Ikalabing-isang Kabanata

2.8K 105 3
                                    

"Monthsary namin ngayon" ang kwento ni Sam kay Ricky.

"Ayy, congrats!!" ang tugon naman ni Ricky. "Eh anong balak niyo?"

"Balak? Anong ibig mong sabihin?" ang tanong naman ni Sam.

"Ang ibig kong sabihin eh.. Kung kakain kayo sa labas o mamasyal. Yung ganung bagay" ang paliwanag naman ni Ricky.

"Naku, hindi na siguro. Wala kaming pera. Ang importante naman yung magkasama kami sa araw na to" ang tugon naman ni Sam.

"Kayo ang bahala" ang natatawang komento naman ni Ricky. "Sam, si Jun ba ang una mo?"

"Oo" ang tugon naman ni Sam.

"I can tell" ang komento naman ni Ricky. "Deretso uwi ka na ba mamaya?"

"Hindi. Dadaan muna ako ng tiangge" si Sam.

"Anong gagawin mo dun?" ang tanong naman ni Ricky.

"Balak ko kasing bumili ng pantalon" ang muling tugon ni Sam.

"Sasamahan kita" ang pagbubuluntaryo naman ni Ricky."Magaling ako sa mga ganyan"

"O, sige" ang pagpayag naman ni Sam.

"Masaya to" si Ricky.

Pagkatapos ng klase...

"Tara na?" ang paanyaya ni Ricky kay Sam. Tumango naman si Sam at inayos ang kanyang mga gamit.

Dumeretso nga sila sa tianggehan.

"Anong klaseng pantalon ba ang hinahanap mo?" ang tanong ni Ricky.

"Aaah... Eeeh" si Sam.

"Ayy, ayun oh!" si Ricky sabay lapit sa mga pantalon sabay kuha ng isa. Isang itim na skinny jeans. "bagay sa kanya ito"

"Hindi siya makakagalaw ng maayos" ang komento naman ni Sam. "Alam mo naman na nagtratrabaho siya.

"Oo nga pala" ang tugon naman ni Ricky sabay balik nung pantalon. "Eh, ito?"

Tinignan naman ni Sam ang kinuha ni Ricky. Isang puting pantalon.

"Seryoso ka? Kakapitan ng dumi" ang muling komento ni Sam. Binalik ulit ni Ricky ang pangalawang pantalon na kinuha niya.

"Hmmmm" si Ricky sabay tingin sa iba pang pantalon. May komento si Sam sa bawat pantalong kinukuha ni Ricky.

"Grabe ah" si Ricky. "oh, eto. Hindi kakapitan ng dumi, at maporma pa. Wala ka naman na sigurong masasabi pa sa isang to. Mukhang matibay pa"

"o, sige. Yan na" ang pasya ni Sam sabay ngiti habang tinititigan yun.

"Manang, ito ho!" ang sabi naman ni Sam sa nagbebenta sabay sabi ng size ni Jun.

"Hindi mo na ba susukatin?" ang taniong ng nagbebenta.

"Hindi na, ho" ang tugon naman ni Sam.

"Baka gumusto mo ring bumili ng T-shirt? Wampipty na lang" ang pagsasales talk ng ale. "300 dati ang presyo"

Sige, ho." ang pagpayag ni Sam. Namili siya ng T-shirt at binayaran na ang mga damit.

"Nakakapagod palang mamili ng gamit para sa ibang tao" ang sabi ni Sam.

"Hindi ba nakakapagod din ang pagbili ng gamit na para sayo?" ang tanong ni Ricky kay Sam.

"Sa akin hindi." ang tugon naman ni Sam. "Kung ano kasing unang magandang makita ko; yun na"

"Ha? Bakit naman?" ang nagtatakang tanong ni Ricky.

"Kasi pag may nakita lang akong iba; mas mahihirapan akong mamili" ang tugon naman ni Sam.

"Hindi ka ba nagsisi na kapag binili mo agad yun; tapos may nakita kang mas maganda?" ang tanong naman ni Ricky.

"Hindi naman maiiwasan yun pero natuto ako na maging kontento na sa kung anong meron at wag nang maghangad pa ng iba" ang paliwanag naman ni Sam.

"Good for you" ang sabi naman ni Ricky. "Tara muna magpahinga sandali."

"Tara na muna magpahinga" ang paanyaya ni Ricky kay Sam.

