Ikalabing-apat na Kabanata

2.7K 90 1
                                    


  "Pasok na tayo" ang magiliw na yaya ni Jun kay Sam.

  

  "O, sige mahal" ang pagpayag naman ni Sam.

  

  "Jun" ang pagtawag naman ng isang boses mula sa kanilang likuran. Napalingon naman silang dalawa. Isang babaeng may edad na ang nasa kanilang harap. 

  

  "Kamusta ka na?" ang tanong niya. "Anak?"

  

  Hindi naman nakasagot si Jun. Napatingin si Sam kay Jun. Nasaksihan niya ang gulat sa buong mukha ni Jun. Pagkaraan ng ilang minuto ay natauhan siya. Biglang nag-iba ang mukha niya; ngayon ay puno na ng galit.

  

  "Anong ginagawa niyo rito?" ang matigas na tanong ni Jun sa kanyang ina. "Pagkatapos ng ilang taon... Pagkatapos ng kahaba-habang panahon; magpapakita pa kayo sa akin?"

  

  "Anak, pagpasenyahan mo na ako kung natagalan ako sa pagbalik..."

  

  "Tama na. Ayoko na kayong makita pa" si Jun. "Lumayo kayo sa akin. Nasanay na ako"

  

  Bigla namang pumasok si Jun sa boarding house patungo sa kuwarto. Sumunod naman si Sam. Nadatnan niya si Jun na naka-upo sa gilid ng kama; umiiyak. Naupo naman si Sam sa tabi niya.

  

  "Bakit kailangan niya pang magpakita?" ang retorikal na tanong ni Jun. "Okay naman na ako.. Na wala siya.. Na wala sila. Mas masaya ako na wala sila"

  

  "Bakit hidni mo muna pakinggan ang paliwanag niya?" ang suhestyon ni Sam.

  

  "Para saan pa?" ang tanong naman ni Jun. "Wala nang salita o paliwanag pa ang kailangan kong marinig. Hindi maibabalik ang panahon... Ang mga pagkakataong nawala.. Ang mga paghihirap ko. Wala na akong ibang kailangan dahil kinaya ko namang tumayo."

  

  Yumakap naman si Sam kay Jun.

  

  "Mahal, palayain mo ang sarili mula sa galit" ang payo ni Sam. "Alam kong mahirap ang magpatawad; lalo na ang paglimot pero naniniwala ako na bakang-araw. Magagawa mo rin yun"

  

  "Sapat na na meron ka sa tabi ko. Wala na akong ibang kakailanganin pa" ang dagdag pa niya. Napayakap na lang si Sam sa kanya. Sa mga sumunod na araw ay walang palya kung pumunta sa boarding house ang nanay ni Jun. Sa tuwing natyetyempuhan siya ni Sam ay nag-uusap silang dalawa. Kay Sam niya pinaliwanag kung bakit umabot ng kay tagal na panahon bago sila muling nagkita, nahabag at nalungkot si Sam; hindi lang kay Jun kundi sa isang inang sabik na sabik sa kanyang nag-iisang anak.

  

  "Alam ko po na wala ako sa lugar para sabihin ito pero... Nasaktan po talaga si Jun. Pero hindi naman po magtatagal; matatanggap ka niyo rin po" ang sabi ni Sam. "maiintindihan niya na may mga dahilan kayo"

  

  "Maraming salamat, Sam" ang pasasalamat ng ina ni Jun sa kanya. "Alagaan mo si Jun"

  

  Hindi na alam ni Sam ang sasabihin niya. Hindi niya matanto kung may alam ang babaeng kausap niya tungkol sa relasyon nila ni Jun.

Wa Klas (Completed BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon