Ikalabing siyam na Kabanata

2.7K 81 1
                                    


"Where do you want to go next?" ang tanong ni Andrew kay Sam.

  "I want to go back to the Philippines" ang tugon naman ni Sam. Natigilan naman si Andrew. Napabuhol naman ng mga kamay si Sam habang nakatitig sa kanya. "What are you still afraid of? It's been like four years already"


  Napangiti naman si Andrew at tumango. "Perhaps, it's time. Oras na para mapakilala mo na rin sa pamilya mo ang asawa mo"


  "Talaga??????" ang tanong naman ni Sam. Halata sa kanya ang pagkasabik. Apat na taon niya ring hindi nasilayan ang kanyang mga magulang. At sa wakas na nga ay makakauwi na siya. Sa apat na taon na yun ay dalawang taong sinuyo ni Andrew si Sam. Panahon na ang gumawa ng paraan para maghilom ang mga sugat ni Sam. Pilit niyang tinakasan ang nakaraan. Hindi niya na nga namalayan; isang araw... Ay naging handa na siya para bigyan ng pagkakataon si Andrew. Nagsimula sila bilang magkaibigan hanggang sa tuluyan nang nahulog si Sam kay Andrew at pagkalipas ng ilan pang buwan ay napagpasyahan nilang magpakasal.


  "Hmmm.. I'm considering.." ang panunukso naman ni Andrew sa kanya. "A hug might change my mind"


  Kaagad namang lumapit si Sam at yumakap kay Andrew.


  "Okay na yun?" ang tanong ni Sam. Ninakawan naman siya ng halik ni Andrew.


  "Kelan mo gusto pumunta?" ang tanong naman ni Andrew.


  "ASAP" ang maligayang tugon ni Sam.


  "So be it" ang pagpayag naman ni Andrew.


  Samantala, sa Pilipinas....


  "Anak, congratulations" ang bati ni Miranda sa kanyang magtatapos nang anak.


  "Salamat ma" ang tugon naman ni Jun. Ngayon ang araw ng pagtatapos niya sa kolehiyo.


  "Hey, Jun!" ang pagtawag ng isang boses sa kanya nang makapasok sila sa gymnasium.


  "Harold!" ang pagbanggit naman ni Jun sa pangalan niya.


  "You're late" ang komento nitong si Harold.


  "I'm not" ang tugon naman ni Jun. "Hindi pa nagsisismula ang graduation ceremony"


  "Can we go for a walk first?" ang tanong naman ni Harold. Tumango naman si Jun bago magpaalam sa kanyang ina. Nagtungo sila sa malawak na damuhan at naupo sa silong ng isang puno.


  "Remember the first time we met?" ang tanong ni Harold sa kanya.


  "Oo. Four years ago" ang tugon naman ni Jun.


  "Yeah, right. Hindi ka pa nga nakakapagsalita ng English noon eh" ang tukso ni Harold.

Wa Klas (Completed BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon