"Tama na nga to,oh" si Jun. "Naghanda ako ng pancit bihon. May adidas pa diyan at betamax, mga paborito mo yun, di ba?"
"Oo" natatawang tugon naman ni Sam. Maikli lang ang gabi ngunit sa kanila ay sadyang napakatagal na nun. Maikli lang ang gabi ngunit; magkasama sila at yun ang mahalaga. Hindi man magarbo; hindi man lechon o mamahaling pagkain ang kanilang pinagsasaluhan ay daig pa nito ang piging.
"Jun, maraming salamat" ang sabi ni Sam.
"Para saan?" ang tanong naman ni Jun.
"Para rito" ang tugon naman ni Sam.
"Mahalaga ang araw na to; hifit pa sa inaakala mo" ang nakangiting tugon ni Jun.
"Nga pala, Jun" si Sam sabay kuha ng bag niya.
"Ano yan?" ang nagtatakang reaksyon ni Jun nang kinuha ni Sam ang kanyang bag.
May kinuha si Sam mula sa bag niya.
"Para sa'yo to" ang sabi ni Sam sabay abot ng pinamili niya.
"ANO ANG MGA TO?" ang gulat na tanong ni Jun.
"Regalo ko para sa'yo" ang tugon naman ni Sam. Tinignan naman ni Jun ang laman ng paper bag na binili ni Ricky para kay Sam nang may maayos itong mapaglalagyan. Napatingin sila sa isa't-isa.
"Hindi ko to matatanggap" ang pagtanggi ni Jun.
"Hala, bakit naman?" ang gulat na reaksyon ni Sam.
"Ayoko na gumastos ka para sa akin lalo pa't nag-aaral ka pa lang" ang pagsisimula ni JUn. "Ayoko rin dahil galing pa rin sa mga magulang mo ang perang pinanmbili mo. Nakakakonsenya. Tsaka mo na lang ako bilhan ng mga ganyan kung may sarili ka nang trabaho"
Nalungkot naman si Sam sa narinig. Hindi niya lam kung sasabihin niya na galing mismo sa pawis niya yun.
"Sam" ang biglang pagsingit ng isang boses. Napatingin naman silang dalawa. Si Aling Aida...
"Ang ganda naman..." si Aling Aida nang makita ang ginawa ni Jun. "O, bakit ang lungkot mo diyan?"
"Ka-kasi po...tinanggihan ni Jun ang regalo ko" ang sumbong ni Sam sabay luha.
"Kawawa ka naman. Halika nga rito" ang sabi ni Aling Aida. Lumapit sa kanya si Sam sabay yakap nito. "Hoy, Jun. Bakit mo nga naman tinanggihan ang regalo ni Sam?"
"Kasi hindi po tama" ang tugon ni Jun na nababahala na rin sa pag-iyak ni Sam.
"Mas hindi tama na tanggihan mo ang isang bagay na pinaghirapan ni Sam para sayo" ang tugon naman ni Aling Aida.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" ang tanong ni Jun.
"Hindi mo alam?" si Aling Aida. "Namasukan itong si Sam sa stall namin sa terminal. Namasukan siya dahil ikaw ang iniispi niya."
Napabuntong-hininga naman si Jun.
"Sam" ang pagtawag niya sa kanya. Napatingin naman si Sam at nagpahid ng luha.
"Hindi ko alam na ginawa mo yun para sa akin." si Jun. "Pagpasensyahan mo na ako pero sana naiintindihan mo kung bakit ko tinanggihan ung una."
"Naiintindihan ko" si Sam sabay ngiti. Lumapit naman siya kay Jun.
"Tatnggipan mo na ba?" ang tanong ni Sam. Napatango naman si Jun at kinuha ang regalo ni Sam at yumakap sa kanya.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na namasukan ka kay Aling Ada?" ang tanong ni Jun sa kanya.
"Eh, baka kasi hindi mo ako payagan eh" ang tugon naman ni SAm.
"Kung alam ko dahil sa akin; hinding-hindi!" ang reaksyon naman ni Jun. "Pero Sam maraming salamat sa ginawa mo para sa akin. Sobra akong natutuwa"
"Walang anuman" ang tugon naman ni Sam. "Masaya ako na masaya ka ngayon"
" Dahil yan sa'yo" ang tugon naman ni Jun. "Eh, ikaw ba? Masaya ka rin ba?"
"Oo naman" ang tugon ni Sam. "Andito lahat ng paborito kong pagkain"
"Iba ka talaga" ang pagtawa naman ni Jun. Pagkatapos nun ay magkasama silang nag-ayos sa bubungan ng kanilang kapitbahay. Dumeretso sila sa kuwarto nila at nagtabi sa kama. Nagsimula silang mag-usap tungkol sa kanilang mga plano.
"Pangarap komg makapunta ng Amerika" ang pagsisimula ni Jun. "Gusto kong tumira at magtrabaho dun. Kung sakali ba, gusto mong sumama sa akin?"
"Kahit saan, basta kasama kita" ang tugon ni Sam. "Kung saan mo balak pumunta; okay ako dun"
"Ikaw ba? Wala ka bang gustong puntahan?" ang tanong naman ni Jun.
"Hindi ko alam, hindi ko pa naiisip ang mga ganyang bagay eh" ang paliwanag naman ni Sam. "Kung aalis man ako ng basa gusto kong maglibot na lang. Gusto kong sa Pilipinas na lang... Pero sa tingin ko... Matatagalan pa yun. Sa tingin ko malabong mangyari yun."
"Bakit naman?" ang tanong ni Jun.
"Gusto kong tulungan sila Nanay at Tatay" ang sabi ni Sam. "Nangangarap ako na balang araw; titigil na sila sa pagsasaka. Gusto ko na kahit minsan lang naman sa kanilang buhay, makaramdam sila ng kahit kunting ginhawa."
"Napakabuti mo. Sam" ang puri sa kanya ni Jun. "Magiging mabuti kang magulang"
"Dahil na rin siguro sa pagpapalaki sa akin ni Nanay at Tatay" si Sam.
"Kaya nga lubos ang pasasalamat ko sa kanila"
"Bakit naman?" ang tanong ni Sam.
"Kasi dahil sa kanila, lumaki ka na lubos ang pag-intindi sa iba. Lubos ang pag-iisip mo sa kalagayan ng iba"
"Minsan naiisip ko rin.." si Sam. "Iniisip ko ang kalagayan ng iba, nauuna sila... Sa tuwing nagdarasal ako; hindi ko sinasama ang sarili ko. Tinatanong ko nga yung sarili ko.. Kung may nagdarasal din para sa akin bukod sa mga magulang ko."
"Wag kang mag-alala; hindi man ako ganun karelihiyoso. Minsan pa nga eh... Nawawalan ako ng pananamapalataya sa lahat ng mga naganap sa buhay ko. Gayunpaman ay palagi kang nasa isip at mga dasal ko"
"Masaya ako" si Sam.
"Kung dumating ba ang pagkakataon? Kung yinaya kita... Papakasalan mo rin ba ako?" ang biglang natanong sa kanya ni Jun.
"Pero hindi ako masyadong marunong sa agawaing bahay" ang tugon ni Sam.
"Gutso ko ng mappangasawa at hindi katulong" ang tugon naman ni Jun. "Isa pa, maraming oras pa para matutunan mo ang mga ganun"
"Mukhang desididi ka na ah" ang sabi ni Sam.
"Oo naman" ang tugon ni Jun. "Pangako ko yan"
%�}Z�i