"Gusto mo nang umuwi?" ang tanong ni Sam kay Andrew.
"Bakit? Gusto mo na ba?" ang tanong pabalik ni Andrew.
"Ayoko pa pero if it makes you uncomfortable-"
"I'm fine" si Andrew. "Ang mahalaga; ikaw. Mamasyal na lang tayo bukas"
Napangiti naman si Sam at tumango.
Kinabukasan... nagising si Harold at napatingin sa kanyang relo. 6am. Napatingin naman siya sa tabi niya. Wala si Jun. Bumangon naman siya at naghilamos sa banyo bago lumabas. Kaagad niyang narinig ang dagat ngunit wala si Jun sa kusina. Naglakad siya patungo sa dalampasigan. Nakita niya si Jun sa may duyan. Nakaupo siya run at nananagarilyo.
"Good morning" ang bati ni Harold. Naoatingin naman sa kanya si Jun at ngumiti.
"Good morning" ang bati niya pabalik. Kakaiba ang mukha ngayon ni Jun.
"Hey, what's eating you?" ang tanong ni Harold. Napa-iling naman si Jun.
"I'm fine" ang tugon naman ni Jun sabay ngiti ulit.
"I wonder..." si Harold. "Okay na kaya sila?"
Pero hindi umimik si Jun.
"What are our plans for today?" ang tanong ni Jun.
"Pag-usapan natin yan habang nag-aalmusal. Gutom na ako"
"O sha. Magluluto na ako ng agahan" si Jun. Naiwan naman si Harold dun. Narinig naman niyang bumukas ang pinto ng tabing bahay. Napatingin siya sa pinanggalingan ng tunog. Nakita niyang lumabas si Sam kasunod ni Amdrew. Kaagad yumakap patalikod si Andrew. Napangiti naman si Harold sa nasaksihan bago iniwas ang tingin at pinagmasdan ang dagat. Muli siyang napatingin nang nasa baba na ang dalawa.
"Good morning" ang bati niya.
"Good morning" ang bati naman ng dalawa.
"Ang aga niyo namang aalis" ang komento ni Harold.
"Ah, marami lang kaming pupuntahan" si Andrew.
"Bakit hindi muna kayo mag-almusal kasama kami?" ang singit naman ni Jun.
"Thanks for the offer pero sa bayan na lang" ang pagtanggi ni Andrew. Napatango naman si Jun. "We'll go ahead then"
"Ingat" si Harold. Sumakay naman ng kotse si Sam at Andrew.
"Well, that was awkward" ang komento ni Andrew nang makaalis sila.
"I know" ang pagsang-ayon ni Sam.
"Kain muna tayo. And then, where shall we go next?"
"May maliit na falls na dinadayuhan dito tapos rock formations malapit dun" ang suhestyon ni Sam.
"That sounds cool"
Pagkatapos ngang makapag-agahan sa bayan ay nagtungo sila sa munting talon. Hindi gaanong kataasan ang talon. Aakyat ka pa kaunti ngunit hindi naman delikado. Nagtungo sila sa rock formation matapos ng talon. Kuha lang ng kuha ng litrato si Andrew.
"Mag-iingat ka maraming salungo rito" ang babala naman ni Sam nang nadako sila sa mabatong parte ng rock formations.
"Salungo?" si Andrew. "What's that?"
"Sea Urchins" ang tugon naman ni Sam. Napatingin naman si Andrew. May mga salungo ngang nagkalat dun. Bukod dun ay may mga malilit na isda sa mga matubig na parte. Namangha naman siya.
"Oh, look green fish!" ang turo naman ni Andrew na parang bata nang mapansin ang maliit na isda. Natawa naman si Sam.
"Makatawa ka diyan ah!" si Andrew.