Hindi alam ni Sam ang kanyang aasahan. Sa panibagong kabanata ng kanyang buhay ay pinili niyang maakipagsapalaran sa isang bagong lugar na hindi siya pamilyar. Iniwan niya ang kanyang nakalakihang probinsya para habulin ang kanyang mga pangarap. Maingay, magulo at lahat ng tao ay parang nagmamadali... Ito ang eksenang nadatnan niya sa lungsod kung saan siya mag-aaral. Natanggap kasi siya sa isang unibersidad kung saan ay libre siyang pag-aaralin lulan nang nakapasa rin siya sa isang scholarship grant. Nakaramdam siya ng unting takot at pangamba.
"Manong, paano po ba ako makakapunta sa lugar na to?" ang tanong ni Sam sa driver ng van na sinakyan niya kanina.
"Kailangan mo munang pumunta ng terminal ng jeep" ang tugon ng driver habang tinitignan ang address na nakasulat sa papel na hawak-hawak ni Sam.
"Saan po banda yun?" ang muling tanong ni Sam.
"Malapit lang dito yun" ang muling tugon naman ng driver. "Katapat lang ito ng Fruit section ng palengke. Magtanong-tanong ka sa mga tindera nang hindi ka mawala"
"Sige po. Maraming salamat" ang pasasalamat niya sa mabait na driver. Nagsimula siyang maglakad papasok ng public market. Ala-sais pa lang ng umaga pero magulo na ang eksena sa palengke.
"Kuya, isda!!" ang sabi ng tindera sa kanya pero ngumiti lang siya at pinagpatuloy ang palakad.
"Kuya, anong hanap nila?" ang tanong pa ng isa.
"Ah, eh..." si Sam. "Hinahananp ko ang fruit section."
"Deretso lang"
"Salamat"
Nasa bukana na siya ng fruit section nang maramdaman niyang may mabigat sa bulsa ng bag niya. Kaagad niya itong sinilip at natagpuan ang isang kamay na nakasuksuk doon. Napatingin siya sa may-ari ng kamay na yun. Isang nakakatakot na mama.
"Akin na ang bag mo" ang sabi ng mama.
"Hala, Kuya, wag po" ang paki-usap niya. Lulan kasi ng kanyang bag ang allowance niya ng isang buwan.
"Akin na! Kung hindi sasamain ka sa akin!" ang pagpupumilit ng mama. Ibibigay na sana ni Sam ang kanyang bag nang may ibang taong nagsalita.
"Eh, gago ka pala eh" ang sabi ng isang tinig. Napatingin si Sam at ang mandurukot. Kaagad namang nakatikim ng suntok ang mama nang lumingon siya. Napaupo ang tao sa lakas ng suntok na natanggap niya.
"Mandurukot!!!!" ang sigaw ng mama kaya naman napatingin ang iba. Sumugod ang ibang kalalakihan sa paligid at pinagtulungan ang mama. Nahinto lang ang lahat nanag dumating ang tanod ng palengke kasama ang mga pulis. Kaagad nilang dinakip ang masamang tao na duguan dala ng pambubugbog ng mga tao sa kanya.
"Ayos ka lang?" ang tanong ng lalakeng sumagip sa kanya.
"Oo, maraming salamat" ang sabi ni Sam na titig na titig sa kanya. Matangkad, maayos ang pangangatawan, at moreno. Nakasuot ng puting Tshirt at tattered jeans. Gwapo si Kuya.
"Sa susunod mag-ingat ka" ang bilin niya kay Sam. Tumango naman si Sam. "Bagong salta ka siguro rito."
"Oo eh. Kararating ko lang" ang tugon naman ni Sam.
"Hinahanap ko kasi yung paradahan ng jeep papunta sa address na to" ang paliwanag pa ni Sam sabay pakita ng papel na hawak niya. Binasa naman ni Kuya ang nakasulat doon.
"Uyy, katapat lang ng borading house namin ang address na to" anag tugon ni Kuya. "Kung gusto mo ihatid na kita'
"Di bale na lang, nakakahiya" ang tugon ni Sam. "Panigurado namang makakarating ako rito"
"Hindi. Pauwi na rin naman na ako kaya sabay na tayo." ang muli niyang paanyaya. Napa-isip si Sam. Sinagip siya ng taong nasa harap niya kaya naman walang rason para hindi siya magtiwala.
"O,sige na nga" ang pagpayag na ni Sam. Napangiti naman ang lalake.
"Nga pala ako si Jun" ang pagpapakilala ni matangkad na Kuya kay Sam.
"Ako po si Sam" ang pormal at magalang namang pagpapakilala ni Sam sa kanyang sarili. Nakipagkamayan naman si Jun sa kanya. Hindi nagtagal ay sabay silang naglakad. Sumusunod lang si Sam kay Jun.
"Pasensya ka na" si Jun. "Kagagaling ko lang ng fish port, nagbuhat ng mga isda. Kargador ako rito sa palengke. Hindi pa ako nakakaligo kaya naman medyo malansa ang amoy ko"
"Wala namang problema sa akin" ang tugon naman ni Sam. Kapwa sila sumakay ng jeep nang makarating sa terminal.
"Ano nga palang pakay mo sa address na pupuntahan mo?" ang tanong ni Jun kay Sam.
"Doon kasi nakatira ang tiyahin ko. Makikituloy ako habang nag-aaral ako" ang tugon naman ni Sam. Napatango naman si Jun.
"Ano kayang pakiramdam ng..." si Jun. "...ah, wala. Di bale na lang"
Ngumiti lang namna si Sam at siya naman ang tumango.
"Malayo ba yun?" ang tanong ni Sam kay Jun na nakamasid na sa labas ng jeep.
"Malapit lang. Siguro, aabutin lang ng sampung minuto ang byahe sa jeep." ang tugon naman ni Jun. Napatingin naman si Sam sa labas. Pinagmasdan niya ng mga gusali at establisyementong nadadaanan nila.
"Manong, para" si Jun" pagdating sa isang kanto. "Tara na"
"Bumaba naman silang dalawa mula sa jeep. May mga bahay na nga siyang natatanaw. Hindi katulad sa kanyang probinsya na malalaki ang espasyo sa pagitan ng mga bahay-bahay ay ibang-iba ang nakikita niya ngayon. Halos magkakadikit lang. Ang mga tao naman sa paligid ay parang may kanya-kanyang mundo. Medyo nakakatakot... Pero kailangan nang masanay ni Sam sa ganitong eksena sapagkat apat na taon rin siyang maninirahan sa mismong lugar na ito.
"Dito na yan" ang sabi ni Jun nang huminto siya. Napatingin si Sam sa bahay na may green na gate.
"Maraming salamat" ang tugon naman ni Sam. Dito nakatura ang kanyang tiya; ang nakakabatang kapatid ng kanyang ina. Kumatok naman si Jun sa gate.
"Tao po! Tao po!" ang pagtawag ni Jun. Nagbukas naman ang pinto ng bahay at lumabas ang isang babae.
"Oh, Jun!" ang sabi ng babae nanag makita si Jun. "May kailangan ka ba?"
"Wala naman po" ang tugon naman ni Jun. "Hinahanap ka po nitong kasama ko"
"Sino ka?" ang tanong naman ng babae kay Sam.
"Ako po si Samuel, yung anak ni Maria" ang pagpapakilala naman ni Sam sa kanyang sarili.
"Aaah, siya nga ba? Ako si Ada" ang reaksyon ng babae ngunit sumeryoso ang kanyang mukha. "Pumasok muna kayo. May pag-uusapan tayo"