Sa hindi alam na kadahilanan ay umiyak ang babae at napaupo sa sahig.
"Jun, bakit mo ako iniwan?" ang sabi ng babae. Napakunot naman ng noo si Sam. "Bakit ka umalis nang walang paalam?"
"Isa-isang nagbukas ang mga pinto sabay silip ng iba pang nangungupahan sa kung anong nagaganap. Siya namang dating ng landlady.
"Susme, Estella" ang bungad ng landlady. "Nag-eeskandalo ka na naman dito."
"Aling Aida" ang reaksyon naman ng babaeng nagngangalang Aida sa pagdating ng mabait na landlady. "Bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin na umalis na si Jun?"
"At bakit ko naman gagawin yun?" ang tanong naman ni Aling Aida. "Sino ka ba sa buhay ni Jun?"
"Ako ang girlfriend niya!" ang tugon naman ni Estella.
"Nangangarap ka na naman Estella" si Aling Aida.
"Alam kong torpe lang si Jun" ang depensa naman ni Estella.
"Anong nangyayari rito?" ang singit ng isang boses. Natigilan sila at napatingin. Si Jun.
"Jun!!" ang pagtawag ni Estella sa kanya sabay tayo at yakap sa kanaya. "Akala ko umalis ka na at iniwan mo na ako."
"Ano bang ginagawa mo rito, Estella?" ang tanong ni Jun sa kanya sabay hawi ng mga kamay ni Estella. Akma namang papunta si Jun sa kuwarto niya.
"Jun, sandali lang" si Estella.
"Tantanan mo na ako, Estella" ang sabi ni Jun. "Walang tayo at kahit kailan ay hinding-hindi magiging tayo."
"Estella, umalis ka na kug ayaw mong tawagin ko pa ang barangay para lang ipakaladkad kita palabas ng boarding house" ang singit naman ni Aling Aida. Kusa namang umalis si Estella. Nagkatinginan si Jun at Sam. Napabuntong-hininga naman si Jun at tuluyan nang pumasok ng kuwarto. Nagsalin siya ng tubig mula sa plastic na pitsel sa baso at kaagad uminom. Sinara naman ni Sam ang pinto at pinakaradaman lang si Jun.
"Sam, pasensya ka na" si Jun. "Ayaw lang talaga akong tantanan ng babaeng yun."
"Okay lang" ang sabi naman ni Sam. Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw ni Jun kay Estella. Para sa normal na lalake ay isang tulad ni Estella ang gusto nila.
"Gutom ka na ba?" si Jun. "May dala akong pancit. Bigay nung amo ko. Kain tayo"
Kumuha si JUn ng dalawang plato at dalawang tinidor at hinati ang nakasupot na pancit.
"Heto. Wag ka nang mahiya" ang sabi ni Jun sabay bigay ng plato kay Sam. Sa puntong ito, mas naging misteryoso si Jun sa mga mata ni Sam. Gusto niyang magtanong ng kung anu-ano pero mas pinili niyang itago ang mga tanong sa isipan niya. Tahimik na lang silang kumain.
Lumipas ang mga araw ay nakasanayan na ni Sam ang pagtira kasama si Jun sa kuwartong yun. Sa una ay nagkakahiyaan ang dalawa pero dahil sa angking bait ni Jun ay kaagad namang naging komportable si Sam. Alagang-alaga ni Jun si Sam. Pinagtataka naman ito ng mga tao sa paligid nila. Tunay ngang mabait si Jun ngunit labis na lang pagsisilbi niya kay Sam. Kaya naman unti-unti ay nahuhulog na si Sam sa kanya.
Dumating ang araw ng unang pasok ni Sam sa Unibersidad na papasukan niya. Hindi na siya nawala sa daan sapagkat pumupunta siya at si Jun dito. Ang tanging rason ni Jun ay para masanay si Sam sa daan. Naging epektibo nga dahil naging madali na lang kay Sam ang pagsakay. Dumeretso siya sa classroom kung saan siya unang magklaklase. Naupo siya sa pinakadulo. Nasasabik na siyang matuto.
"Hi, I'm Ricky" ang pagpapakilala ng isa sa mga kaklase niyang babae sabay upo sa tabi niya.
"Sam" ang sabi naman ni Sam.
"Alam ko, panlalake ang pangalan ko" si Ricky sabay tawa. Napangiti naman si Sam. Napatingin si Sam sa labas ng bintana. Nang tumingin siya kay Ricky ay nahuli niya siyang nakatitig sa kanya.
"May problema ba?" ang tanong naman ni Sam sa kanya.
"Pwedeng magtanong?" ang tanong naman niya kay Sam.
"Ano yun?" ang tanong naman ni Sam.
"Bading ka ba?" ang deretchahang tanong ni Ricky kay Sam.
"Bakit mo naman yan naitanong?" ang tanong ni Sam kay Ricky.
"Ano ka ba? Okay lang sa akin" ang sabi ni Ricky. "Ang dami ko kayang kaibigan na katulad mo"
Hindi alam ni Sam ang kanyang sasabihin.
"So, ano? Friends?" ang tanong ni Ricky. Napangiti naman si Sam at tumango.
"Love na kita agad" ang sabi naman ni Ricky na ikinatawa ni Sam.
"Matagal ka na ba dito?" ang tanong ni Sam. "Ang ibig kong sabihin sa lugar nato?"
"Oo, dito ako pinanganak at nagsimulang nag-aral" ang tugon naman ni Ricky. "Eh, ikaw ba?"
"Galing kasi ako sa probinsya namin" ang tugon naman ni Sam."Isang linggo pa nga lang ako rito"
"Maganda yan!" ang reaksyon naman ni Ricky. "Mamasyal tayong dalawa pag may free time"
"Sige ba" ang amasaya namang pagpayag ni Sam. Natigilan naman ang dalawa nang may pumasok. Napatingin naman sila. Isang lalakeng maputi, matangos ang ilong at maayos ang pangangatawan. Mukhang mayaman at may halong ibang lahi. Maangas ang dating niya. Nagkatinginan naman sila ni Sam. Naputol lang ang kanilang tingin nang naupo na ang lalake sa harap.
"This is unexpected" si Ricky.
"Bakit? Sino ba siya?" ang pabulong na tanong ni Sam kay Ricky.
"Andrew Granger ang pangalan niya" ang tugon naman ni Ricky. "Wag na wag kang lalapit sa kanya.. At wag na wag mong tatangkaing makipag-usap sa taong yan"
"Hala, bakit naman?" ang tanong naman ni Sam.
"Gawin mo lang yun kung gusto mo nang mag-suicide" ang tugon naman ni Ricky. "Masama ang ugali niya. Spoiled kasi, palibhasa ubod ng yaman"
"Eh, bakit dito siya nag-aaral?" ang tanong naman ni Sam.
"Yan ang hindi ko rin alam" ang tugon naman ni Ricky. Napatingin si Sam kay Andrew. Nahuli niya itong nakatingin sa kanya. Umiwas naman ng tingin si Sam. Kakaiba kasi ang mga mata ni Andrew. Mukhang hindi naman papatay pero andun ang lamig sa kanyang mga tingin. Dahil na rin siguro sa mga sinabi ni Ricky kaya natakot na siya.
Pagdating ng lunch break ay nagpunta si Ricky at Sam sa cafeteria. Nalula si Sam sa mga presyo ng pagkain.