"Bakit? Ano bang problema sa akin?"
"Kasi may gusto na ako sayo" ang pag-amin naman ni Sam. "Ayoko nang magtagal pa rito dahil gusto ko... Gusto kong matigil na kung anong nararamdaman ko sayo. Kasi imposible..."
"Na ano?" ang muling pagtatanong ni Jun. Hindi na naman napigilan ni Sam ang pagluha.
"Na magkagusto ko rin sa akin"
"Pero gusto kita" ang tugon naman ni Jun.
"Hindi mo naiintindihan, Jun" si Sam.
"Diyan ka nagkakamali" si Jun. "Naiintindihan ko ng buo yang nararamdaman mo. Sam, gusto kong palagi kang kasama. Kung pwede lang sana na araw-araw kitang nakikita. Sam... Mahal kita"
Napatingin naman si Sam kay June, nasa kanyang mata ang pagkagulat. Lumapit naman sa kanya si Jun.
"Sam, ayokong umalis ka" ang sabi ni Jun nang tumabi siya sa kanya. "Malulungkot ako ulit. Alam mo ba yung pakiramdam nun? Buong buhay ko; mag-isa ko lang. Sana mapagbigyan mo ako sa isang kahilingan ko... Pwede bang wag mo rin akong iwan? Pwede bang nasa tabi na kita buong buhay ko? Pwede bang maging boyfriend mo?"
Napayakap naman bigla si Sam sa kanya bigla.
"Ano na?" ang tanong ni Jun.
"Oo" ang bulong ni Sam. Yumakap naman si Jun sa kanya pabalik.
"Mahal kita, Sam" ang sabi ni Jun sa kanya.
"Mahal din kita, Jun" ang tugon naman ni Sam.
"Aalis ka pa ba?" ang tanong ni Jun sa kanya.
"Hindi na" ang tugon naman ni Sam.
"Mabuti naman" si Jun.
"Sabay tayong magsisikap at aabot ng mga pangarap natin" ang sabi ni Jun.
"Oo naman." ang pagsang-ayon naman ni Jun. "Bibigyan kita ng magandang buhay. Unting tiis lang sa ngayon"
Tumango naman si Sam bilang pagsang-ayon. At simula nang araw na yun ay mas naging malapit ang dalawa sa isa't-isa. Sumpit ang mga araw at linggo ay unti-unti nilang natututunan ang mga bagay tungkol sa isa't-isa.
Isang araw, sa klase...
"Hoy, Sam" si Ricky.
"Maka-hoy ka naman" ang reaksyon naman ni Sam. "Ano bang problema mo?"
"Acquiantance Party next week" ang balita ni Ricky. "Nakapagregister ka na ba?"
"Hindi pa at wala akong balak" ang tugon naman ni Sam.
"Bakit naman?" ang tanong ni Ricky.
"Wala akong perang panggastos at ayaw kong mapagastos" ang dahilan ni Sam.
"Kahit kelan napaka-kuripot mo talaga" ang komento naman ni Ricky. "Ako na ang magbabayad sayo"
"Wag na. Ano ka, sugar Mommy?" ang pamimilosopo ni SAm.
"Nagka-jowa ka lang diyan eh" ang tukso naman ni Ricky. "Kelan po ipapakilala sa akin yang boyfriend mo?"
"Pag may pagkakataon" ang tugon naman ni Sam. "Paligi kasi siyang suma-sideline"
"aaah, naku. Baka naman iba ang sina-sideline" ang komento naman ni Ricky sabay tawa.
"Ewan ko sayo" ang reaksyon naman ni Sam. "Alam kong makakapagtiwalaan ko siya"
"Pag nakita ko siya at gwapo... Aagawin ko siya sayo" ang sabi naman ni Ricky.
Natigilan ang dalawa nang may makita sa upuan ni Sam. Isang itim na kahon ang nakapatong.
"Hala, may nakaiwan ng gamit sa upuan ko" ang sabi ni Sam.
"Baka, bomba yan!" ang komento naman ni Ricky.
"Grabe ka talaga. Bomba agad?"
"Eh, kasi ganyan naman eh. Ano? Tatawag na ba ako ng guard?" ang tanong naman ni Ricky.
"Sandali lang. May card, o!" ang sabi ni Sam nung makita na may card na katabi ang kahon. Kinuha naman yun ni Sam; sumilip din naman si Ricky sa card.
"Huy! Para sayo naman pala eh" ang reaksyon ni Ricky nang mabasa ang panagalan ni Sam sa card.
"Sam, enjoy the party. Please do come. All expenses are paid. From a friend"
"Haba ng buhok mo, ah" ang tukso naman ni Ricky kay Sam. 'May secret admirer"
"Sira!" si Sam. "Alam mo namang hindi pwede"
"Shunga! Sinabi ko bang shotain mo kung sino mang taong yan." ang komento ni Ricky.
"Malay ko ba kais kung anong ibig mong sabihin" ang rason namn ni Sam. Binuksan ni ang kahon. May lamang polo shirt. Nagkatinginan sila ni Ricky.
"OM" si Ricky sabay hablot sa damit.
"Bakit??" ang natatarantang tanong ni SAm.
"Branded to" ang sabi ni Ricky.
"Branded?"
"Libo ang presyo ng ganito" ang paliwanag ni Ricky.
"Naku! Peke to" ang sabi namn ni Sam. "Sino namang matinong tao ang gagastos ng libo para lang ibigay sa iba"
"Kung hundi tanga, eh, ubod ng yaman" ang komento naman ni Ricky. Natigilan naman sila nang biglang may pumasok... Si Andrew. Nakamasid siya sa dalawa bago tuliyang naupo sa harapan.
"Pansin mo ba ang tingon ni Andrew" ang bulong ni Sam kay Ricky.
"oo. Ang werd nga eh" ang pagsang-ayon ni Ricky. "Yung tipong papatay"
"Palaging ganun na lang" ang dagdag ni Sam.
Pagkatapos ng klase... Pauwi na si Sam at Ricky. Natigilan naman si Sam nang matapat sila sa gate ng unibersidas.
"Huy, anong problema mo?" ang tanong ni Ricky nang biglang huminto si Sam.
"Wala" ang nangiting tugon ni Sam at pinagpatuloy ang paglalakad.
"Ang pogi naman nitong si Kuya" ang bulong ni Ricky ng mapansin ang mukha ng lalakeng makakasalubong nila.
"Mabuti na lang, naabutan pa kita" ang biglang pagsasalita ng lalake na ngayon ay nasa harapan na nila. Mas lalong nagwapuhan si Ricky nang ngumingiti na ang lalake pero.... Kaagad niyang naramdaman na out of place siya. Magkatinginan kasi ang lalake at si Sam.
"Kanina ka pa rito?" ang tanong naman ni Sam.
"Hindi naman" ang tugon ng lalake. Napatikhim naman si Ricky pero hindi yata siya napansin dahil parang may sariling mundo na ang dalawa. "Gusto kitang sunduin eh. Sabay na tayong umuwi"
"Sige" ang pagpayag ni Sam. "Nga pala, si Ricky. Kaklase ko"
Tumingin naman si Ricky at Jun sa isa't-isa.
"Ricky... Si Jun. Yung kinekwento kong boyfriend ko" ang pagpapakilala naman ni Sam kay Jun. Nakipagkamay naman si Jun at bumati.
"Paano ba yan, Ricky?" si Sam. "Mauna na kami"
"Sige" ang nakangiting tugon ni Ricky. "Magkita na lang ulit tayo bukas"