"O, sige. " ang pagpayag naman ni Sam. Napadaan sila sa isang food stall. Bumili sila ng makakain at maiinom.

"Ang bait mo sa boyfriend mo" ang sabi ni Ricky kay Sam. "Maswerte siya sa'yo"

"Hindi. Pareho kaming maswerte sa isa't-isa. " ang pagtatama naman ni Sam.

"O,sha. Tara na. " si Ricky. "Nang Makita mo na ang jowa mo"

Napatango naman si Sam at ngumiti. Kaagad na dumiretso si Sam sa paradahan ng jeep at sumakay. Excited na siyang maka-uwi. Pagdating niya ng boarding house ay dumeretso siya sa kuwarto nila ni Jun. Naroon na si Jun.

"Andito ka na pala" ang sabi ni Sam.

"Oo, napaaga kasi ang tapos ng sideline ko" ang paliwanag naman niya. "Ikaw? Nahuli ka ng dating?"

"Ah, may tinapos lang kaming gawain" ang pagsisinungaling ni Sam.

"Happy-happy monthsary mahal!" ang bati ni Jun kay Sam.

"Happy Monthsary din mahal ko!" ang nakangiti kong bati pabalik.

"Halika!" ang yaya niya sa akin sabay hawak sa kamay ko. Hinila niya ako palabas ng maliit na kuwartong inuupahan namin.

"Saan tayo pupunta?" ang nagtataka niyang tanong.

"Basta!" ang tugon naman ni Jun.

"Aling Rosa!! Aling Rosa!!!" ang pagtawag niya sa mabait nilang kapitbahay. Kaagad namang lumabas ang matanda mula sa bahay niya at pinagbuksan sila ng gate.

"Magandang gabi po" ang bati ni Jun kay Aling Rosa.

"Magandang gabi din sa inyo" ang bati niya pabalik ngunit may kakaiba sa kanyang mga ngiti. "Maiwan ko na muna kayo diyan. Jun. Ikaw na bahala"

"Opo" ang tugon naman ni Jun.

"Ano bang ginagawa natin dito?" ang kaagad kong tanong.

"Ang dami mo namang tanong eh" ang sabi ni Jun. "Sumunod ka na lang"

Kaagad namang sumunod si Sam sa kanya kahit na naguguluhan. Pumasok sila sa bahay ni Aling Rosa at pumanhik sa pangalawang palapag ng bahay.

"Dito" si Jun sabay pwesto sa tapat ng bintana. Pinanood ni Sam si Jun nang umakyat siya palabas/.

"Hui!! Anong ginagawa mo?" ang tanong ni Sam.

"Sumunod ka na lang mahal ko" ang bilin naman ni Jun sabay ngiti. Tumungtong naman si Sam sa upuan para makalapabas ng bintana. Bago pa lang ako makalabas ay natigilan ako.

"A-anong drama ito?" ang namamanghang tanong ni Sam nang matunghayan ang ang nasa labas. May nakalatag sa bubungan ng kabilang bahay, may dalawang unan at mga kandila.

"Ang corny ba?" ang tanong niya sabay kamot ng ulo.

"Baka magalit si Aling Sonia" ang komento naman ni Sam. Siya kasi may-ari ng bahay na tinutungtungan namin.

"Wag kang mag-alala, nagpagpaalam ko na" ang paliwanag niya sabay ngiti ngunit kaagad namang nawala yun. "Sam, pasensya ka na,ha?"

"Para saan?" ang tanong naman ni Sam.

"Kasi ganito lang ako. Ito lang ang kaya kong gawin para sa'yo" ang paghingi niya ng paumanhin. "Hindi kita kayang ipunta sa mga mas magagandang lugar."

"Hindi ko naman hinihiling ang mga yun eh" ang depensa naman ni Sam. "Sapat na sa akin na andyan ko"

"Kasi alam ko naman na may mas magagawa pa ako pero hindi ko pa kaya" ang dagdag niya pa. "Wala akong pinag-aralan kaya mapurol ang utak ko. Pasensya na kung ganitong lang ang taong mahal mo pero nagsisikap ako para sa ating dalawa."

"Jun naman" ang naiiyak na pagtawag ni Sam sa kanya. Nasasaktan si Sam sa mga sinasabi ngayon ni Jun. "Mahal kita kung ano ka... Kung sino ka pa"

Wa Klas (Completed BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon