"Makakalabas ka na bukas" ang maligayang balita ni Estella kay Jun. Napangiti lang si Jun at tumango.
'Anak ko" ang pagtawag naman ng isang babae nang makita siya. Kaagad naman siyang yinakap nito. Napapatingin lang naman si Jun kay Estella.
"S-sino po kayo?" ang tanong ni Jun kay sa babaeng kaharap niya.
"Ako ang nanay mo, Jun" ang tugon naman niya.
"Teka, ho" ang singit ni Estella. "Pwede ko po ba kayong maka-usap?"
"Ha? O,sige" ang pagpayag ng nagpakilalang nanay ni Jun. Lumayo sila kay Jun. "Ano ba yun? At bakit hindi niya ako naaalala?"
"Kasi po. May amnesia siya dahil sa aksidente." ang simpleng paliwanag naman ni Estella. "Sabi ng doktor; makakasama sa kanya ang sobrang stress."
"Kung ganun lang; sana hindi na bumalik pa ang ala-ala niya." ang komento naman ng nanay ni Jun.
Napabuntong-hininga naman si Estella dahil parehgo sila ng naiisip ng nanay ni Jun.
"Ako nga po pala si Estella" ang pagpapakilala niya sa kanyang sarili. "Dati pong kasintahan ni Jun."
"Miranda; ako ang nanay ni Jun"
"Bakit niyo po pala nasabi na sana hindi na bumalik pa ang mga ala-ala ni Jun?" ang nagtatakang tanong ni Estella.
"Iniwan ko kasi siya nung bata pa siyakaya abot-langit ang pagkamuhi niya sa akin" ang tugon naman ni Miranda. "Pero may pagkakataon na akong muling maging ina sa kanya.. Kahit hanggang sa pagbabalik lang ng kanyang mga ala-ala."
"Naiintindihan ko po" ang tugon namn ni Estella. "Sa tingin ko nga rin po mas makakabuti sa kanya ang makapagsimula ng bagong buhay"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sa tingin ko lang po; yun ay kailangan niya" ang tugon naman ni Estella; iiwasan niyang banggitin ang pangalan ni Sam.
"Si Sam nga pala?" ang tanong naman ni Miranda.
"Kilala niyo po siya?" ang gulat na tanong ni Estella.
"Paanong hindi? Kaibait na bata nun" ang tugon ni Miranda. "Isa pa. Kasintahan siya ni Jun"
"Wala na po siya" ang tugon naman ni Estella. "Nagpunta na po siya sa America; sumamas a iba"
"Sigurado ka ba?" ang gulat na tanong ni Miranda. Tumango naman si Estella.