"Did I mention you that the house is just near the sea?" ang excited na tanong ni Andrew kay Sam. "I hope we'll have a good time.."That's for sure" ang komento naman ni sam. "Now, if you would just keep that mouth for the rest of our trip... inaantok ako"
"Sure, babe" si Andrew sabay labas ng kanyang phone.
-------------------
"Almost here" si Harold bago pinasok ang kotse sa isang bakanteng lote na katapat ang isang maliit na bahay. Hindi naman nagtagal ay pinark niya ang kotse.
"We're here" ang anunsyo ni Harold bago pinatay ang makina ng sasakyan. Sabay naman silang bumaba. Sinalubong sila ng may-ari ng matutuluyan nila. Nag-usap si Harold at ang may-ari samantalang nagtungo naman si Jun sa likod ng sasakyan at binuhat ang mga gamit nila.
"Sana ma-enjoy niyo ang bakasyon niyo rito sa Baler" ang sabi ng may-ari bago tuluyang umalis. Binuksan naman ni Harold ang pinto ng tutuluyan nila.
"It's a good thing, may aircon" ang sabi ni Harold.
"Kung ako lang. Hindi ko na kailangan yan" ang komento naman ni Jun. "Sanay naman ako sa init eh"
"Hay naku. Ang drama mo" ang tugon naman ni Harold. Linapag naman ni Jun ang mga bag nila. Isang kuwarto lang naman ang tutuluyan nila. May banyo. Isang sink at sa labas ay pwedeng magluto. Lumabas si Jun at napatingin sa paligid. May mga bato muna bago ang dagat. Mga rock formation. Ramdam niya ang hangin at rinig naman niya ang dagat. Pumasok ulit siya ng bahay; nadatnan niyang tulog na si Harold sa kama. Tumabi naman siya sa kanya at hindi nagtagal ay nakatulog din naman.
"Nay!!" ang pagtawag ni Sam sa kanyang ina na kasalukuyang naglalaba sa tapat ng bahay nila.
"Diyos ko! Samuel!!" ang gulat na reaksyon ng kanyang ina sabay tayo; punas ng mga kamay at salubong sa kanyang anak. Napayakap ang mag-ina sa isa't-isa. Napaluha naman sila sa kanilang muling pagkikita. Nang mahimasmasan ay pinakilala agad ni Sam si Andrew.
"Nay, si Andrew. Asawa ko po" ang pagpapakilala ni Sam kay Andrew.
"A-asawa?" ang tanong ng kanyang ina. "Pwede ba yun?"
"Sa America po; walang problema" ang nakangiting tugon ni Andrew sabay mano sa kanyang mother-in-law.
"Ganun ba? O sha, pumasok na muna tayo."
Pumasok nga sila sa bahay nila Sam.
"Si tatay?" ang tanong ni Sam.
"Magdadalawang taon na Samuel nung namatay siya" ang balita naman ng nanay niya.
"Ho?!!!" ang gulat na tanong ni Sam. Umakbay naman si Andrew sa kanya.
"Nagka-komplikasyon sa baga ang tatay mo" ang paliwanag ng kanyang ina. Nalungkot naman si Sam; kahit na hindi sila malapit sa isa't-isa.
"Eh, sila jing at Ben?" ang tanong ni Sam.
"Nasa eskwela" ang tugon naman ng kanyang ina.
"Pasensya na Nay kung hindi ako nakapunta ng panahon na yun"
"Naiintindihan naman namin na sa malayo kang lugar at hindi biro ang pag-uwi. Bakit hindi niyo pa ayusin ang mga gamit niyo?"
"Sa totoo po niyan eh" ang pagsisimula ni Andrew.."May rinentahan po kaming matutuluyan"
"Eh ganun ba? O sige. Batid ko rin naman na kailangan niyo ng oras para sa inyo." ang komento ng nanay ni Sam. Nanatili sila doon hanggang tanghali at doon na rin na nananghalian.
"Babalik kami bukas nay" ang paalam ni Sam bago sumakay sa sasakyan na rinentahan ni Andrew para sa kanilang dalawa.
"So, we're off to the house by the sea" ang excited na sinabi ni Andrew.
"Gustong-gusto mo talaga sa dagat" ang komento ni Sam.
Nagising naman si Jun. Tulog pa rin si Harold. Bumaba siya ng kama at nagtungo sa banyo para maghilamos. Nagpalit na rin siya ng damit bago lumabas ng bahay ganit ang back door. Muli niyang natanaw ang dagat. Naupo siya sa isa sa mga upuan doon.
Nakarating naman sila Sam at Andrew.
"Malapit lang pala sa inyo" ang komento ni Andrew. "I thought it would take us at least an hour or two."
"Saan tayo?" ang tanong ni Sam habang nakatingin sa dalawang magkatabing bahay.
"Hmmm, I'm not sure" si Harold. Natigilan naman sila nang may lumapit sa kanila. "Ako po si Harold. Yung last minute na nagpareserve ng matutulugan namin."
"Tamang-tama po" ang sabi ng babae. "Kaaalis lang po nila"
"Saan po ba kami?" ang tanong ni Sam.
"Ah. Doon!" ang turo ng may-ari sa ikalawang palapag ng bahay sa kanan. Napatango naman si Sam. Binitbit naman ni Andrew ang mga gamit nila.
"Magkamag-anak kayo?" ang tanong ng babae sa kanila. Natawa naman si Andrew samantalang napangiti naman si Sam.
"Mag-asawa po" ang tugon ni Andrew.
"Mag-asawa? Baka naman maglive-in"
"Mag-asawa po." ang sabay na pagkumpirma nilang dalawa.
"Sa America po kami nagpakasal" ang dagdag pa ni Andrew sabay gamit ng hagdan pataas.
"Aah. Narinig ko nga yan. Maiba ako. Mag-iingat kayo rito sa pinto. Pabaliktad kasi nailagay ang doorknob. Kaya pagna-ilock dito sa labas. Hindi makakalabas ang naiwan sa loob. Mag-iiwan pa rin ako ng susi. Kung aalis naman kayo eh. May kandado rin para sa pintuan. At may lock din sa loob." ang paliwanag ng babae sabay bukas sa pinto. "O siya, maiwan ko na kayo"
"Salamat po!" ang pasasalamat nilang dalawa.
"Honeymoon na tayo agad" ang yaya ni Andrew.
"Pagod ako...pagod ka..." ang komento naman ni Sam. Natawa naman si Andrew sabay hubad sa shirt niya at pantalon.
"Would you mind turning on the ac?" ang tanong ni Andrew sabay higa sa kama. "I, myself is tired. Let's sleep"
"Mauna ka na. Maliligo na muna ako" si Sam.
"Sure" si Andrew. Binuksan naman ni Sama ang maleta sabay labas ng mga gamit. Nagtungo siya sa banyo at naligo. Pagkatapos nun ay napagpasyahan niyang lumabas muna. Tanaw niya sa maliit na balkonahe ang dagat. Malaking rock formation sa medyo malapit. At batuhan bago ang dagat. Ramdam niya ang hangin. Napapangiti siya. Napatingin siya sa baba at nagulat sa imnakitang napakapamilyar. Kaagad siyang bumaba at linapitan ito.
"Long time no see" ang nakangiting sabi ni Sam.
"Oo nga eh" ang pagsang-ayon ni Jun. "Ang tagal na nung huli"
"Nagiging madrama ka na naman"
"Totoo naman eh"
"Madrama na kung madrama. Minahal mo naman eh"
"Bakit? Hindi mo ba ako mahal?"
"Mahal na mahal" ang nakangiting tugon ni Jun sabay abot sa kanyang kamay. "Hinding-hindi ako magsisisisi na minahal kita"
"I love you, Jun"
"I love you too, Harold" ang tugon ni Jun habang kumakain sila ng pananghalian. Kani-kanina lang ay inaya ni Harold si Jun na mananghalian. Pinag-uusapan nila ang kulay ubeng kakanin na makikita lang sa Probinsya ng Aurora kung saan makikita ang Baler. Matagal na panahon na nung huling nakatikim si Jun ng ganung kakanin.
"Hey, babe.... baby...baby... wake up" ang paggising ni Andrew kay Sam. Nagising naman si Sam. "Bakit dito ka natulog?"
"Hindi ko namalayan" ang tugon naman ni Sam. "Na-excite kasi ako nung makita ko tong duyan. Ang tagal na nung huling pagkakataon na gumamit ako nito"
"I see" ang nakangiting tugon ni Andrew. "Tara na babe. Pumunta na muna tayo ng bayan para makamili ng pwede nating kainin mamayang gabi."
"O, sige" ang pagpayag
naman ni Sam bago bumaba ng duyan.