"Hindi ko kaya. At hindi niya na kailangang malaman pa. Estella, ikaw ang magsabi sa kanya"
"na ano?"
"N-na... Na ... Na... Sumama na ako kay Andrew papuntang America" si Sam. "Pero wag mong babanggitin na ito ay dahil sa kanya"
"Bakit naman?"
"Kasi ayaw kong magpatuloy siya sa buhay na nagui-guilty na dahil sa kanya ay sumama ako sa iba."
Napabuntong hininga na lamang si Estella at pumayag.
"Estella, mangako ka sa akin" si Sam. "Alagaan mo ng mabuti si Jun"
Nagsimula naman silang lumuha.
"Sam, hindi ito tama" si EStella.
"Wala tayong pagpipilian" si Sam.
"Hindi ito patas para sa inyong dalawa"
"Ang mahalaga ngayon ay si Jun. Ito lang ang magagawa ko sa ngayon" ang paliwanag ni Sam. "Wala akong pagsisisihan, Estella"
"Ano ba, Sam? Parang aalis ka naman agad niyan eh" ang suway ni Estella.
"Aalis na ako kapag naayos na ang lahat ng kakailanganin para makaalis ako" ang tugon naman naman ni Sam.
"Agad-agad?" ang gulat na tanong ni Estella. Napatango naman si Sam. "Yun ang gusto ni Andrew"
"Hindi ko maintindihan" si Estella. Sumunod ang mga araw ay hindi iniwan ni Sam si Jun; buong magdamag lang siyang nakatitig dito. Sinusulit niya ang mga natitirang oras na magkasama sila. Isang araw nakatanggap siya ng mensahe na kailangan na nilang umalis kinabukasan. Kinuha ni Sam ang pagkakataon para mag-iwan ng mensahe kay Jun. Hinawakan niya ang kamay ni Jun. Nagsimula siyang lumuha.