Kinabukasan... Nagtungo si Sam sa terminal ng bus para muling magbantay sa stall ni Aling Aida. Nakapagpaalam na rin naman si Sam sa kanya na maaga siyang uuwi para makapaghanda para sa acquaintance party. Napakatipikal ng araw na ito para kay Sam. Kung wala rin naman kasing customer ay naka-upo lang siya at nagrereview ng mga aralin niya. Pagsapit ng hapon ay dumating na si Aling Aida para pumalit sa kanya. Deretso naman siya sa boarding house. Hindi niya naman inaasahan na madadatnan niya si Jun doon.
"Wala kang trabaho?" ang tanong ni Sam sa kanya.
"Wala. Gusto kasi kitang makita bago ka pumunta sa party" ang paliwanag naman ni Jun.
"Bakit naman?" ang nagtatakang tanong ni Sam sa kanya.
"Wala. Masama ba?" ang tanong ni Jun naman sa kanya sabay upo sa tabi ni Sam at kagat sa ilong niya. "Halika nga rito"
Yumakap si Sam sa kanya.
"Hindi naman siguro masamang lambingin ang taong mahal ko?" ang tanong ni Jun. Umiling naman si Sam. "Maligo ka na"
"Sige" ang tugon naman ni Sam sabay tayo at lumbas ng kuwarto para magtungo sa banyo upang maligo habang inayos naman ni Jun ang mga susuotin ni Sam.
Natigilan naman si Sam nang makita ang mga damit sa kama nila.
"Magbihis ka na" ang sabi naman ni Jun.
"Pero hindi yan ang gusto kong isuot" ang sabi naman ni Sam habang tinitignan ang polo shirt na binigay sa kanya ng isang taong hindi niya rin naman kilala.
"Ito ang gusto kong isuot" ang sabi ni Sam sabay punta sa tapat ng lagayan ng damit ni Jun at kinuha ang isa ring polo shirt.
"Ha? Eh, bakit naman yan?" ang tanong ni Jun.
"Kasi kahit na wala ka dun, pakiramdam ko magkasama pa rin tayo" ang paliwanag naman ni Sam. Napapangiti naman si Jun sa sinabi ni Sam.
"Lakas din ng tama mo" si Jun. "Hamak na mas maayos pa ang damit na yun kesa diyan sa hawak mo"
"Hindi naman importante yun eh" ang depensa ni Sam. Kinuha naman ni Jun ang damit sa kama sabay kuha din sa polo sa kamay ni Sam.
"Alam ko pero mas bagay ang ganito sayo" ang sabi ni Jun sabay tulong kay Sam na isuot ang damit. Napabuntong-hininga naman si Sam at pinagpatuloy ang pagpapalit. Nang matapos naman ay inayos ni Jun ang kanyang buhok.
"Bago ka umalis" si Jun sabay abot ng isang jacket sa kanya. "Para kahit wala ako dun; ramdam mo pa rin na naroon ako"
Napangiti naman si Sam at yumakap kay Jun. Hinalikan naman ni Jun si Sam at ngumiti sa kanya.
"Sige na. Baka mahuli ka pa" ang sabi ni Jun. "Ingat ka"
"Salamat"
"Sam"
"Bakit?"
"mahal kita"
"mahal din kita Jun"
"Wag kang titingin sa iba, ha?" ang bilin naman ni Jun.
"Opo" ang natatawang tugon ni Sam sabay nakaw ng halik at huling yakap kay Jun bago tuluyang umalis.
Sa Acquaintance party...
"Buti naman, dumating ka" ang komento naman ni Ricky nang makita niya si Sam sa party.
"Pinapunta ako ni Jun" ang paliwanag naman ni Sam.
"Ayy, sheeet! Ang gwapo!!" ang biglang reakyon ni Ricky; napatingin naman si Sam. Si Andrew at totoo... Ang gwapo nga ni Andrew. Bigla nagtama ang mga tingin nila. Kaagad namang umiwas ng tingin si Sam.
"Hui, Sam!" si Ricky.
"A-ano?" ang tanong ni Sam.
"Ano yun?"
"Ang alin?"
"Ang titigan niyo ni Andrew?"
"Hui! Magtigil ka diyan ah" si Sam. "Wag ka ngang gumawa ng issue"
"Sa tingin ko may gusto siya sayo" ang sunod na sinabi ni Ricky sa kanya. "At alam mo, pakiramdam ko; siya rin ang nagbigay sa'yo ng suot mong damit"
"Grabe ka; kahit kelan napaka-assuming mo!" ang bawi naman ni Sam sa kanya.
"Eh, yun ang tingin ko eh" ang tugon naman ni Ricky. "At isa pa, yun ang napapansin ko. Panay ang tingin niya sa'yo"
"Hindi naman kami nag-uusap" ang sabi ni Sam.
"Wala siyang kinaka-usap" ang dagdag naman ni Ricky. Buong magdamag lang magkasama si Ricky at Sam. Nang malapit nang matapos ang party ay may lumapit sa kanilang dalawa.
"Hello" ang bati ng isang lalake sa kanila.
"In ferness..pogi si Kuya" ang bulong ni Ricky Kay Sam.
"You're Sam, right?" ang tanong ng lalake kay Sam.
"Oo" ang tugon naman ni Sam. Napangiti naman ang lalake. "bakit?"
"Pwede ba tayong mag-usap?" ang tanong nito sa kanya.
"Hindi ba tayo nag-uusap?" ang tanong pabalik ni Sam.
"What I mean is... Yung tayong dalawa lang" ang paliwanag naman ng lalake sa kanya.
"Para saan?" ang tanong naman ni Sam. "Eh, hindi naman tayo magkakilala para mag-usap tayo na tayo lang"
"That fits you so well" ang komento ng lalake sabay ayos niya sa collar ng damit ni Sam. Tumalikod ang lalake. Napatingin naman si Sam at Ricky sa isa't-isa.
"Teka" si Sam. "Pumapayag na ako"
"Follow me" ang bilin ng lalake. Nagtungo naman sila sa labas.
"Nga pala; I'm Rex" ang pakilala niya sa kanyang sarili. "Taga-kabilang block ako"
"Kilala mo na ako kaya hindi ko na siguro kailangan pang ipakilala ang sarili ko" ang sabi namn ni Sam.
"I see"
"Ikaw nga ba?" ang tanong ni Sam.
"Tama." ang tugon ni Rex.
"Bakit?"
"Hindi ba halata? Gusto kita" ang tugon naman ni Rex.