Kinabukasan... Nagising ng maaga si Sam. May pasok pa kasi siya ngayon. Naabutan niya si Jun na pumasok ng kuwarto.
"O, mahal" si Jun. "Mauuna na ako."
"Sige, mahal" ang tugon ni Sam. "Ingat ka sa daan"
"Maraming salamat" ang nakangiting sabi ni Jun. "Oh, nga pala. Suot ko na ang regalo mo. Bagay ba?"
Sabay kindat naman ni Jun sa kanya.
"Oo naman" si Sam. Tuluyan na ngang umalis si Jun nang makapagpaalam sila sa isa't-isa. Kaaagad din namang nag-ayos si Sam at pumasok. Natigolan siya nang may makita sa upuan niya. Isang rosas. Napakunot siya ng noo. Kinuha niya naman yun at linagay sa ilalam ng kanyang upuan.
"Bakit parang wala pa si Ricky" ang bulong niya sa kanyang sarili kinse minuto na ang nakakalipas nang nagsimula na ang klase.
"Para sa finals, bibigyan ko kayo ng isang proyekto. Pair work. Mamili na kayo ng mga partner at isubmit niyo sa akin ang mga pangalan niyo ngayon na" ang utos ng kanilang propesor.
Hinihintay talaga ni Sam ang pagdating ni Ricky. Wala na siyang iba pang gustong makapareha kundi ang pinakmalapit sa kanya sa kanilang klase.
"Samuel! Samuel Dimalanta!" ang pagtawag sa kanya.
"Sir?" ang tugon naman niya.
"Who's your partner?" ang tanong naman sa kanya.
"Si Ricky po" ang tugon naman ni Sam.
"Ricky? Absent siya. Maghanap ka ng kapareha na narito" ang komento naman ng kanyang propesor. "Oh, wala pang kapareha si Andrew"
Nagkatinginan naman si Sam at Andrew. Ramdam niya pa rin ang mga lamig sa pagtitig sa kanya ni Andrew.
"Kayo na ang magpartner" ang sabi naman sa kanya ng Prof.
"Patay" ang iniisip ni Sam. Natatakot kasi siya kay Andrew. Tumayo naman si Andrew at naupo sa tabi niya.
"first things first" ang kaagad na pagsisimula ni Andrew nang magkaharap sila. "I don't know all about your mental capacity... So, are you good with this?"
Nakatitig lang si Sam sa kanya. Humanga ito sa galing niyang sa paggamit ng wikang banyaga. Tunog Amerikano.
"Ang galing mong mag-English" ang nasabi ni Sam. Bigla namang natawa si Andrew kaya mas naguluhan itong si Sam.
"I have been in the US half of my life" ang tugon naman ni Andrew sabay ubo at balik sa pagiging seryoso. "May laptop ka ba o kahit na anong pwedeng pangresearch?"
"Wala eh. Pero pwede namang dumaan ako sa university computer library" ang tugon naman ni Sam.
"Isang oras kang pipili para makagamit ng computer sa dami ng nakapila dun at isang oras lang ang ang alloted time sa bawat isang estudyante" ang pagpapaliwanag ni Andrew. "Sa tingin ko hindi sapat na oras yun"
"Ah, ganun ba?" ang reaksyon ni Sam.
"So, here's the deal" ang pagsisimula naman ni Andrew. "Ako na ang bahala sa researches tapos pagtulungan na lang natin gawin yung output."
"O, sige" ang pagpayag ni Sam. Pakiramdam niya ay wala naman siyang ibang magagawa kundi ang pumayag.
"When is your free time?" ang tanong ni Andrew.
"Linggo ng hapon" ang tugon naman ni Sam.
"Bakit Linggo ng hapon lang?" ang tanong namn ni Andrew.
"Kasi namamasukan akong tindero sa terminal ng bus ng Sabado at Linggo ng umaga" ang tugon naman ni Sam.
"Eh, weekdays?" ang tanong naman ni Andrew. "Pagkatapos ng klase?"