Ikapitong Kabanata

3K 103 2
                                    


"Salamat talaga Sam. Hindi ako nagkamali ng pagkakakilala sayo" si Jun. "Ikaw ang inspirasyon ko ngayon, Sam"

Napapangiti naman si Sam. Kinikilig siya sa mga sinabi ni Jun.

"Ikaw din naman ng naging ispirasyon ko" ang bawi naman ni Sam. Sa mga sandaling yun ay tila ba wala na silang hihilingin pa.

"Sam, kukuha lang ako ng tubig" ang paalam ni Jun sabay tayo. Sa hidni inaasahang pagkakataon ay nasabigt ang gilid ng kanyang pantalon sa nakausling pako sa kahoy na mesa.

"Hala" ang reaksyon niya.

"Ayos ka lang ba?" ang tanong namn ni Sam.

"Oo naman" si Jun. "Mang Isko, may naka-usling pako sa mesa namin!"

"Ganun ba? Pasensya na. Kukuha lang ako ng martilyo nang hindi na makadisgrasya pa ng iba." ang reaksyon naman ni Mang Isko; ang may-ari ng karinderya.

"Ayos ka lang ba talaga?" ang tanong ni Sam kay Jun.

"Oo naman" ang tugon ni Jun.

"May butas na yang pantalon mo" ang komento ni Sam.

"Walang kaso yan. Matatahi pa naman eh" ang tugon naman ni Jun.

"Uwi na tayo?" ang yaya ni Sam nang matapos silang kumain.

"Agad-agad?" ang reaksyon naman ni Jun.

"ha? Anong ibig mong sabihin?" si Sam.

"Hindi pa ako kontento eh" si Jun. "Napaiyak kita ngayong araw kaya gusto kong bumawi"

"Hindi na kailangan. Ayos naman na ako" ang sabi naman ni Sam.

"Maglakad-lakad muna tayo" ang yaya ni Jun.

"O, sige" ang pagpayag naman ni Sam. Tahimik naman silang naglakad. Umakbay naman si Jun kay Sam.

"Saan tayo papunta?" si Sam.

"Kahit saan" si Jun. "Gusto kong palagi kitang kasama eh."

Hindi nila namalayan na nakarating sila sa isang malapit na parke. Naupo sila sa upuan. Tahimik lang silang nakaupo roon. Hindi nag-uusap pero kontento na sila sa ganun. Hindi nagtagal ay nakatulog si Sam sa braso balikat ni Jun. Hinayaan lang naman ni Jun si Sam sa ganung posisyon. Hindi siya makapaniwala kung anong meron siya ngayon. Pakiramdam niya ay ang swerte niya. Una ito sa kanyang buhay kung kelan ramdam niya na hindi siya nag-iisa. Wala na siyang mahihiling pa.

"Uwi na tayo?" ang yaya ni Jun nang magising si Sam.

"Sige, medyo maginaw na rin eh" ang pagsang-ayon naman ni Sam. Nagsimula naman silang maglakad pabalik.

Kinabukasan, hindi na naabutan ni Sam si Jun pagkagising niya. Maaga kasing pumupunta sa bagsakan sa palengke para magbuhat ng isda o gulay. Kaagad namang bumangon si Sam at nagtungo sa kusina. Nakapagtimpla na siya ng kape nang dumating si Aling Aida; ang landlady. Kaagad naman silang nagbatian.

"Aling Aida" si Sam.

"Ano yun?" ang tanong naman ni Aling Aida.

"May alam po ba kayong mapagkakakitaan?" ang tanong ni Sam kay Aling Aida.

"O, bakit bigla mo namang naitanong yan?"

"Eh, kasi gusto ko sananag magtabi ng pera para sa pansariling pangangailangan" ang tugon naman ni Sam.

"Kulang ba ang pinapadala ng mga magulang mo?"

"Ah, hindi naman sa ganun. Kasi po... Monthsary na rin po namin; balak ko po kasi siyang bigyan ng regalo" ang paliwanag pa ni Sam.

"Ayun naman pala" ang komento ni Aling Aida sabay tawa. "Mahiyahin ka ba? Marunong ka bang magbenta?"

"Mahiyahin po ako pero sanay po ako sa pagbebenta. Nung nasa probinsya po kasi ako; kasama ko ang nanay na nag-iikot ng mga bentang gulay"

"Kung ganunn; pwede ka" si Aling Aida. "kailangan ko kasi ng magbebenta ng kakanin at mga pasalubong sa stall ko sa terminal ng bus"

"Ayy, sige po!!" ang tugon naman ni Sam. "Kelan po ako magsisimula?"

"Pwede ka ba ngayon?" ang tanong naman ni Aling Aida.

"Ngayon na po?" ang tanong naman ni Sam.

"Kung wala kang gagawin" ang tugon naman ni Aling Aida. "Bawat isang oras nga pala kita babayaran"

"Maraming salamat po" ang pasasalamat ni Sam bago nagpaalam at nagbihis. Pagkatapos makapag-almusal ay sumama si Sam kay Aling Aida patungo sa terminal ng bus.

"Sam, tulungan mo na rin akong magbukas ng tindahan" ang paki-usap ni Aling Aida.

"Opo" ang tugon naman ni Sam.

"O, sha. Sam... Ikaw na ang bahala rito" ang bilin ni Aling Aida. May pupuntahan muna ako. Pagbutihin mo ang pagbebenta; nang makarami"

"Oho" ang maligalig na tugon ni Sam. "Buong araw naman naglalako si Sam ng sari-saring makakain at pasalubong sa mga papaalis at kararating na mga pasahero. Bukod dun ay marami siyang nakasalamuhang mga naglalako din sa mga kabilang stall. Nanag tanghali ay dumating si Aling Aida.

"Sam, kain na tayo" ang yaya ni Aling Aida. "Nga pala. Alam na ba ni Jun ang tungkol sa plano mong gusto mong magtrabaho?"

"Hindi na po muna niya siguro kailangang malaman" ang sabi naman ni Sam. "Gusto ko po kasi siyang surpresahin."

"Ganun ba? O, sige" si Aling Aida. "Hindi ko sasabihin sa kanya."

"Maraming salamat po" si Sam.

Alas-otso na nang makauwi si Sam sa boarding house.

"Sam, saan ka nagpunta at ngayon ka lang?" ang tanong sa kanya ni Jun.

"Ah, may ginawa lang kami na proyekto" ang pagsisinungaling naman ni Sam.

"Ganun ba?" ang reakyson naman ni Jun. "Naghapunan ka na ba?"

"Tapos na. Eh, ikaw?" ang tanong naman ni Sam.

"Hindi pa. Hinihintay kasi kita" ang tugon namn ni Jun.

"Kakain ulit ako para sayo" ang sabi naman ni Sam na nakangiti. Napangiti naman si Jun.

"Siguradong mararamihan ko ng kain" ang sabi naman ni Jun.

"Dapat lang" si Sam. "Ayoko ng nagugutom ka"

Sabay nga silang naghapunan; pagkatapos ay dumeretso sila sa kuewarto para makapagpahinga.

0x'Y

Wa Klas (Completed BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon